HINDI ALAM ni Myca kung ano ba dapat ang maramdaman matapos niyang malaman kung saan sila pupunta. Dinala siya ni Ken sa isang public children's hospital. Partikular na ang doon sa cancer ward. O sa mga batang nasa edad sampung taon gulang pababa na may kanser sa dugo o Leukemia.
Hinaplos ang puso niya ng awa para sa mga ito. Kay mura pa ng edad ng mga ito para danasin ang ganoon klaseng sakit. Nasa kalagitnaan pa nga ang mga ito ng paglalaro kung tutuusin. Pero heto ang mga ito sa ospital, nakaratay sa kama at nakikipaglaban sa sakit.
Nakaupo ang mga ito sa carpeted floor ng playroom ng ospital na talagang pinasadya para sa mga ito. Habang si Ken naman ay nasa unahan ng mga bata at may hawak na children's book. Binabasahan nito ang mga bata ng libro. Habang nagku-kwento, sinasamahan pa nito ng aksyon. Na siyang kinatutuwa ng mga bata.
Nakikita niya ang kasiyahan sa mga mata ng mga bata. Minasdan niya ang mga ito. Habang nakikinig, ang iba ay may suot pang face mask. Abala siya sa pakikinig sa kuwento ni Ken nang may magsalita sa likuran niya. Isang may edad na babae na nakasuot ng nurse's uniform.
"Ikaw marahil ang girlfriend ni Doctor Pederico," anito. "Napakasuwerte mo kung ganoon."
"Naku nagka—"
"Napakabait na bata n'ya. Alam mo bang siya ang nagpagawa ng playroom na ito? At siya rin ang sumusuporta sa pagpapagamot sa karamihan ng mga batang iyan. Dahil karamihan sa mga magulang ng mgaiyan, hindi kayang tustusan ang pagpapagamot sa mga anak nila." Kuwento pa ng Ginang.
"Talaga po?"
"Oo. Napakalaki ng puso niya para sa mga bata. Kaya napakasuwerte ng babaeng mamahalin n'ya. Ang suwerte mo hija." Nakangiting wika nito sa kanya.
Hindi na niya naitama pa ang maling akala ng Ginang. Natuon ang atensiyon niya sa lalaking nasa harapan ng mga bata, at abala sa pagbibigay saya sa mga ito. Ngunit banaag niya sa mga mata nito ang kalungkutan, sa kabila ng mga ngiti.
Matapos ang story telling ni Ken sa mga bata. Pinapasok na nito sa assistant ang kanina'y dala nilang naka-styrofoam na pagkain. Habang kumakain ang mga bata ay nagkaroon siya ng pagkakataon kausapin ito.
"How long have you been doing this?" tanong niya.
Nakangiting sinulyapan siya nito bago binalik sa mga bata ang tingin. "Matagal na rin. I can't even remember when."
"You have a big heart."
"Really? Kung malaki ang puso ko, masama na iyon. Surgery na katapat no'n." biro pa nito.
Marahan niya itong kinurot sa tagiliran. "Puro ka talaga kalokohan," aniya.
"Aray!" reklamo nito. "Hindi pa man din tayo, bugbog sarado na ako agad sa'yo."
"Ewan,"
"No. Seriously, my heart goes out to these kids. They're too young to suffer. If only I can do something." Seryosong wika ni Ken.
"May nagawa ka na para sa kanila, Ken. Kahit na sandali, napapasaya mo na sila. Malaking bagay na 'yon para sa kanila. Para sa mga magulang nila."
"But I want them to live longer. I want them to enjoy life." Malungkot na pahayag nito.
"You're not God. Siya lang ang nakakaalam ng lahat. At may rason Siya kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. But look at the brighter side, God is using you to be a blessing to those kids."
Ngumiti ito matapos marinig ang sinabi niya. "Thanks my Barbie, I know you're a good person. Kaya nga siguro na-in love ako sa'yo ng husto eh."
Pabirong umismid siya. "Hmp! Ayan ka na naman eh. Hinahaluan mo ng biro ang seryosong usapan."
"Hey, I'm not joking. Ikaw lang 'tong ayaw maniwala na gusto nga kita eh."
"Tse! Tama na nga 'yan."
Nang dahil sa bagong kaalaman niya sa pagkatao ni Ken. Hinangaan niya ito. Hindi biro ang lahat ng gastos sa isang pasyente pa lang na may Leukemia. Pero balewala dito ang lahat ng iyon. Mas mahalaga dito ang mailigtas ang buhay ng mga walang muwang na mga batang ito.
Tama ang sinabi ng babaeng nakausap niya. Masuwerte ang babaeng mamahalin ni Ken. Ngayon niya napatunayan na hindi ito basta-bastang tao kagaya na lang ng una niyang inisip dito. Mas mataas pa ito sa inaasahan niya. Pero kapag nasa Tanangco ito, para lang itong tambay na walang magawa sa buhay.
Mas napatunayan niyang bukod sa kaguwapuhan nito. May mabuti rin itong puso. Napatunayan niya ang tunay na kabaitan nito.
So, ang suwerte mo pala kung ganoon... panunukso pa ng isang bahagi ng isip niya. Agad niyang pinalis ang isiping iyon. Bakit ba sinasali niya ang sarili niya? Si Ken ang pinag-uusapan dito, hindi ang kung anong nararamdaman niya.
Ibig sabihin, may nararamdaman ka na para sa kanya? panunukso ulit ng isip niya.
Hay ang kulit naman talaga. Parang hindi na yata siya makapag-isip ng tama nitong mga nakaraang araw.
Alas-sais na ng gabi nang matapos sila sa event sa Children's Hospital. Halata sa mukha ni Ken ang bigat ng dibdib at kalungkutan. Alam niyang ayaw nitong iwan ang mga bata.
"Are you okay?" tanong niya dito nang hindi makatiis. Tahimik ito habang lulan sila ng gray sports car naman nito at nagmamaneho ito.
Tumango lamang ito.
"Hindi ka okay sa paningin ko. Parang pasan mo ang daigdig eh," aniya.
Ngumiti ito. Pero hindi iyon umabot sa mga mata nito.
"I'm fine. Really. Hindi mo ako kailangan alalahanin."
"Hindi kasi ako sanay ng ganyan ka. Ang kilala kong Ken, 'yung makulit at madaldal." Aniya.
Sa wakas ay natawa ito. But this time, umabot na iyon sa mga mata nito. Bakit ba bigla ay gusto niya lagi itong nakikitang masaya? Tila ba apektado siya kapag nakikita niyang malungkot ito. Ang kanyang nais ay makita niya ang magagandang ngiti nito.
"NABUSOG ka ba?" tanong sa kanya ni Ken. Katatapos lang nilang kumain ng mga oras na iyon. Sa katunayan, naroon pa sila sa restaurant na kinainan nila. Ang sabi nito'y pag-aari din daw ni Vanni iyon. Filipino cuisines ang sine-serve doon, kaya lalong napasarap ang kain nila.
Doon siya dinala ni Ken matapos ang storytelling nito sa mga bata sa children's hospital. Nagpumilit itong kumain muna bago umuwi. Ngunit kung siya ang tatanungin. Okay lang kahit hindi na. Napabuntong-hininga siya. Ang mayayaman talaga. Galit sa pera. Kung gumastos, akala mo wala ng bukas. Parang kailan lang ay Monterosports ang dala nitong sasakyan. Ngayon naman ay sports car. Sabagay, she's with Ken Charles Pederico. The youngest Cardiologist according to their friends. Ang pamilya nito ang may-ari ng pamoso at pribadong PedericoMedicalCenter. May sarili din itong negosyo, ito ang number one distributor ng mga medical supplies sa bansa maging sa kalapit na bansa sa asya. Ang balita pa niya, his company is now competing with those large medical suppliers.
Ken came from the family of doctors. Ang Ama daw nito at maging ang ibang kapatid nito ay pawang mga nasa Medical field. Ang lahat ng iyon ay nalaman niya sa pamamagitan ng kuwento ni Panyang. Pero kailan man, simula ng makilala niya ito. Ken didn't brag anything about his riches. Tahimik lang ito. Kapag nakatambay ito sa Tanangco Street, mas malamang na mukha itong typical College Boy.
Myca breathe out. Masyado na yatang pumapasok sa buong sistema niya si Ken. Hindi nga ba't ilang beses na niyang sinabi sa sarili niya, maging sa harap ng mga kaibigan niya na kailan man ay hindi niya ito magugustuhan? Kung bakit ba naman kasi nalaman pa niya na ginto pala ang puso nito?
"Barbie, are you okay? Kanina ka pa tulala diyan."
Tumikhim siya sabay ngiti. "Ha? Ah... oo nga eh, nakakatulala kapag sobrang busog."
Tumango lamang ito, sabay pitik ng daliri nito.
"Sayang, ang akala ko pa naman naiin-love ka na sa akin. Titig na titig na ka kasi sa akin eh."
Tumawa siya. "Feelingero ka." Biro pa niya dito.
Mayamaya ay sumeryoso ito, napapitlag pa siya ng gagapin nito ang isang kamay niyang nakapatong sa ibabaw ng mesa.
"No, seriously. Thank you for coming with me." Anito. "You have no idea how much it means to me."
"Hindi ba dapat ako ang magpasalamat sa'yo? You showed me the other side of life. You opened my eyes sa mga bagay na hindi ako naging aware."
He smiled. And then, her heart skipped.
"Nice naman the scene oh. Holding hands na naman sila."
Nagulat sila nang biglang sumulpot doon sina Vanni, Jared at Darrel.
"Anak ng... bakit ba lagi na lang kayong sumusulpot kung saan kami nandoon? Panira na naman kayo ng diskarte oh!" reklamo na naman ni Ken.
"Kayo na ba?" nang-iintrigang tanong ni Vanni.
"Blow out naman diyan!" dagdag pa ni Darrel.
"Congrats ah!" ani Jared.
Naihilamos ni Ken ang mga palad sa mukha. "Hay... ang kulit naman talaga!" naiinis nang wika nito.
Ngunit binalewala lang ng tatlo ang reaksiyon ni Ken. Nagtawanan pa ang mga ito at nagsi-apiran pa.
"Ang mabuti pa, umalis na lang tayo. Lalo lang tayong aasarin ng mga ito eh." Ani pa nito.
"Mabuti pa nga." sang-ayon niya. Tinawag nito ang waiter at hiningi ang bill ng mga nakain nila. Matapos magbayad. Agad silang umalis at iniwan ang tatlo.
"By the way, okay lang bang dumaan tayo sa bookstore? May kailangan lang akong bilhin na libro." Anito.
"Sure."
Pagdating sa bookstore. Pumunta sila sa section ng mga fairytale books. Napangiti siya. Alam na niya kung para saan iyon.
"Talagang pinaghahandaan mo ulit ang pagbalik doon, ano?" aniya.
"Oo naman. Kapag nakakahanap ako ng chance, bumibili na ako ng mga books para sa mga bata. Lagi akong on call sa trabaho. Hindi ko alam kung kailan ako magiging libre."
"Puwede mo ba akong isama ulit sa pagbalik mo doon?"
Agad na lumipad ang tingin nito sa kanya. Lumarawan sa mukha nito ang kasiyahan.
"Bakit ka nakangiti diyan?" inosente niyang tanong.
Umiling ito. "Nothing. I just found you amazing. I must admit, iyong ibang babaeng dinala ko doon, nandiri. Akala mo ketong ang sakit ng mga bata. But you. Amazing."
Napangiti siya.
"I know how it feels to lose the one you love." Sagot niya. Agad na pumasok sa isip niya ang imahe ng napayapang Ama.
Hindi pa man din nakakapag-react si Ken nang may marinig siyang tumawag sa pangalan niya. Nang lumingon siya ay laking gulat niya nang si makita ang bunsong kapatid niya. Si Misty. Binalot ng lungkot ang puso niya nang makitang kay laki ng inihulog ng katawan nito. Humpak ang mga pisngi nito at nanlalalim ang mga mata. Halatang kulang ito sa tulog.
"Ate Myca!" naluluhang tawag nito sa kanya.
"Misty?"
Agad itong lumapit sa kanya at niyakap siya.
"Kumusta ka na? Bakit ang payat mo?" napuno ng pag-aalala ang puso niya. "Sinasaktan ka ba ni Mommy?" sunod-sunod niyang tanong.
"Hindi Ate, hindi niya ako sinasaktan. Pero ang laki na ng pinagbago ni Mommy. Lagi siyang lasing. Lulong na rin siya sa sugal. Halos sa casino na siya tumira. Madalas pag-uwi niya sa bahay, lasing siya." Sumbong sa kanya ng kapatid.
Nanlumo siya sa narinig mula sa kapatid. Her mother is getting worst.
And it's all her fault. Siya ang dahilan kung bakit nasira ang buhay ng pamilya niya.
"Umuwi ka na sa atin, Ate." naiiyak nang wika ng kapatid niya.
Bahagya niyang nilayo ito saka pinunasan ang luha sa pisngi nito.
"Hindi pa puwede, Misty. Alam mo naman 'yun, 'di ba?"
Tumango ito.
"Sana magbago na si Mommy, Ate. Nahihirapan na rin kasi ako eh." Anito. Muli niya itong niyakap.
"Hindi bale, everything will be fine." Aniya sa kapatid.
"Sige Ate, aalis na ako. May pupuntahan pa kami ng mga classmates ko."
"Okay. Mag-iingat ka ha? Mag-text o tumawag ka sa akin kung may problema."
"Okay. Bye."
Napakapit siya sa bookshelf pag-alis ni Misty. Bigla ay nakaramdam siya ng panghihina. Hindi niya akalain na magkakaganoon ang Mommy niya.
Kung sana'y may magagawa siya. Kung sana'y makikinig sa kanya ang sariling Ina. Ang kaso'y hindi. Halos isumpa siya nito.
"Myca," bulong ni Ken.
Kumapit siya sa braso nito para humingi ng kaunting lakas. Hindi na niya alam ang gagawin.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong nito.
Tumingin siya dito nang hilam ang mga mata sa luha, saka siya umiling bilang sagot.
"Let's go," anito.
Hinayaan niya ito nang akbayan siya at lumabas sila ng bookstore. Hindi na nito nabili pa ang dapat sana'y bibilhin nitong children's book. Diniretso siya nito sa kotse. Nang silang dalawa na lamang sa paligid, saka niya pinakawalan ang kanina pa niya pinipigilang emosyon. Ayaw niyang umiyak sa harapan ni Misty. Sa kanya na lamang ito kumukuha ng lakas. Kaya paano lang kung siya mismo ay magpapakita dito ng kahinaan?
Inabutan siya ni Ken ng tissue. "Tell me what happened." Anito.
Sa pagitan ng mga paghikbi at pagluha. Kinuwento niya dito ang tunay na nangyari kung bakit bigla ay napadpad siya doon sa Tanangco. And while confessing, Myca felt strange. Hindi siya natural na madaling mag-open sa kahit na kanino. Maliban sa mga kaibigan na sobrang malapit sa kanya, gaya ni Abby.
But with Ken, she felt at ease. She felt comfortable. Pakiramdam niya ang kapanatagan sa puso niya habang nagku-kuwento dito. She felt somehow, secured. Safe. Pakiramdam niya ay hindi siya mahuhusgahan sa kabila ng mga pagkakamali niya.
Bumuhos muli ang lahat ng sama ng loob niya pagkatapos ng ilang buwan na pagpipigil niya. Hindi na niya napigilan na humagulgol ng iyak dito. Hanggang sa namalayan na lamang niya ang sarili na nakakulong sa loob ng matitipunong mga bisig nito.
"Hush now," pag-aalo nito sa kanya. "Listen up."
Bahagya siya nitong nilayo saka maingat na ginagap nito ang mukha niya.
"It's not your fault. Hindi mo ginustong maaksidente kayo. Hindi mo ginustong mawalan ng Ama. Nakasarado ang isip ng Mommy mo. Hindi niya matanggap na wala na ang Daddy mo, kaya't naghahanap siya masisisi. Pero hindi totoong hindi ka mahal ng Mommy mo. Walang Inang nakatiis sa kanyang Anak." Paliwanag nito .
"Kahit na ganoon si Mommy sa akin. Mahal na mahal ko pa rin siya. Ampon lang ako, Ken. At siya ang itinuturing kong Ina."
"Just give her more time. Huwag mo munang ipilit."
Tumango siya. Saka muling yumakap sa binata. Wala na siyang pakialam sa iisipin nito. Basta ang alam niya. Sa ganitong pagkakataon, wala na siyang makakapitan pa kung hindi ang lalaking nagsisimula nang magkaroon ng espesyal na puwang sa puso niya.
UNTI-UNTING minulat ni Myca ang mga mata. Isang banyagang silid ang bumungad sa kanya. Pilit niyang hinalukay ang isip kung ano bang nangyari nang nagdaang gabi. Agad siyang napabalikwas ng bangon ng maalalang naroon pala siya sa loob ng sasakyan ni Ken kagabi. At ito ang huli niyang kasama.
Paano nangyaring napunta siya sa lugar na iyon?
Hinagilap ng mga mata niya ang lalaking iyon. Ngunit wala sa silid na iyon ang tinamaan ng magaling. Tanging ang puting pintura sa paligid at mga mamahaling gamit ang nasa paligid niya. Nang lumingon siya sa gilid ng kama. Naroon sa ibabaw ng bedside table ang larawan niyang naka-picture frame pa. It was actually a stolen shot. Pero maganda ang pagkakakuha ng larawan niya. Sigurado siyang si Humphrey ang kumuha niyon.
Napangiti siya. Parang gusto na niyang maniwala na may gusto nga sa kanya si Ken. Pero agad napalis ang ngiti niya nang magka-idea siya kung nasaan na siya.
Pababa na siya ng kama nang bumukas ang pinto. Gumuhit ang magandang ngiti sa labi ng lalaking laman ng kanyang isipan. May dala itong tray na may lamang pagkain at isang maliit na vase at may isang white rose doon. Isa ang napansin niya dito, mas guwapo pala ito kapag bagong gising ito.
"Nasaan ako?" tanong agad niya.
"In my house, in my room specifically."
Agad niyang binalot ang sarili ng kumot. "Anong ginawa mo sa akin?
Bakit ako narito? Nasa loob tayo ng kotse mo kagabi ah?" sunod-sunod niyang tanong.
Nilapag nito ang tray sa isang maliit na mesa malapit sa bintana.
"Relax. Kung iniisip mong ginawan kita ng masama. Forget it. Eh 'di sana, wala ka nang damit ngayon." Natatawang wika nito.
Bahagya siyang napahiya sa sinabi nito. Oo nga naman. Tumikhim siya para kahit paano'y makabawi.
"Eh paano nga nangyaring napunta ako dito?" tanong ulit niya.
"You fell asleep after you cried. Siguro napagod ka emotionally. Sinubukan kita gisingin pagdating natin sa bahay mo, pero tulog na tulog ka."
"B-binuhat mo ako?"
"Yup,"
"Naku, nakakahiya naman."
Lumapit ito sa kanya saka naupo sa gilid ng kama. Hinaplos pa nito ang pisngi niya ng likod ng palad nito.
"Don't be. It's okay. Hindi rin naman kita kayang pabayaan eh. You were too depressed last night. Kaya hinayaan na lang kita."
"Si Chacha, baka magalit 'yun."
"Huwag mo na rin alalahanin 'yun. I called her last night. I told her what happened. And naintindihan niya. Siya nga ang nag-suggest na dumito ka muna."
Tumungo siya saka muling napaluha.
"Maraming Salamat sa lahat. Sobra na itong ginagawa mo para sa akin. Matapos kitang sungitan at tarayan. Mabait ka pa rin sa akin." Aniya.
Tinaas nito ang mukha niya sa pamamagitan ng daliri nito. "Hindi mo kailangang mahiya sa akin. It's just me. Ken. Bukod sa masugid mo akong manliligaw. Kaibigan mo rin ako." sagot nito sabay punas ng mga luha niya sa pisngi.
Ngumiti siya dito. "Thank you again," aniya.
"Your Welcome."
Bumuntong-hininga ito. "But for now, kumain ka na muna. Tapos magpahinga ka ulit. You need strength."
"Paano 'yung boutique?"
"Huwag mo na muna isipin 'yon. May nagbabantay na doon. Chacha recommend this. Mas makakabuti sa'yo na magpahinga. Kaysa isipin mo ng isipin ang problema. Baka magkasakit ka naman." Anito.
Hindi na siya nakapag-protesta pa. Mas mabuti na rin siguro ang ganito. Para kahit paano ay ma-relax siya. Masyado na siyang nagpadaig sa problema.
Sinulyapan niya si Ken. Nakangiti ito sa kanya. Kaya hayun na naman ang misteryosong kaba sa kanyang dibdib. Bakit ba siya nagkakaganito sa lalaking ito? Hindi rin niya maintindihan. Basta siya, ang tanging alam lang. Masaya kapag nasa malapit lang ang binata.