DRAKE Simula ng dumating si Marie ang kakambal ni Mariane lagi na akong balisa sa tuwing nakikita siya. Nakakapagtaka lang parehas sila ng mukha ni Mariane pero ni minsan hindi ko naman naramdaman ang ganito kay Mariane pero kay Marie may kakaibang damdamin ako na pilit lumalabas kahit na anong pigil ko. Nang makita ko na nakabukas ang kwarto ni Marie sinilip ko siya pero nabigla ako nang makita ko siyang umiiyak. Hindi man siya mag-kwento sa amin alam ko na matindi ang pinagdaanan niya sa nakaraan niya na hangang ngayon ay lagi padin niya iniisip. Kaya napagpasyahan ko na ayain siya mamasyal para naman malibang siya. Niyaya ko siya sa resthouse ko sa Tagaytay para maka experience siya sumakay ng kabayo. Actually hindi naman sa akin ang bahay dito, sa Daddy ko to sa tunay kong ama. Ib

