“Nanay, can I swim there?” Maxwell asked me while pointing on the pond. Dalawang araw na kaming nandito sa farm at halos dito na mag-stay si Maxwell sa pond. Mayroon naman kasing bahay-kubo doon sa may gitna ng pond. Kagaya ngayong araw, nag-aya na naman itong pumunta rito kahit na katanghalian. Nauna na silang pumunta ng ama niya rito. Sumunod lang ako para magdala ng pananghalian namin. Inaya ko si Clarissa pero umayaw ito dahil mainit na. Inaasar ko lang naman siya dahil wala na itong ginawa kundi ito ang asarin din ako. “Tatay, can I swim in the pond?” Miguel laughed and answered his son. “Of course, you can. But it is much enjoyable swimming in the river. Don’t you think?” Nanlaki ang mga mata nito. “There’s a river here?” “Yeah, and we can swim there tomorrow.” Nakangitin

