I brought Adelle home after the incident. I understand that she’s not okay with Maria living in the mansion. Paulit-ulit niya iyong sinasabi sa akin. Hindi ko na sinasagot para hindi na humaba pa ang usapan. And also, hindi ko gustong ma-stress siya lalo. “Kaya ba dito mo ako iniuwi at hindi doon sa mansion? Dahil mas may karapatan ang anak mo kay Maria kesa sa magiging anak natin?” Puno ng hinanakit na tanong nito sa akin ng makapasok kami sa loob ng bahay na tinitirhan niya. I did not answer her. Wala naman akong dapat i-explain sa kanya dahil tapos na kaming dalawa. “Bakit ayaw mong sagutin ang mga tanong ko?” Itinulak ako nito sa balikat. Hinawakan ko siya sa bewang at braso upang alalayang makapasok sa kwarto nito. I want her to rest. Baka ano na naman ang mangyari sa kanya. “Do

