“Pasensiya na talaga, Ryan. Hindi ko naman kasi alam na maaga kaming aalis. Kaya nga ako tumawag sayo para humingi ng sorry.” Hinging-paumanhin ko rito. Umuwi na kasi kami. At tinawagan ko ito ng makarating sa bahay. Madaling araw kasi ng umalis kami doon sa beach resort. Kaya wala akong pagkakataon para makapagpaalam ng personal rito. Nag-iwan lamang ako ng mensahe doon sa receptionist. Nagmamadali kasi si Sir Miguel dahil may meeting daw ito at 8:00 in the morning. “Okay lang. Mukhang sinadya talaga ng amo mo na hindi tayo magkita bago ka umalis.” Sagot naman ng lalaki sa kabilang linya. Natawa nalang ako. “Ano ka ba? May kailangan lang daw asikasuhin dahil pabalik na kaming Manila.” “Mas lalo tuloy akong nalungkot. Basta, huwag kang magpapalit ng numero, Maria. O kung magpalit ka m

