KABANATA 2

1121 Words
“Maria, tapos ka na bang maglaba?” Nagulat ako ng biglang magsalita si Manang Sonia mula sa pintuan.   Awtomatiko kong itinago sa aking likuran ang aking kamay.   “Ha? A--, eh...”   “I, O, U?” Nakatawang dugtong ni Manang Sonia sa sasabihin ko.   “Malapit na po, manang. Bakit po?”   “Kakain na kasi tayo ng tanghalian. O, bakit pawis na pawis ka yata? At mukhang namumutla ka? Natatae ka ba?”   “Ahh, wala po. Hindi po. Mainit po kasi at tsaka napagod po ako ng husto today. Ay grabe, nakakapagod maglaba.” Pagsisinungaling ko rito.   Woah! Sana hindi ako mahalata.   “O siya sige, iwan mo muna ‘yan diyan at kumain ka muna. Mahirap ang nalilipasan ng gutom. Balikan mo pagkatapos.” Napausal ako ng pasasalamat sa Diyos nang agad tumalikod si Manang Sonia.   Muli dali-dali kong nilagyan ng sabon ang daliri ko kung saan nakalagay ang singsing at sinubukan muli na ito'y tanggalin. Ngunit ayaw talaga!   “Manang Sonia, sino ang naglalaba ng mga damit ko?” Pamilyar ang baritonong boses nito.   Alam na alam kong si Sir Miguel iyon. Boses palang kasi mukhang makakabuntis na.   Ayan ang napapala ng kalandian mo, saway ng utak ko.   “Si Maria po, Sir.” Narinig kong sagot ni Manang Sonia.   “Wala na pala si Berta? By the way, where is that Maria?”   “Nasa laundry area po sa likuran Sir at kasalukuyang naglalaba.” Naulinagan kong sagot ni Manang. “Ano po bang kailangan niyo sa kanya? Ako na po ang magsasabi.”   “Ako na, I want to talk to her personally.”   “Sige po. Puntahan niyo po sa laundry area.”   “Hinahanap ako ni Sir Miguel.” Unang pagkakataon ito na hinanap niya ako.   Dahil unang pagkakataon din ito na malalaman niya ang existence ko dito sa mansion. Kinilig ako ng very slight sa isiping  matutunghayan ko si Sir ng malapitan for the very first time.   “Are you, Maria? Ikaw ba yung labandera?” Bumilis agad ang pagtambol ng puso ko dahil sa kaba.     Be still my heart, si Sir Miggy lang ‘yan. Ang lalaking itinatangi ng puso mo.   At ang may-ari ng singsing na suot mo, sabat na naman ng utak ko.   “Are you, Maria?” Ulit na tanong nito.   Mukhang banas na sa akin.   “Hi po, Sir! Yes po, ako po si Maria. What can I do for you po?” Biba kong sagot sabay tago ng kamay ko sa likuran at pagsambit ng munting dasal. Ngayon ko naintindihan kung bakit ko siya nagustuhan. Hindi kayang i-express ng salitang gwapo ang kakisigang taglay ni Sir Miguel. Mula sa mayayabong nitong mata, matangos na ilong at mapulang labi na parang kay sarap halikan at kagatin. His cheekbone makes him look more prominent. At ang adams apple nitong tumataas baba habang nagsasalita ay sapat na para masabi niyang mapalad ang babaeng pakakasalan niya.         I SHOOK my head when I saw the face of the woman doing the laundry, familiar ang mukha niya sa akin. Pero alam ko naman sa sarili ko na ngayon ko lang siya nakita.   So, how come she looks familiar?!  Or maybe, she resembles a girl I dated before.   But no, I never dated a plus size woman in my entire life. I want my woman slim and flexible.   “Hi, Sir! Ako po si Maria, ang inyong labandera.” Kumaway pa ito sa akin at malawak ang pagkakangiti. “Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?”   “So, you're the one doing the laundry?” Ulit kong tanong rito.   “Yes, sir, ako po! Ako po talaga ang resident labandera at plantsadora dito sa mansiyon. May kailangan po ba kayo sa akin? May iuutos po ba kayo sa akin?”   “Oh, I see.” I nodded my head when I realized that she irons our clothes too. “Nothing important though, I just wanted to ask if you can iron the clothes that I'll bring next Friday on my seminar abroad.” “Ay, sure po, Sir. No problem po sa akin ‘yan. Ngayon na po ba? Tapusin ko lang po sana ang mga labahin. Saglit na saglit nalang naman po ang mga ito, Sir.” I noticed that she is a little bit of talkative.   “No. You can continue doing the laundry. You can do it later or tomorrow. May tatlong araw pa naman para iayos ang mga gamit ko. Just knock on my door later so I can give you my clothes.”   “Copy po, Sir.”   I don't know what happened to the woman in front of me but she keeps on swaying. Sometimes she's biting her lips. And she looks erotic doing that. At dahil ayaw kong mag-isip ng masama ay napapilig na lang ako ng ulo.   “Are you okay, Maria?” I asked.   I think she's not feeling well. Or maybe she is feeling tired already. Nah, highly-automated naman ang mga gamit namin dito sa laundry room.   “Yes, sir. Pasensiya na po, kinikilig lang.” Halos pabulong nitong sagot at kung tumingin sa akin ay namumungay ang mga mata.   “What did you say?” I wasn't able to get the last word she said but she smiled at me. Well, she has a pearly white set of teeth.   “Ahm, sabi ko po nakikinig ako sa instructions niyo, Sir.”   “Okay then, I'll leave you now. Finish your task and I'll just bring my clothes to you later para hindi ka na umakyat sa kwarto ko.”   “Ay, okay lang naman po sa akin Sir na umakyat sa kwarto niyo. Hindi po kayo nakakaabala, promise. Akyatin ko na lang mamaya doon sa kwarto niyo. Malapit na rin naman po akong matapos.”   “Are you sure?”   Tumango ito. “Opo, Sir. Wala pong problema sa akin.”   “Why are you so eager to come in my room? Are you planning to stole something from me?”   Walang paligoy-ligoy kong tanong rito.   I remembered before, one of our maids stole a huge amount of money from my mother's room. Kaya pala laging nag-vovolunteer na maglinis ng kwarto ni mommy dahil may ulteriorly motive.   You cannot blame me. It was from experience. “Huh?! Hindi po, Sir. Wala po akong intensyon magnakaw, Sir.” Her face turned pale while answering my question. “Pero kung ayaw niyo po talagang umakyat ako doon sa kwarto niyo. Sige po. Huwag niyo nalang po sana akong pag-isipan ng masama. Kahit naman po galing kami sa hirap, ni minsan hindi po pumasok sa isip ko na magnakaw.”   She's a bit teary-eyed and I can feel a small guilt inside.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD