LANNION Mula nang makita ko ang magazine na iyon ay hindi ko na nagawa pang bitawan, nawala rin ako pansamantala sa aking sarili. Nilamon ng emosyon ang dibdib ko at hindi ko kinaya kaya lumabas ako at sumagap ng hangin sa labas, sa may veranda. Sariwa ang hangin, maganda ang tanawin, masarap sa mata ang nagkikislapang ilaw na nagmumula sa buong syudad. Pero bakit hindi man lang nito mapakalma ang puso ko? Napahinga ako ng malalim nang maalalang muli ang sinabi ni Xian, " what if, she is after for revenge? Masakit ang nangyari sa kaniya eightyears ago. She hides, pinalabas niyang patay na siya, and now she cameback. And if she's not after for revenge, what if she's already married or taken? Sana maging handa ka, huwag kang umasa, she hides from you for a long time. She maybe doesn't

