True to his words, Miguel enjoyed his stay in the beach. Gusto ko rin sana mag-enjoy kagaya niya. Gusto ko rin mag-enjoy na maligo sa dagat. I wanted to explore the whole beach. Mukha kasing may magagandang spot sa paligid niyon. Ang kaso nga lang walang aalalay sa amo ko kapag nalasing na ito. "Hinayupak talaga! Ano ba namang klaseng buhay itong napasukan ko? Makasalanan siguro ako noong past life ko kaya pinarurusahan ako ngayon." Nagngingitngit na ako sa inis. Kabababa ko lang ng tawag mula sa isang staff ng bar upang ipaalam sa akin na ang fiance kong hilaw ay sumama sa kainoman nitong babae. Okay lang sana kung hindi siya lasing. Kaso susuray-suray na daw ito habang naglalakad. Mabuti nalang talaga at may concern ang mga tao especially ang mga staff ng resort sa mga bakasyoni

