Patay-malisya akong tumalikod mula sa pintuan ang kusina kung saan pumasok si Miguel. Mabuti nalang talaga at kasama ko dito sa kitchen si Manang Sonia habang nagluluto ako ng aalmusalin ni Maxwell. “Hindi ba siya papasok, manang?” Pabulong kong tanong kay Manang Sonia. Nakapambahay lang kasi ang dating amo ko kaya nagtataka ko. Sa dalawang araw namin dito sa mansion ay dalawang araw na rin itong hindi umaalis ng bahay. Madalas ay nandoon ito sa library at nagkukulong. Doon yata ito nagtatatrabaho pansamantala habang nandito kami sa kanila. “Hindi ko rin alam. Baka gusto niya lang makasama si Maxwell? Baka gustong bumawi sa bata.” Sagot ni Manang Sonia habang inaayos ang mga plato sa cabinet. Napangiwi ako sa sinabi ni manang. Paanong bawi kung halos doon na ito tumira sa

