MADELIN Napaupo ako padausdos sa kinasadlakan kong pader. Humihikbi pa rin ako habang yakap ang sarili. Mas itinapat ko ang mga braso ko patakip sa dibdib ko. Kahit alam kong hindi iyon sapat upang takpan ang nakalitaw nang bra ko mula sa pagkakapunit ng suot kong blouse. Walang patid pa rin ang agos ng aking luha. Sinubukan niya akong patahanin ngunit mas na-trigger pa no'n ang emosyon ko. Kaya mas lalo akong naiiyak. I cant confront him kung bakit niya nagawa ito sa akin. Wala akong lakas ng loob. Basta alam ko galit siya. At baka kasama at parte iyon ng galit niya. I got really scared of him. Hindi ko akalain na kaya niyang gawin iyon sa akin. Naramdamdaman ko na lang nang maingat niyang ipatong pasuot sa akin ang leather niyang jacket na suot. Tumutulo pa rin ang lu

