bc

Maria, Ang Seksing Labandera

book_age16+
27.0K
FOLLOW
173.7K
READ
fated
arrogant
dare to love and hate
comedy
sweet
bxg
humorous
lighthearted
chubby
humiliated
like
intro-logo
Blurb

Uso daw magka-crush sa amo lalo na at gwapo. Kaya naman si Maria kilig to the max sa Sir Miguel niya. Halos sambahin niya ang bawat damit nito kapag nilalabhan niya. Wala namang masama at hindi naman niya ito nakakasalamuha. She is just admiring his boss from afar, ika nga.

But not so long, tadhana na ang nag-adya. Dahil ang isang hamak na labandera ay napansin ng kanyang gwapong amo. Hindi nga lang niya alam kung swerte ba o malas na sila’y pinagtagpo. Dahil simula ng mag-krus ang landas nila naging miserable na ang buhay niya.

Wala naman sanang problema si Maria, kung hindi siya naging pakialamera. Dahil nga may angkin siyang pagka-ambisyosa, sinukat niya ang singsing na nakita sa kanyang labada. Ang hindi niya alam may kakaiba sa singsing na sinukat niya. Dahil kahit anong pilit niya itong hubarin ay hindi niya magawa.

Miguel wanted to have the ring back. But it seemed to have a curse and cannot be pulled off from the maid’s finger. It should be for Adelle, her long-time girlfriend. Pero dahil pakialamera si Maria, hindi natuloy ang proposal niya. At walang ibang dapat sisihin kundi ang labandera.

chap-preview
Free preview
KABANATA 1
Napatili ako ng makita ang mga labahin na inihatid sa akin kanina ni Manang Sonia. Tatlong laundry basket iyon na puno ng mga maduduming damit.   “Oh, my gee, Manang! Akin na po yang mga labahin! Bilis po at nang masimulan ko na.” Inabot ko mula sa matandang mayordoma ang laundry basket na bitbit nito.   “Iba ka talaga, Maria. Ikaw lang ang bukod-tanging nakilala ko na enjoy sa paglalaba. Noong isang araw, apat na basket ang nilabhan mo. Tapos ngayon excited kapa sa tatlong laundry basket na lalabhan mo?” Iiling-iling na sabi ng matanda sa akin.   Tanging ngiti lamang ang isinagot ko kay Manang Sonia.   Bakit ako napatili sa tuwa? Simple lang. Dahil nakita ko na naman ang mga damit ng pinakamamahal kong si Miguel Sawyer.   Si Miguel Sawyer ang amo ko. Yes, you heard it right. Siya ang may-ari ng napakalaking mansion na ito dito sa White Plains, Makati. Sa loob ng walong buwan na paninilbihan ko rito ay nalaman kong wala na silang magulang. Namatay sa aksidente, airplane crash. Kaya sa edad na bente ay hinawakan at pinalago nito ang kanilang family business. Hindi lang matalino si Sir Miguel, gwapo din siya. Kaya nga kahit mula sa malayo ay kinikilig ako sa kanya.   “Hay, ang bango talaga!” Patuloy kong inamoy ang iba pang polo, long sleeves at shirts na nasa laundry basket. Pero biglang nawala ang ngiti sa labi ko ng makitang may bahid ng lipstick ang kwelyo ng isang polo nito.   “Napakapalikero mo talaga, kahit kelan? Titino ka pa ba? Naku! Naku! Baka makabuntis ka niyan at mapikot. So, paano na ako?! Paano na ang future family ko with you?” Kausap ko sa polo ni Sir Miguel na para bang anytime ay masasagot ako nito.   Pinulot kong muli ang isang t-shirt mula sa basket at inamoy. Sheet! Ambango talaga! Niyakap ko iyon habang iniimagine na si Sir talaga ang kayakapan ko.   “O ayan, forgiven ka na naman. Isang yakap lang lusaw na naman ang galit ko sa’yo. Hay, Miguel, kailan mo kaya marerealize na ako ang babaeng nakalaan para sa iyo?! Ako lang at wala ng iba!”   Pasalampak akong umupo sa maliit na upuan paharap sa washing machine at patuloy na na kinakausap ang damit na hawak-hawak ko.   “Alam mo Maria itigil mo na yang ilusyon mo, please! Hindi ka magugustuhan ni Sir Miggy. Asa ka pa! Walang ganun ses, walang ganun!” Sumungaw sa pinto ang mukha ng bff niyang si Clarissa Olsen.   Isa itong nanny. Oo, siya ang yaya ng nakababatang kapatid ni Miguel na si Jaime at nakatira ang mga ito sa pad ng huli. At nakakapagtakang tunay na narito ito ngayon sa mansion ng mga Sawyer dahil halos ayaw ng umuwi ni Abs short for Abnoy dito sa bahay nila simula ng ma-hire na nanny ang bff ko.   Tumayo ako para makipag-beso kay Clars. Napapatalon kaming pareho na nagyakap.   “Anong ganap? Bakit nandito ka? Kasama mo ba ang amo?” Excite kong tanong rito.   “Nagpapaaraw kami kanina nang bigla nalang akong hilahin ng alaga kong pogi rito. Makiki-breakfast yata si sir.” Napapangiti nalang talaga ako sa kaibigan. Andami kasi nitong tawag sa amo niya, minsan 'ewan' 'epalogs' 'pogi' 'yummy' pero mas madalas ay Abs.   Natatawa ko siyang muling tinitigan. Nakapajama lamang ito at mukhang hindi pa nakakapaghilamos. Naka-messy bun lang ang buhok gamit ang rubber bond galing sa tali ng talbos ng kangkong.   “Hindi ka man lang nag-ayos? Hindi ka nahiya sa amo mong abnoy pero sobrang gwapo?” Sa pagkakaalam ko kasi masyado itong banidosa pagdating sa sarili pero mukhang naiba yata ngayon.   “Sus! Kagigising ko nga lang e. Napuyat ako kay Abs kagabi.” Anito habang inaayos ang pagkakapusod ng buhok nito.   “Bakit? May ginawa na naman kayo?” Don’t get me wrong, guys. Marami kasing activities ang mag-amo. At kung kailan gabi, doon naman nila ginagawa. Hindi ko ma-get kung bakit ganun ang trip nila, mga ewan lang!   “Diosmee! Alam mo naman yang boss ko kung ano ang feel na lutuin kesehodang hating-gabi, gogora pa din!" Chefestaurateur kasi si Jaime “Abs” Sawyer kaya marami itong naiisip na recipe para sa restaurant nito. At palagi nalang nagrereklamo ang bff ko dahil late na silang natatapos sa pagluluto.   “Gusto ko na talagang matulog. Sana pumasok na sa work si Abs para naman pakapag-relax na ako. My gosh, masisira ang beauty ko nito.” Naghihikab na ito. Patuloy na nagsasalita si Clarissa habang ako naman ay nag-aayos ng washing machine.   “Clarissa! Where are you smidget!?” Narinig kong tawag ni Sir Jaime mula sa kusina.   Oh, wow! My friend is sleeping soundly sa pasimano ng pintuan. Kung saan nalang talaga maabutan ng antok, doon talaga matutulog.   “Berta, nandiyan ba si smidget?” Tanong ni Sir Jaime sa akin. Hindi siguro niya napansin ang kaibigan ko na halos humiga na sa sahig dala ng sobrang antok.   Umismid ako rito. Anong Berta ang pinagsasabi niya? Sino si Berta? Ang ganda ng pangalan ko Berta itatawag niya. “Maria Shanelle ang pangalan ko Ab--este Sir. But you can call me Maria like everybody else is calling me.”   “Okay, fine. I’m sorry, Berta kasi ang name nung dati naming labandera.” Pagpapaliwanag nito.   “Maria, did you happen to see my nanny?” Napangiti ako sa narinig mula rito. Mabait naman pala si Abs tapos gwapo pa. Kung si Sir Miguel ay may pagka-moreno, si Sir Abs naman ay mestiso. Half-German naman kasi ang lahi ng mga ito.   “Ayan po, Sir.” Sabay nguso sa nakabulagta kong kaibigan na nasa sahig.   “Holy, Fvck!” Agad nitong dinaluhan ang kaibigan ko. Tinapik-tapik nito ang pisngi nito pero wala pa ring epek.   “Sir, tubig gusto niyo?” Inabutan ko ito ng isang tabong tubig ngunit umiling ito.   “What am I going to do with that water?” Nagulat ako ng mabilis nitong pinangko nito ang aking kaibigan at dinala palabas ng laundry area.   Pero mas lalo akong nagulat ng kumindat ang mahadera kong kaibigan.   Best actress talaga! Bwisit na babae! Ang haba ng hair!   “One basket down.” Usal ko ng matapos kong malabhan ang isang basket. Tapos ko ng ibabad ang mga puti. Ngayon naman ay ang mga pantalon, shorts at slacks ang lalabhan ko.   Inisa-isa ko ang bawat bulsa ng mga pang-ibaba. Ngunit may nakapa ako sa bulsa ng slacks nito. Matigas at kwadrado ang hugis nito.   “Ano to?” I asked myself kahit pa alam ko naman na lagayan iyon ng singsing. I should know, nakita ko na sa mga telenovela ‘to.   Tanga-tangahan self?   Binuksan ko iyon at ako ay namangha ng makitang hindi ito basta-bastang singsing. Isa iyong diamond ring.   “Hala, magpopropose na ba siya kay Ms. Adelle? Hindi ito maaari.”   Si Adelle del Valle ang girlfriend ni Sir Miggy for almost three years now. Isa itong model na may mahabang buhok, makinis na kutis at magandang mukha. In short, she looks like a living Barbie doll.   Shit! May kumirot sa dibdib ko. Wala na talaga akong pag-asa!   Napatingin ako sa lalagyan ng singsing. At muli ay binuksan ko iyon.   Napakaganda!   Luma na ito ngunit napakaganda niyang tunay. Marahil ay isa itong family heirloom.   “Ang ganda ganda naman nito!” Hiyaw ko sa isip ko. “Isukat ko kaya? Mukhang bagay sa daliri ko. At tsaka para naman ma-experience kong makapagsuot ng engagement ring.” Pinunasan ko ang aking kamay sa damit na suot ko. Isusukat ko lang naman.   Wala namang masama diba? Sukat lang naman. Ano ba naman yun makapagsuot saglit ng diamond ring. Pangarap ko pa naman ‘yun diamond ring, makasuot man lang kahit saglit ay malaking bagay na para sa akin.   “Ay! Pak na pak! Sukat na sukat! Meant to be talaga for me! Ay hala ka ses at mars, bagay talaga sa daliri ko.” Hindi ko mapigilang mapatili habang nakatingin sa ang aking daliri.   Parang isinukat talaga iyon for me.   But then again, the ring is not for me. Kahit kailan, hindi magiging akin. Kaya naman malungkot kong tinanggal iyon sa aking kamay.   Pero bigla akong naalarma nang hindi ko iyon mahubad sa daliri ko. “Hala ka! bakit hindi ko mahubad?”   “Kalma lang, Maria. Kalma lang.” Bulong ko sa sarili ko.   Kailangan kong gumawa ng paraan para matanggal ito sa daliri ko. Tama, lalagyan ko ng sabon para dumulas. Pero wala pa rin nangyari kahit na pinuno ko na ng sabon ang buo kong kamay.   “May sumpa ka ba? Bakit parang na-lock ka na diyan sa daliri ko?” Naiiyak na ako.   Ngayon ko pinagsisisihan ang pagiging pakialamera ko.   Kung disin sana ay ibinalik ko ito kay Sir Miguel, wala sana akong problema.    

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook