NATHANIEL
Nang makarating ako sa University ay hinanap ko agad ang mga kaibigan ko. Nakita ko naman agad sila na nagtatawanan sa loob ng aming classroom at nang makalapit ako'y pinagbabatukan ko sila isa-isa.
"What the fck, bro! Ano'ng problema mo?" Nick said holding his head, kung saan ito tinamaan ng batok ko.
Nakaupo siya sa armchair ng kaniyang upuan habang nakikipag-usap sa dalawa naming kaibigan nang batukan ko sila. Masama lang nila akong tinignan at gano'n din ang ginawa ko.
"Alam niyo ba kung ano ang problema ko?" Tinuro ko silang tatlo. "Kayong tatlo! Kung hindi niya ako hinila roon sa night club na iyon ay hindi ako masasangkot sa gulo!"
They're staring at me with confusion in their faces. Malamang ay hindi nila alam kung ano'ng ibig kong sabihin na gulong napasukan ko.
"What do you mean? May ginawa ka kagabi 'no?" Jonas asked. Nakakunot pa ang kaniyang noo.
Ibinagsak ko ang sarili sa aking upuan at inilagay ko ang mga palad sa armchair ko bago sila tinignan nang masama. Nagpalipat-lipat ang masasama kong titig sa kanilang tatlo at saka ako napabuntonghininga.
"Wala!" Umiwas na ako nang tingin. I don't want them to know kung ano bang gulo ang napasok ko o kung gulo talaga ito but for me, this is not just a simple problem that it's easy to solved.
"Oh, wala naman pala! So, papaano ka nakauwi kagabi?" Muli akong napatingin kay Jason na nakaupo sa tabi ko.
"I don't know. Maybe, some girl grabbed me and took me home," sagot ko sa kaniya.
Hindi ko naman talaga alam kung papaano ako nakauwi kagabi. Nagising na lang ako na katabi ko ang halimaw na Gio na iyon sa kama at ngayon nga'y pinagtitripan na ako.
Magsasalita pa sana ang tatlo ngunit mabilis silang napaayos ng kani-kanilang upo nang pumasok ang professor namin at nagsimulang magturo.
Abala ako sa pakikinig ng mag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa. Kaya pasimple ko itong kinuha at binasa ang message na natanggap ko.
"Meet me at the rooftop after class, I have some business to discuss with you."
Kumunot ang noo ko dahil wala namang pangalan ang number na nag-text kaya ibinalik ko na iyon sa aking bulsa at muling tumingin sa harapan para makinig sa aming professor.
-
Pagkatapos ng klase ay agad kaming lumabas na magkakaibigan. We went to the school cafeteria to take our lunch. As usual, we sit on our usual place here. Hindi nga namin naiintindihan kung bakit wala man lang nagtatangkang umupo rito sa puwesto naming ito.
"Alam niyo ba!" Panimula ni Nick sa palagi niyang linya kapag may nasasagap siyang tsismis. Kahit lalaki siya ay siya ang pinakatsismoso sa lahat, matalas ang pandinig niya sa paligid at kung ano ang naririnig niya'y agad niyang sinasabi.
"What it is?" Jonas asked as he bite his food. Nakatingin din siya kay Nick para marinig ang tsismis na nasagap na naman ng lalaki sa kung saan.
"Someone saw Giovanni on that night club we went to. At sabi pa ng nakapagsabi sa akin, nakita rin daw nila ito na umuwi kasama ang isang lalaki!"
Natigilan ako sa pagnguya ng kinakain kong pagkain at napatingin kay Nick na katabi si Jason at kaharap naman namin ni Jonas.
"W-What's the look of the guy he was with?" I asked him. Kaya napatingin naman ito sa akin at napahawak sa kaniyang baba para mag-isip ng isasagot.
"Sabi nila; moreno, medyo may katangkaran at maganda raw ang pangangatawan. Wait?" He looked at me. "It's look like they're referring to you, Niel!"
Naibuga ko ang laman ng bibig ko kaya tumilapon iyon sa plato ni Jason na kaharap ko.
"FCK, NATHANIEL! NAPAKADUGYOT MO!" sigaw nito at masama akong tinignan dahil natapunan ang plato niya na may lamang pagkain.
Uminom ako ng tubig na ibinigay ni Jonas at hinagod ang likod ko. Masama kong ibinaling ang tingin kay Nick na nakangisi lang siya at 'di man lang natinag sa matatalim kong tingin.
"f**k YOU!" singhal ko dahil wala akong mahanap na puwedeng sabihin sa kaniya.
Hindi ito sumagot at ibinalik lang ang tingin sa pagkain niya at sinimulan itong kainin na parang wala siyang kasalanang nagawa.
Muntik na akong mawalan ng hininga dahil sa sinabi niya. Is he out of his mind? Sinong siraulong mag-iisip na ako ang kasama ng Giovanni na iyon kagabi. Nasisiraan na siya ng bait and he needs medication.
"f**k KAYO KA RIN! PALITAN MO ITONG PAGKAIN KO!"
Padabog akong umalis doon at pumunta sa counter para bumili ulit ng pagkain para kay Jason.
Naiinis ako at hindi ko maintindihan kung bakit. Alam ko namang totoo ang sinasabi ni Nick na ako nga ang kasama ni Giovanni umuwi but I don't want to admit that thing, baka kung ano pa ang isipin ng iba kapag nalaman nila ang totoo.
Kaya as much as possible, itatanggi ko kung ano man ang dapat kong itanggi.
-
"Tol, I'm really sorry. I was just joking dahil you know, ikaw ang pinakapikon sa tropa?" Masama ko pa ring tinignan si Nick at hinawi ang braso nitong balak na umakbay sa akin.
"Just don't talk to me for a while, Nick. Masama lang siguro pakiramdam ko," sabi ko at nauna na akong maglakad.
"Let me know when you're okay! May nagyayaya ulit na mag-inom!" sigaw na narinig ko kay Jonas at nag-thumbs up lang ako bago ko sila iwan at pumunta na sa parking lot.
Kakatapos lang ng klase namin at balak kong umuwi ng maaga dahil marami pa akong gagawing assignments ngayon. Balak din ni Kuya Miguel na magkipagkita sa akin kaya kailangan kong tapusin lahat nv gawain ko bago ako makipagkita sa kaniya.
Nakarating ako sa aking condo ng matiwasay and I sighed in relief dahil walang Giovanni na gumulo sa araw ko. Mabuti na lang talaga ay hindi ko siya kaklase at kahit naman kaklase ko ang lalaking iyon ay bali-balitang hindi rin siya pumapasok sa kaniyang klase. So, it's still useless.
Nagpalit lang ako ng pambahay at agad ding lumabas ng aking kuwarto para magluto ng dinner sa kusina. This Condo was once used by my brother nang hindi pa sila ni Chan but when they lived together, they moved to big place. Kaya ako na ang nakatira dito nang lumipat ako rito sa syudad one year ago.
At first it was really hard for me to lived by myself. Nasanay na kasi ako na kasama ko si Papa at Dada sa Isla Esperanza kaya nang lumipat ako rito ay nahirapan akong mamuhay. I don't know what to do, palagi na lang instant noodles ang kinakain o 'di kaya'y I ordered some foods to delivered in here.
But time flies, sabi nga nila. At sa araw-araw na nakatira ako rito mag-isa, I learned to clean by myself and lived by myself without depending on others.
Nagpaturo lang ako kung papaano magluto kay Chan and I'm happy that I learned a lot from him.
Tapos na akong magluto nang may kumatok sa pinto ng condo. Kaya inilapag ko na muna ang niluto kong ulam at saka ako lumabas ng kusina para pagbuksan ang kung sino man ang kumakatok nang malakas sa pinto.
Nang buksan ko ito ay napaatras ako dahil sa gulat. He was standing in front of me, looking at me or let me easily say, he was glaring at me. Ano'ng ginagawa ng lalaking ito at bakit may dala siyang maleta at bag sa kaniyang balikat?