CHAPTER 3

1340 Words
NATHANIEL "What are you doing here?" mahinahon kong tanong kay Giovanni na tuloy-tuloy lang ang pagpasok sa aking condo. He put his bags on the sofa and sit there as if he lived here. Feel at home na feel at home siya dahil itinaas pa niya ang mga paa sa center table at isinandig ang likod sa sandalan ng sofa. "From now on, I will be living here." Nanlaki ang mga mata ko at naikuyom ko ang mga palad dahil sa narinig. "What did you say?" tanong ko dahil hindi ko lubos na maintindihan ang sinabi nito. He looked at me with those dark eyes of him. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? This is the punishment you'll get for not showing to the rooftop," sabi nito. Mabilis ang t***k ng puso ko hindi dahil sa kinakabahan ako kundi dahil sa inis at galit na nararamdaman ko sa lalaking iyon. How dare him to lived here without my permission? "A-Ano ba talaga ang gusto mo?" Bumuntonghininga ako at naglaka papunta sa single sofa para ibagsak ang sarili doon at tumingin sa kaniya, directly into his dark eyes. Inayos niya ang pagkakaupo. Ibinaba niya ang mga paa na nakapatong sa center table sa marbel na sahig at itinukod ang mga siko sa kaniyang mga hita. Pinagsaklop niya ang mga kamay at saka ngumising nakatingin sa akin. "Wala akong gusto sa 'yo. Makikitira lang ako for the mean time habang hindi pa ako nakakahanap ng bagong titirahin..." Nanlaki ang mga mata ko. Tumawa ito. "I mean, titirhan. Mahirap ba iyon, Nathaniel? Just this time, show me humanity." I couldn't hold myself back. Nakatitig lang ako sa maangas niyang mukha na kapag tinitigan mo'y parang galit na nakatingin sa 'yo ngunit normal lang niyang expression iyon. Kaya kung hindi mo siya kilala, malamang ay mapagkakamalan mo itong may galit s'ya sa 'yo. "Fine! One week will be enough," mabilis kong sabi at umiwas ng tingin. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kaniya nang matagal. And I don't understand myself bakit pumayag akong tumira ito rito ng isang linggo. Nababaliw na yata ako para patirahin ang isang demonyo sa condo ko. "Madali ka rin naman pa lang kausap, akala ko'y kailangan ko pang maghubad sa harapan mo. Mapapayag lang kita," anito. "I am just doing this as favor dahil sa kagaguhang ginawa mo. After one week, I need you to delete all of your copies of that fcking picture," sabi ko at nilingon siya. Bumalik na ito sa dati niyang puwesto at hawak na n'ya ang remote control ng TV. Pinapaikot-ikot niya ito kaniyang kamay. "Pag-iisipan ko, baka hindi lang pagtira ko rito ang kailangan ko sa 'yo. Maybe you and your body." Nangilabot ako sa kaniyang sinambit. "Hindi ako nakikipaglokohan sa 'yo, Giovanni. J-Just delete that damn picture." I greeted my teeth. Tumawa lang ito at hindi na ako pinansin pa. Binuksan niua ang TV at inabala ang sarili sa panonood ng TV. Bumuntonghininga na lang ako at tumayo mula sa pagkakaupo para bumalik sa kusina dahil magluluto pa ako ng hapunan. Mamaya ko na lang ito tatanungin kung bakit dito siya maninirahan ng isang linggo. Although, I have a hint kung bakit nandito siya ngayon bitbit ang mga gamit niya ay ayoko pa ring mag-conclude dahil baka mali ang nasa isip ko. I'll just ask him and clear things in my mind. For now, kailangan kong magluto ng pagkain para sa aming dalawa. At hindi ko maintindihan kung bakit maganda pa rin akong makitungo sa kaniya kahit na pinapakitaan na ako nito ng kasamaan niya. - Kaharap ko si Giovanni ngayon dito sa kusina habang ganado itong kumakain ng pagkaing niluto ko. Halos maubos niya ang tinolang manok na nasa bowl. "Hindi ka ba nakakakain sa tinitirhan mo?" I asked him dahil para siyang patay gutom kung kumain. Humigop ito sa sabaw na nasa kaniuang mangkok at saka uminom ng tubig bago masamang tumingin sa akin. "Tatlong araw na akong hindi umuuwi sa bahay and I'm hungry because I only eat instant noodles," he answered. Nagulat ako sa naging sagot nito but I remained myself calm. Hindi ko lubos na kilala si Giovanni, I only knew about was he was like a gangster. Hindi ko lang alam kung totoo bang gangster nga ito pero ayon kay Nick na dakilang tsismoso sa barkada namin ay palagi raw itong nakikipagbasag-ulo sa labas ng campus. Ngunit itong sinabi niya na hindi pa siya umuuwi sa bahay nila ng tatlong araw na ay hindi ko alam. Maybe because we're not that close and barely see each other. Kilala ko siya pero 'di ko alam kung papaano ba niya ako nakilala. Nagulat na lang ako na alam pala niya ang pangalan ko. "Auhmmm... As I've said, you can stay here for the meantime but it doesn't mean you're not going to do some house chores," I said. Kumunot ang noo nito at nagkasalubong ang kaniyang may kakapalang kilay. "What do you mean?" Napatapik ako sa akin noo at napabuntonghininga. Simple na nga lang ng sinabi ko sa kaniya ay mukhang hindi pa niya iyon nakuha. "Sabi ko, hindi porket nakikitira ka lang dito ay hindi ka na gagawa ng mga gawaing bahay." "How?" he asked and looked around. "I don't know how to clean," dagdag niya. "Fine! I'll teach you." Padabog akong tumayo at niligpit ko ang pinagkainan naming dalawa. "First thing to do, liligpitin mo ang pinagkainan pagkatapos kumain at ilagay sa lababo para hugasan." Tumingin ako sa kaniya at pinagmamasdan lang niya ang ginawa ko. I explained him everything he needed to know and I think he was just listening at hindi niya iyon tinatandaan. "Ayan! Madali lang naman ang paghuhugas ng plato, kailangan ay hindi amoy sabon ang plato. Gets mo?" "Maybe?" he said at tumayo na rin sa pagkakaupo. "Ipagpabukas mo na lang ang pagtuturo, Ma'am. I'm tired and I really wanted to rest for now." Muli akong napahinga nang malalim at hinayaan na siyang umalis ng kusina. Feel at home naman siya sa condo ko kaya hindi ko na siya kailangan pang sabihan sa kung ano ang gagawin niya. Nilinisan ko na lang ang mesa at nagwalis sa kusina bago ko siya sinundan. Hindi ko na nakita ang bag nito sa sala at wala rin siya sala. Kaya malamang ay pumasok na ito sa loob ng kuwarto. Isa lang ang kuwarto rito sa condo kundi ang kuwarto ko lang kaya hindi ko alam kung saan siya matutulog. Tumingin ako sa orasan at lagpas alas-syete pa lang ng gabi. Alas-otso kami magkikita ng kapatid ko kaya kailangan ko ng matapos ang assignments ko bago ako aalis. Dali-dali na akong pumunta sa kuwarto at hindi ko naabutan si Giovanni roon pero nakita ko ang maleta nito at bag na nakapatong sa aking kama. I even saw his shirts na nagkalat sa sahig at wala sa pinagsasabitan ko ang aking tuwalya. Malamang ay naliligo ito at tama nga akong feel at home na siya masyado. Inabala ko na lang ang sarili sa pagsagot ng mga gawain ko. Pinulot ko na muna ang mga nagkalat na damit ni Giovanni sa sahig at inilagay ko iyon sa hamper na malapit lang sa pinto ng banyo. Saktong bumukas ang pinto ng banyo nang patapos na ako sa ginagawa ko. I turned my head into his direction. Nakita ko ang hubad na katawan ni Giovanni na basa pa ng tubig. Nakasuot lang ito ng boxer shorts na manipis sa kaniya. Ang tuwalya kong ginamit niya'y nasa kaniyang basang buhok at ginagamit ito upang ipampunas doon. "You like it? You can touch and lick it because I'm all yours." Umiwas ako ng tingin dahil sa sinabi nito at napansin ko lang ang pagngisi nito. Kinabahan ako at hindi ako mapakali sa ginagawa ko. Muntik pa akong mahulog sa kinauupuan ko sa harap ng aking study table nang maramdaman ko ang presensiya nito sa tabi ko. "Easy, Nathaniel. I'm not going to eat you..." Naglakad ito papalapit sa akin at bumulong na nagpatayo sa aking mga balahibo sa katawan. "Not yet."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD