MARIE Tinanghali na ako ng gising dahil anong oras nadin kami natapos ni Drake sa pag-kwekwentuhan. Aminin ko man sa hindi masaya ako tuwing kausap ko siya, lumabas ang natural na ako, na kahit wala akong alam sa ibang bagay ay alam kong matatanggap niya ako. Akala ko nga hindi na babalik ang tiwala ko dahil ang tagal kong hindi nagtiwala sa tao dahil sa nangyari sa aking pang-loloko pero bakit kay Drake napaka-bilis kong ibigay ang tiwala ko na walang pag-aalinlangan. Napaka gaan ng loob ko sakanya at bukod doon prinsesa ang turing niya sa akin na hindi ko naranasan kay Aston. Napag-alaman ko din na ang isang Helios Drake ay magaling mag-payo at laging positibo sa buhay. Masaya akong bumangon sa higaan ko at nag-ayos na ng aking sarili, isang pants at simpleng t-shirt lang ang suo

