Matapos akong iwanan ni Miguel ay agad na bumalong ang luha sa aking mga mata. Tumayo ako at isinara ang pinto ng banyo. Doon sa loob ay pinakawalan ko ang mga emosyong kanina ko pa pinipigilan. Para kasi akong sinampal ng katotohanan sa mga sinabi nito. Hindi ko man aminin ay umasa ako na magiging simula ito ng isang magandang pagsasama. "Wrong move ka talaga, Maria. Bakit mo kasi hinayaang may mangyari sa inyo? Ang tanga tanga mo talaga!" Usal ko sa sarili. Huli na para pagsisihan ang lahat. Sisihin man niya ang sarili ay hindi na maibabalik ang lahat ng nawala. Hindi ko man lang naisip na wala siya ni katiting na pagtingin sa akin. Si Adelle lamang ang babae para sa kanya. At wala akong karapatang umasa sa mga bagay na iyon. Impit ang mga naging pag-iyak ko sa loob ng banyo. Hindi k

