Inismiran ko si Miguel habang nakatingin sa akin at kausap ang sekretarya nito. Alas-kwatro na pero hindi pa rin siya tapos sa pinipirmahan niya dahil panay din pasok ng mga papeles ang sekretarya nitong kung makatingin sa akin ay parang siya ang may-ari ng kompanya. “Bwisit talaga!” ngitngit kong usal sa sarili. Wala akong pakialam kong naririnig nila akong dalawa. Iyon naman talaga ang gusto kong mangyari. Gusto kong makaramdam naman si Miguel na nababagot na ako kakahintay sa kanya rito. Hindi ako makaalis sa kinauupuan ko dahil nakatulog si Maxwell sa hita ko. Actually, kanina pa ako nangngawit pero hindi lang ako umiimik. Dinampot ko ang cellphone sa aking tabi at nagtext nalang kay Manang Sonia upang ipasundo kami kay Cardo. Kung ayaw niya pang umuwi bahala, siya sa buha

