Imagine the awkwardness when we went down exactly at dinner time. Hindi namin alam na nagdidinner pala sila the moment we went down. All eyes were on us. Lalong-lalo na ang mga mata ng kaibigan kong si Clarissa. "I told you to go down first kanina. Hindi mo ako sinunod kaya ayan." Bulong ko kay Miguel. "What? What's wrong with that?" Hawak-hawak nito ang bewang ko habang papalapit kami sa hapag-kainan. Inirapan ko siya. Mas lalo lang akong nainis. Bakit ba kasi naidlip ako matapos ang 'pangyayari' sa aming dalawa? At ang siste naman ay nakisabay din ng pag-idlip sa akin. Gusto ko sanang magalit but I am too tired for that right now. Actually, ayoko lang mag-isip ngayon ng mga bagay na hindi maganda. Hindi na maganda para sa mental health ko. "Maupo na kayong dalawa

