LANNION Pagkaparada ng sasakyan ko sa harap ng five-star hotel na iyon na pagmamay-ari nila Xian ay agad lumapit sa akin ang isa sa mga guard. Inabot ko ang susi ng sasakyan ko, "kami ng bahala boss," tumango lang ako. I was 30 mins late already. Nagmamadali kong tinungo ang elevator, may dalawang babaeng naghihintay rin sa harap nun at agad akong napansin. Tahimik akong nakatayo. I heard them whispering and giggling, "s**t. ang guwapo niya talaga," napangiti ako ng lihim. I just came from a meeting, I was still wearing my corporate attire.Wala na akong oras para dumaan sa bahay kaya nagderetso na agad ako rito. It was Luicke's bachelor party, buti pa ang loko at ikakasal na. Ikakasal na ito kay Kara isa sa kaibigan ng kapatid ni Paul. "E-approach mo kaya, this is our chance g

