"KUMUSTA KA NA?" bungad sa kanya ni Abby pagdating nito sa tindahan ni Olay. Ilang sandali pa, dumating sina Allie, Madi, Chacha at Panyang.
"Okay naman," sagot niya.
"Bakla! softdrinks please..." sigaw ni Panyang kay Olay. Siya naman ang binalingan ng una. "Eh how's your vacation naman sa bachelor's pad ni Doctor Pederico?" may mapanuksong ngiting tanong nito.
"Hindi naman bakasyon 'yun." Aniya.
"Yeah. I told her to take a rest. Masyado siyang stress emotionally." Pagtatanggol sa kanya ni Chacha.
"Oo na! Kasalanan ko nang lahat! Lagi naman ako ang mali eh! Si Val! Lagi na lang si Val! Si Val na walang malay..." biglang sigaw ni Panyang habang umaarte at ginagaya ang isang eksena sa pelikula. Nilapag ni Olay ang bote ng softdrinks saka biglang binatukan ito.
"Luka-luka!" natatawang sabi nito.
"Ipasok na nga natin sa mental ang kapirasong tao na ito! teka, Allie. Amo mo asawa nito, 'di ba? Tawagan mo, sabihin mo pick-up-in na lang niya sa ospital ng mga baliw ang asawa n'yang kulang-kulang." Litanya ni Madi.
"Tse! Mga Pengkum kayong lahat ah! Pinagkakaisahan n'yo na naman ako." reklamo nito.
"Eh paano naman kasi bakla, kung anu-ano ang pinagsasabi mo." Natatawang wika ni Olay.
Nagtawanan sila dahil sa kalokohan ng mga ito. Isang bagay kung bakit napamahal na sa kanya ng husto ang lugar na iyon. Dahil na rin sa masayang relasyon ng mga tao roon. Ang mabait na pakikitungo ng mga ito sa kanya. At sa sandaling panahon, tinuring siya ng mga itong isang tunay na kaibigan. Kung siya ang papipiliin, hindi na siya aalis pa sa lugar na iyon. Mas nais niyang manatili na lang doon, kung saan naroon ang mga kaibigan niya. At ang lalaking espesyal na sa kanya.
"Wait nga," awat ni Abby sa mga ito, saka siya binalingan. "Sigurado ka bang ayos ka na?"
Tumango siya sabay ngiti.
"Oo naman."
"Hay naku Girl, kung ano naman ang problema mo. Itaas mo lang lahat kay Lord. Siya na bahala doon." Ani Panyang.
"I hate to say this. But, she's right." Sang-ayon ni Madi.
"Yeah, just enjoy your job. Live a normal life." Dagdag ni Allie.
"At nandito lang kami para sa'yo. Just call us kung kailangan mo ng tulong o ng kausap." Sabi naman ni Chacha.
Nabalot ang puso niya ng kasiyahan. She didn't expect them to be as good as this.
"Okay. I'll keep that in mind." Aniya.
"O meryenda na tayo! Tama na ang emote emote na 'yan. Hindi ako sanay ah." Si Olay.
"Tama! Puro baliw ang mga tao dito sa Tanangco! Mas magtaka ka kapag may seryoso dito. Tingnan n'yo si Chacha, nahahawa na rin." Ani Panyang sabay turo sa magandang buntis.
"Oo nga. Ang lakas kasi ng virus mo eh."
Natawa silang lahat sa sinabi ng huli. Kung ganito ba lagi ang magigisnan niya araw-araw. Parang ang sarap mabuhay.
Habang nasa kalagitnaan ng pagme-meryenda nila. Nagdatingan ang mga Tanangco Boys. At dahil Linggo ang araw na iyon. Nakumpleto ang mga ito. Nagkanya-kanyang bati ang mga lalaki sa mga asawa at fiancé nito.
Agad na lumipad ang tingin niya kay Ken. Abala ito ngayon sa pakikipagkuwentuhan tungkol sa basketball game na napanood nito nang nagdaang gabi.
Matapos niyang ibuhos dito ang lahat ng sama ng loob niya. Hindi niya namalayan na nakatulugan niya ang labis na pag-iyak. She shed rivers of tears on his shoulders. Kinabukasan nang magising ay nasa bahay na siya nito. Matapos niyang kumain ng almusal, ang plano niya ay umuwi na rin agad. Ngunit hindi siya pinayagan nito. He asked her to stay and spent her whole day with him.
At sino ba naman siya para tumanggi? Dahil ang talagang nais ng puso niya ay makasama ito.
"Kumusta ka na?"
Bigla ay napa-atras siya sa gulat. Hindi na niya namalayan na nakalapit na pala ito. Masyado na naman siyang nahulog sa pag-iisip dito. Napasigaw siya nang ma-out of balance siya at muntikan nang mapaupo. She held her breath when suddenly, she felt his strong arms gathered around her waist. Naagapan pala nito ang paglagapak ng pang-upo niya sa semento.
Iyon nga lang, ngayon ay halos isang dangkal na lamang ang layo ng mukha nila sa isa't isa. Napako ang mga mata niya sa mapulang labi ng binata. Ano nga kaya ang pakiramdam na mahalikan nito? Will it be as blissful as what they say?
"Are you okay?" tanong ni Ken.
Agad na lumipad ang tingin niya sa mga mata nito. Na sana'y hindi na lang niya ginawa, dahil para na naman siya hinihipnotismo ng singkit na mga mata nito.
"Ha? Ah... Ano... ah... O-Okay lang."
Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Pinaling niya sa iba ang tingin sabay tulak ng bahagya dito para makalayo siya kahit na konti. Baka hindi niya mapigilan ang sarili at muli siyang magpakulong sa mga bisig nito.
"Namumula ang mukha mo. Nilalagnat ka ba?" nag-aalalang tanong ulit nito sabay salat ng likod ng palad nito sa leeg niya.
She cleared her throat first. Saka siya sumagot.
"Ayos lang ako. Hindi ako nilalagnat." Sa wakas ay sagot niya.
Tumango ito sabay ngiti. "Good. Ang akala ko'y napaano ka na eh."
"I'm okay."
Diyos ko po... huwag naman ninyong pangitiin ng pangitiin ang lalaking 'to. Baka main-love na ako ng tuluyan dito... piping dalangin niya. Sabay palihim na tutop sa dibdib niya.
Pagkatapos ay naghari ang mahabang katahimikan. Pareho pa silang napapitlag nang biglang umugong ang malakas na tuksuhan.
"Uy!!! May gusto!!!" sabay-sabay na wika ng mga ito.
Kaya pala biglang tumahimik ang mga ito kanina, dahil abala sa pagtunganga sa kanila. Habang silang dalawa naman ay abala sa isa't isa. Lalong nag-init ang mukha niya.
"Naks! Nagba-blush si Myca oh!" tukso pang lalo ni Jared sa kanya.
"Uy!!!"
"Heh! Tumigil na nga kayo!" saway niya sa mga ito.
"Sabi na sa'yo, Sweetheart eh. Silang dalawa eh." Narinig niyang sabi ni Darrel kay Allie.
"Talaga?" si Allie.
"Hindi kaya!" mabilis niyang depensa.
"Dalawang beses na kaya namin silang nahuhuling magka-holding hands." Dagdag pa ni Vanni.
"Ay ang sweet naman nila, hon!" kinikilig pang sabi ni Madi sabay yakap sa braso ng fiance nito.
"Guys, tama na nga. Please..." naiirita nang saway ni Ken sa mga ito. "Eh ano naman kasi kung hawakan ko ang kamay niya."
"Wala lang..." nanunudyo pang sagot ni Jared.
Napailing si Ken sabay baling sa kanya. "Pasensiya ka na sa mga 'yan. Mga nakatakas sa mental ang mga 'yan eh." Sabi pa nito sa kanya.
Napangiti siya sa sinabi nito. "Okay lang."
"Teka, balita namin doon ka kay Ken natulog noong nagdaang gabi.
Magkatabi ba kayo?" inosenteng tanong ni Humphrey.
Nasapo niya ang noo sabay tungo. Napailing siya. Bakit ba napaka-intrimitido ng mga lalaking ito? Pasakan kaya niya ng tapon ang bunganga ng mga ito nang manahimik naman kahit isang araw.
"Whoa! Bago 'yan ah!"
"Humphrey!!!" sigaw pa niya.
"Oh bakit? Anong ginawa ko?" inosenteng tanong ulit nito.
"Nagtanong ka pa!" asik dito ni Ken.
Nakita niya nang mag-apir ito at si Victor.
"Teka, tantanan n'yo na nga 'tong dalawa!" saway ni Panyang sa mga ito. "Hayaan n'yo na muna sila na mahinog ang pag-iibigan nila."
Kinamayan ni Ken ang maliit na babae. "Salamat Katoto!"
"Walang anuman,"
"Hmm... I have an idea. Para hindi puro asaran na lang ang nangyayari dito. Mamasyal na lang tayo." Suhestiyon ni Madi.
"Saan naman?" tanong niya.
"Sa Star city!" malakas na anunsiyo ni Panyang sabay tingin kay Ken.
"Ayoko! Hindi ako sasama!" mabilis na sagot ni Ken saka biglang tumalikod.
AYAW IPAHALATA ni Ken na kanina pa siya ninenerbiyos. Pilit lang niyang kinakalma ang sarili habang nagmamaneho papunta sa StarCity. Kung bakit naman kasi ang dami naman diyan na maaari nilang pasyalan.
Dito pa naisipan ng mga ito pumunta. Sana'y nag-beach na lang sila o kaya naman ay nag-hongkong na lang. Kaysa doon, kung saan saan lang sila sasakay doon pagkatapos ay mahihilo pa siya. At sa totoo lang, medyo may konting nerbiyos siya pagdating sa matataas na lugar. Kaya nga siya naging doctor at hindi piloto. Kaya nga kapag sumasakay siya ng eroplano, nasa aisle siya at wala sa tabi ng bintana.
Napabuntong-hininga siya. Kung hindi lang kasama si Myca. Hindi rin siya sasama. At kapag hindi siya sumama, sigurado. Mas maliwanag pa sa kalbong ulo ng kapitbahay nila. Aasarin siya ng isang linggo ng mga ito.
"Are you okay, Ken?"
Napalingon siya bigla sa katabi niya. Ang magandang mukha ni Myca ang bumungad sa kanya. Automatic na napangiti siya.
"Ha? Ah... Oo naman. Bakit mo naitanong?"
"You look pale. May sakit ka ba?"
Mabilis siyang umiling. "Wala ah. Ayos lang ako."
"Are you sure?" paninigurado nito.
"Yeah. Hindi mo kailangan mag-worry sa akin. I'm okay." Sagot niya dito. Inabot pa niya ang pisngi nito saka marahan pinisil iyon. Bahagya pa itong nagulat, at kita niya nang mag-blush ito. And he loves it when she blushes just like that. Mas lalo itong gumaganda kapag namumula ang mga pisngi nito.
Alam niyang unti-unti ay nakakapasok na siya sa puso ng dalaga. At hindi siya titigil hangga't hindi niya napapatunayan dito na malinis at totoo ang hangarin niya sa dalaga.
Mayamaya ay nag-ring ang phone niya. Nag-automatic answer iyon dahil naka-headset siya.
"Hello," bungad niya.
"Pare, ready ka na bang magsuka?" tanong sa kanya ng kaibigan niyang baka mamaya lang ay itakwil na niya. Si Dingdong.
Minura niya ito. "Mga siraulo kayo! Makakaganti din ako sa inyong lahat!"
Binalewala nito ang banta niya. Narinig pa niyang tumawa ito pati ang asawa nitong si Chacha sa background. Mukhang naka-speaker phone pa yata siya.
"Oo na. Pero sa ngayon, kami na muna ang gaganti sa'yo." Sagot pa nito.
"Bakit ko ba kayo naging mga kaibigan?" buntong-hiningang wika niya.
"Kasi, pogi kami."
"Oo nga pala. Pogi din pala ako." sagot niya sabay tawa nilang dalawa. "Sige na Pare, nagkakabolahan na tayo eh. Kita na lang tayo. Anak ng kamote! Para naman ang layo namin sa'yo. Eh nasa likuran lang namin kayo." sagot niya sabay sulyap sa rearview mirror. Nilingon din sila ni Myca. Kita niya habang nagtatawanan ang mag-asawa.
Mayamaya ay in-off na nito ang cp nito.
Bahala na nga mamaya...
HINDI NILA maitago lahat ang excitement. Maganda ang tiyempo ng dating nila doon. Halos konti lang ang tao ng mga oras na iyon dahil medyo maaga pa.
Nagkanya-kanyang lakad na ang may partner. Nang niyayaya na niya si Ken sa Surf dance, halos hindi gumagalaw ito. Ni hindi nito maihakbang ang isang paa.
"Ken, let's go." Aniya.
Nahalata niya nang pilit ang ngiti nito.
"Ayaw mo bang sumakay sa mga rides?" tanong niya.
"Gusto. T-tara na..." halos pabulong nang wika nito.
"Teka, tawagin natin 'yung iba para mas masaya." Sabi pa niya. Hindi na niya hinintay pang sumang-ayon ito. Isa-isa niyang tinawag ang mga ito. Nang halos makumpleto na sila. Saka sila sumakay doon. Nagsisigawan halos silang lahat. Maliban kay Ken na napansin niyang kanina pa tahimik at tila ba namumutla.
"Ken! Ayan na!" tila nang-aasar pang wika ni Justin sabay tawa ng malakas. Sinundan pa iyon ng mas marami pang pang-aasar dito.
"Bakit n'yo ba inaasar si Ken?" pagtatanggol niya dito.
"Uy! Pinagtatanggol!" tukso pa sa kanila.
"Tama na 'yan ha!" saway niya sa mga ito.
Nang unti-unting gumagalaw ang sinasakyan nila. Nagulat siya nang biglang kumapit si Ken ng mahigpit sa kamay niya. Napangiti siya, kung ganoon. Tama ang hula niya. Natatakot ito sa mga rides. Patunay na doon ang malamig nitong mga kamay na nakahawak sa kanya. Mahigpit niyang hinawakan ang mga kamay nito. Nang lumingon ito sa kanya ay sinalubong niya ng ngiti ang may pangambang mukha nito. Sa pamamagitan ng mga tingin, pinahiwatig niya dito na wala itong dapat na ikatakot. Gaya ng kasiguraduhan na ibinigay nito sa kanya na magigig okay ang lahat sa pagitan niya at ng kanyang Ina.
"It's okay. I'm here." Bulong niya dito.
Mukha naman napanatag ito. Nang magsimula ng gumalaw ng mabilis ang sinasakyan nila ay hindi na niya nakita pa ang takot sa mga mata nito. Bagkus napansin niya na mas nag-enjoy na ito.
Nang matapos na ang oras nila. Bumaba ito ng masaya. Kaya ganoon na lang ang pagtataka sa mga mukha ng kasama nila.
"Hindi ka natakot, pare?" may pag-aalalang tanong ni Victor sa kanya.
Nagkibit-balikat lang si Ken. "Hindi. Fears can overcome. And somebody here, helped me." Anito sabay tingin sa kanya.
She smiled back at him.
"O, since hindi na natatakot si Doc. Sakay pa tayo sa mga rides." Excited na wika ni Panyang.
"Nakakainis naman. Hindi ako puwedeng sumama." Malungkot na wika ni Chacha. Dahil buntis ito. Bawal itong sumakay sa mga rides. Lagi itong naiiwan sa ibaba at nakamasid lamang habang kumakain ito.
"Babe, kailangan mong magtiis. Baka kung mapaano pa ang baby natin eh. Dapat nga siguro hindi na lang tayo sumama eh." Ani Dingdong.
"Mas malungkot naman kung tayo lang ang nandoon sa bahay."
"Alam ko na, ako na lang ang maiiwan dito. Sasamahan ko siya." Singit niya sa usapan ng mga ito.
"Pero—"
"Ken," sansala niya dito. "You'll be fine."
Bumuntong-hininga ito. "Okay."
NAKAUPO silang dalawa ni Chacha sa bench. Nakamasid sila sa mga kasama nila na nakapila sa roller coaster. Minasdan niya ang mukha ni Ken. Abala ito sa pakikipagtawanan kina Humphrey, Justin at Darrel. Wala na ang naunang bakas ng takot sa mukha nito.
Muli na naman umarangkada ang t***k ng puso niya. Napapansin niya nitong mga nakaraang araw na medyo maligalig na iyon kapag nakikita niya ang binata. Lalo pa at nasa malapit lang ito.
"Are you starting to fall for him?" untag sa kanya ng katabi.
Napatingin siya dito. "What?"
Chacha smiled. "You know what I mean, Myca."
Napabuntong-hininga siya. Sa totoo lang, hindi rin niya alam ang sagot. Nalilito pa siya sa tunay na estado ng nararamdaman niya para dito. Aminado siya, noon ay naiinis siya dito. Hindi niya ma-appreciate ang presensiya nito. Paano'y lagi nitong hinahulaan ng biro ang lahat ng sinasabi nito. Hindi niya mapaniwalaan na seryoso ito.
"Oo. Alam ko. But I'm not so sure. Nalilito ako."
"Saan ka nalilito?"
"Hindi kasi ako sanay makaramdam ng ganito. I've never been involve with somebody else before. Hindi ko alam. All I know is that, I'm happy when I'm with him. Wala siyang ginawa kung hindi ang pasayahin ako."
"I knew it." Tanging nasambit lang nito.
"Anong ibig mong sabihin?"
"You must be in love with him."
Nagkibit-balikat siya. "Ewan ko."
"Natatakot ka ba?" tanong ni Chacha.
Hindi siya nakakibo. Was she scared? Of what?
"Siguro." Usal niya. "Maaari. Natatakot akong magmahal sa mga oras na ito. Masyado pang magulo ang buhay ko. Ayokong madamay siya. Gusto ko kapag minahal ko siya, wala na akong problema. Wala na akong ibang iisipin kung hindi siya. My life is way to complicated right now."
"Maybe. But come to think of it. Maaaring siya ang pinadala ng Diyos sa buhay mo para maayos ang lahat. Siya ang binigay N'ya, para masandalan mo sa mga oras na ito. Because if it's you alone, hindi mo kakayanin ang problema. You need someone to be at your side."
Tumanim sa isip niya ang sinabi ni Chacha. Pero mas nauuna pa rin ang takot sa kanya. Hindi kakayanin pa kung may isa pang problemang dumating sa kanya. Kaya nga kung siya ang tatanungin, mas gusto niya ng ganitong estado ng relasyon nila ni Ken.
Mayamaya lang ay narinig na niyang nagsisigawan na ang mga kaibigan nila. Natawa silang dalawa ni Chacha dahil halos mapatid na ang ngalangala ng mga ito sa kakasigaw. Partikular na si Panyang at Madi.
Ilang saglit pa matapos ang oras nila sa roller coaster. Nagsibabaan na ang mga ito. Agad nilang nilapitan ang mga ito. Napakunot-noo siya nang mapansin na namumutla si Ken at tila hilong-hilo.
"Ken, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya dito.
Tumango ito. "Oo naman." Sagot pa nito.
"Sure?"
"Yup!"
"Tara na, kain na muna tayo." Ani pa ni Chacha.
"Ano? Kakain? Gutom ka pa n'yan? Kanina ka pa ngumunguya diyan ah." Sabi ni Panyang.
"Bakit ba? sa nagugutom pa ako eh."
"Ganoon talaga 'yun. Dalawa na kasi silang kumakain kaya parating gutom 'yan." Paliwanag niya.
Bigla nitong hinawakan ang puson nito saka binalingan si Roy. "My Love, ibig sabihin kapag nabuntis ako ganyan din gaya ni Chacha? Ano kayang itsura ko no? Bansot na baboy na bundat."
Umalingawngaw ang tawanan nila sa buong paligid. Napailing sila, hindi nila maintindihan kung saan ipinaglihi ng Mommy nito ang babaeng ito. Grabe sa kakulitan.
"Sandali lang!" biglang sigaw ni Ken. Natahimik sila.
Nagulat sila nang bigla itong sumuka sa harapan nila.
"Eeew!" narinig pa niyang react ni Panyang.
Agad niyang dinaluhan ito. Nang mukhang nahimasmasan ay umayos ulit ito ng tayo. Inabutan niya ito ng hawak niyang bote ng mineral water.
"Okay ka na?" tanong ni Victor dito.
Tumango lang ito. Pero mayamaya ay sumuka ulit ito. Napangiwi na ang iba.
"Grabe, hindi ka na dapat sumama eh." Ani pa ni Leo. "Magkakalat ka lang pala dito."
"Ay, nandiyan ka pala Leo. Hindi ko napansin." Pang-aasar pa ni Panyang dito. Hindi kasi kumikibo si Leo simula pa nang umalis sila sa Tanangco hanggang sa mga oras na iyon.
At kagaya rin ng dati. Hindi nito inintindi si Panyang. Tumingin lang ito dito. Agad na peace sign ang babaeng bansot.
"Joke lang po!"
"Okay ka na ba?" tanong niya kay Ken.
"Oo."
Pero hindi pa lumilipas ang ilang minuto. Nataranta sila nang bigla itong mawalan ng malay. Hindi nila alam kung maaawa sa isang ito o matatawa. Para lang magpasikat sa kanya. Kinaya nito kahit na ang greatest fear nito.
Pamibihira! Aniya sa isip.