Chapter Ten

2566 Words
HINDI IPINAPAHALATA ni Myca na kanina pa siya hindi mapakali. Naroon sila ngayon sa harapan ng tindahan ni Olay. Kumpleto silang lahat doon, maliban na lang sa ibang Tanangco Boys. Kasama na doon ang kanina pa rin niya hinihintay. Si Ken. Ito na ang ikalawang linggo na hindi siya kinakausap ng lalaki. At para siyang sinaksak sa dibdib ng paulit-ulit kapag hindi siya nito pinapansin. She missed him so much. Ang mga tawa nito. Ang mga ngiti nito. Ang simpleng pambobola nito. Ang pagtawag sa kanya nito ng 'my barbie'. Ang mga tingin nito sa kanya na punong-puno ng pagmamahal. Pero wala siyang magawa kung hindi ang magtiis. Dahil siya naman ang may kagustuhan ng lahat ng iyon. Pero handa niyang bawiin ang lahat ng mga nauna niyang sinabi dito. Basta bumalik lang ito sa kanya. Basta maramdaman ulit niya ang pagmamahal nito. Para masabi na rin niya dito na mahal din niya ito. "May isang tao diyan. Kanina pa hindi mapakali." Pagpaparinig sa kanya ni Panyang. "Oo nga. Pasimple pa. Pero ang totoo may hinihintay." Dagdag ni Madi. Hindi niya inintindi ang mga patutsada ng mga ito. Wala na siyang pakialam sa mga iniisip nito. Ang mahalaga para sa kanya ay si Ken. Hindi na siya tatagal pa ng isang araw na hindi ito nakakausap. Bahala na kung mag-mukha siyang tanga. Ang importante, masabi niya ang totoong damdamin niya para sa binata. Naagaw ang atensiyon nila nang makita nila na nanggaling sa loob ng bahay ni Jared si Adelle. "Uy! Si Adelle 'yun, 'di ba?" nagtatakang tanong ni Panyang. "Oo nga. Bakit nandoon siya sa bahay ni Jared?" sang-ayon naman ni Madi. Nagkatinginan ang mga ito. Mayamaya pa ay naglakad ito patungo sa kinaroroonan nila. Salubong ang kilay ng tisay na babae. Nakataas ang buhok nito. Halatang hindi pa ito nagsusuklay. "Hija, magtago ka na. Paparating na 'yung suklay na humahabol sa'yo. Abutan ka pa." biro dito ni Panyang. "Okay lang, nang maisaksak sa ngalangala ng Jared na 'yon pagkatapos kong maisuklay. Buwisit na 'yon!" galit na sagot nito. "Hep, teka. Mukhang nakakaamoy ako ng panibagong love team in the making ah." Ani Allie. "Anong love team? Iyon? Ibitin ko pa siya ng patiwarik eh." Nanggigigil na sagot nito. "Ano ba kasing ginawa sa'yo ni Maestro?" tanong ni Panyang. "Itanong mo sa impaktong 'yun!" "Nakakapagod pa 'yun. Maglalakad pa ako para puntahan siya at itanong lang 'yun. Ikaw na lang ang sumagot tutal nandito ka naman." Katwiran ni Panyang. "Ang dami naman sinabi ng bansot na 'to." Sabi ni Adelle sa huli. "Hey, ouch!" maarteng sagot nito. "Ano ngang ginagawa mo sa bahay ni Jared?" usisa pa ni Madi. "Hay ang kukulit talaga ng mga ito!" wika nito na tila ba nauubusan ng pasensiya. "Basta, sa kanya n'yo na lang itanong. Dahil kapag naaalala ko lang ang perwisyo niya sa buhay ko. Baka isalaksak ko siya sa loob ng washing machine ko at paikutan ko siya doon hanggang sa maalog ang utak niya." Tuloy-tuloy na litanya nito. Natulala lang silang lahat. Mataray pala ito. "Inday!" malakas na tawag ni Jared. Nakatayo ito sa may gate, wala itong suot na ano mang pang-itaas. Tanging basketball shorts lang ang suot nito. Ang ipinagtataka nila, sa gawi nila ito nakatingin. "Inday!" tawag ulit nito. "Naku!!! Buwisit talaga!" gigil na gigil na wika ni Adelle. "Ikaw si Inday?" hindi makapaniwalang tanong ni Chacha. "Ano ba? Ang tagal naman ng inuutos ko!?" sigaw na naman ni Jared. "Nandiyan na po, Senyorito." Sinadya nitong nilambingan ang tinig, pero sa pang-aasar na himig. "Buwiset!" Matapos makuha ang sukli sa binili nito. Agad itong naglakad pabalik sa bahay ni Jared. Pagpasok pa lang sa gate at narinig na nila na nagbabangayan ang dalawa. "Hmmm... I'm sure, may susunod na love team na mabubuo." Ani Panyang. "Abangan ang susunod na kabanata." Dugtong naman ni Abby. "Tama!" Hindi pa sila lubusang nakakabawi mula sa mga nasaksihang eksena ng bangayan nila Jared at Adelle. Nang isa-isa nang dumating ang mga Tanangco Boys. Sakay ng mga magagarang kotse nito. Pumarada ang mga ito sa tapat nila. Nang magsibaba ay nagkanya-kanyang lapit ang mga ito sa mga asawa at girlfriend nito. Hinanap na naman ng mga mata niya ang lalaking nilalaman ng kanyang isip at ngayon ay sinisigaw ng kanyang puso. Si Ken. "How's my little lady?" malambing na tanong ni Roy sa asawa. "I'm good, my love. But I missed you." sagot naman nito. "Kumusta na ang misis ko?" tanong naman ni Dingdong sa asawa nito. "Okay lang. Ikaw Babe? How's your day? Na-miss ka namin ni Baby." Sagot naman nito sabay himas sa lumalaki nang tiyan nito. Iniwas niya ang tingin. Kung puwede lang siyang mag-walk out, ginawa na niya. Naiinggit lang siya sa mga sweet scenarios na nakikita niya. Kung hindi niya sana tinulak palayo si Ken, baka sila na sa mga oras na iyon. Baka isa na siya sa mga babaeng ito na masaya na kapiling ang minamahal. Ang kaso, masyado siyang nagpadala sa problema. Nagulo ang isip niya. Hindi siya nakapag-isip ng maayos. Ayaw niyang masaktan si Ken dahil magulo pa noon ang buhay niya. Pero nakalimutan niya na sa ginawa niya, nasaktan pa rin pala ito. Ken, nasaan ka na? lihim niyang tanong sa isip. Tila naging hudyat ang tanong na iyon sa isip niya. Dahil bigla dumating ang sasakyan nito. At sa mismong tapat pa niya ito pumarada. Bumilis ang pintig ng puso niya. Daig pa niya ang pangangapusan ng hininga. Lalong tumindi ang kabang nararamdaman niya nang bumaba ito sa kotse. Looking so handsome on his black slacks, leather shoes and maroon longsleeves. Umahon ang saya sa dibdib niya nang ngumiti ito. Pero agad din napawi iyon, dahil hindi pala siya ang nginitian nito. "Pare, ano nang development sa itatayo nating negosyo?" tanong nito kay Leo. Dumaan lang ito sa tabi niya nang hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Parang isa siya sa mga bakanteng silya na naroon lang sa isang sulok. She felt so invisible. "Negosyo? Tayo? Kailan pa tayo magtatayo ng negosyo?" nagtatakang tanong ni Leo. Kitang-kita niya nang mapapikit si Ken at inambaan ng suntok si Leo. Ngunit binalewala lang 'yun ng huli. "Nga naman, Dude. Malayo ang medical supplies sa mga magazines at mga gadgets." Ani pa ni Dingdong. "That is so lame, Pare." Si Darrel. "Ano ba?" singhal ni Ken. "Bakit n'yo ba ako nilalaglag?" "Nilalaglag?" inosenteng ulit ni Humphrey sa sinabi nito. Tumayo na siya. Medyo naguguluhan na rin siya sa takbo ng usapan sa lugar na iyon. "Oy ha! Nakakaloka na kayo! Ano ba nangyayari dito?" singit ni Olay sa usapan. "Ewan ko dito kay Ken." Sagot ni Victor. Naihilamos nito ang mga palad sa mukha. "Bahala na kayo sa buhay n'yo! Uuwi na lang ako." naiirita nang wika nito. Pagtalikod nito ay halos itulak siya ni Justin at Vanni para habulin si Ken. Bumubulong pa ang mga ito pati na rin ang mga kababaihan. "Sundan mo," ani Allie. "This is the day!" sabi pa ni Madi. Huminga siya ng malalim. Saka mabilis na hinabol ang nakakalayo nang si Ken. "Ken!" tawag niya. Laking pasalamat siya dahil tumigil naman ito. Pero nanatili itong nakatalikod sa kanya. "Why?" pormal ang tinig na tanong nito. "Can we talk?" "About what? Do you have any important thing you would like to tell me?" "Yes. I want to tell you about how I feel." Ipinamulsa nito ang dalawang kamay sa bulsa ng slacks nito. "Bakit? May sakit ka na naman ba?" "Oo." Bigla itong pumihit paharap sa kanya. Nababanaag niya ang pag-aalala sa mukha nito. Pero halata rin niya ang pagpipigil nito sa emosyon nito. "A-Anong sakit mo?" "Dito." Sagot niya. Sabay turo sa tapat ng puso niya. "Masakit na ang puso ko. May isang tao kasi itong hinahanap. At nami-miss na niya ang taong 'yun." Nagsimula nang mangilid ang mga luha niya. This is it, Myca. It's now or never... pagpapalakas-loob pa niya sa sarili. "I have no time for this," anito sabay talikod. "Please. Just hear me out. Pagkatapos kong magpaliwanag at masabi sa'yo lahat ng gustong sabihin. Saka ka umalis. I just have to tell you everything." "Ano pa bang sasabihin mo? Inamin mo na ang lahat, 'di ba? Hindi mo ako mahal." Sabi nito. "It's a lie. A total lie." "What do you mean?" "Nagsinungaling ako nang sabihin ko sa'yo na hindi kita mahal. Isang kasinungalingan lang din nang sabihin ko sa'yo na layuan mo ako. Hindi rin totoong walang dating lahat ng pinapakita mo sa akin." "Then, what is it?" "Kabaligtaran lahat nang 'yun. I missed you, Ken. Ang kakulitan mo. Ang mga tawa mo. Ang mga ngiti mo. I just missed the whole you. At kasalanan mong lahat kung bakit ako nagkakaganito ngayon. Sinanay mo ako na nandito ka sa tabi ko sa lahat ng oras. You made me feel like I'm the only girl in the world. Noong dumating ako dito sa Tanangco. I felt so alone. Wala akong kahit na anong ipagmamalaki. But you came to me, na para bang ako lang nakikita mo. Pinag-aksayahan mo ako ng oras, panahon at minahal mo ako ng buong puso kahit na hindi pa ako lubusang kilala." "Ikaw na lang lagi ang nasa isip ko. Kapag nasa malapit ka, natutulala ako. Kasabay noon, bumibilis din ang t***k ng puso ko. Sinubukan kong iwasan ka. Pero makulit ka. Hindi ka tumigil hangga't hindi ako nai-in love sa'yo. At nang dumating ang pinakamalaking dagok sa buhay ko. Natakot akong madamay ka at magulo ang tahimik mong buhay. And I just can't let that happen." "Iyon ang dahilan mo kung bakit mo ako pinalayo sa'yo? Naging masaya ka ba?" Napatungo siya saka umiling. "Hindi. Kailan man hindi ako naging masaya. Pinagsisihan kong sinabi ko 'yun sa'yo. Dahil kapag nilalagpasan mo ako at para akong hangin na hindi mo nakikita. Parang dinudurog nito ang puso ko sa sakit. Ayoko nang ganoong pakiramdam. Gusto ko nasa tabi lang kita palagi. Gaya nang hindi mo pag-iwan sa akin noong mga panahon na nasa panganib ang buhay ko." Unti-unti ay naglakad ito palapit sa kanya. "Hindi naman ako nawala sa'yo. Hindi rin kita iniwan. Nandito lang ako sa paligid mo. Nakamasid sa'yo. Naghihintay kung kailan mo ako kailangan." "I need you now, Ken. I'm sorry sa lahat ng nasabi ko sa'yo." "It's okay." Anito. "So, ibig sabihin. Mahal mo nga ako." Umaagos ang mga luha sa pisngi niya, tapos ay tumango siya. "Oo. Hindi ko alam kung kailan o paano nangyari. Basta bigla ko na lang naramdaman na mahal kita. At kapag hindi kita nakikita, hinahanap kita. Ikaw na lang ang nakikilala ng puso ko." Gumuhit ang mga ngiti sa labi nito. "Mahal kita, Myca Placino. Mahal na mahal kita. The moment I laid my eyes on you. Alam ko nang ikaw ang babae para sa akin. At nangangako akong hindi na ako mawawala pa sa tabi mo. Dahil hindi ko na hahayaan ang kahit na sino na pumagitna sa atin. At hindi na ako papayag na magkalayo pa tayo." Sa isang iglap ay nakulong siya sa mga bisig nito. Napapikit siya. She missed this moment. She missed being with him. She missed him. At ngayong narito nang muli ang lalaking minamahal niya. Hinding-hindi na niya ito pakakawalan pa. And then, Myca thought. Ano pa ba ang mahihiling niya? Nasa tama na ang lahat sa buhay niya. Sa wakas ay nagkaayos at nagkapatawaran na sila ng Mommy niya. At ngayon naman, bumalik na sa kanya si Ken. Ang lalaking tila ba pinadala ng Diyos para umayos ang buhay niya. At isa lang ang nasisiguro niya. Mahal niya ito. Mahal na mahal niya si Ken Charles Pederico. Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Ken. Sinakop na nito ang mga labi niya. At nagpaubaya siya. Ang halik na iyon ang nagpapatunay ng pagmamahal nila sa isa't isa. There's nothing more to ask. All she want is to say 'Thank you'. At alam niya, kung nasaan man ang daddy niya ngayon. Sigurado siyang masaya ito para sa kanya. "I love you, my Barbie." Bulong nito nang maghiwalay ang mga labi nila. "I love you too, my Ken." Sagot niya. "I promise, I'll drown you with so much love and care." Sabi ni Ken. Ngumiti siya dito. "Hindi mo pagsisisihan na ako ang minahal mo. Dahil habang buhay kitang mamahalin at aalagaan." Tugon naman niya. Muli ay naglapat ang mga labi nila. Wala na yatang katapusan ang nararamdaman niyang kaligayahan. At wala siyang planong tapusin iyon. "Tsuk! Tama na 'yan!" singit ni Adelle. Bigla ay naghiwalay sila. Ganoon na lang ang tawa nila dahil parang mga engot ang mga ito na daig pa ang nanonood ng sine. Gaya ng dati, nakasalampak ng upo ang mga ito sa semento. Muli ay nilabas ng mga ito ang mabahang monoblock na upuan. May kanya-kanyang hawak ng bote ng beer ang mga lalaki. Sila Panyang naman ay may hawak ng bote ng softdrinks. "Hoy Jared, ano na?" tanong ni Panyang. Nasa sulok pala ito at may hawak na videocam. "Eto na. tapos na." sagot nito. "Humphrey, i-f*******: mo 'to ha?" sabi naman ni Madi. "Kahit hindi mo sabihin. Bukas na bukas, abangan n'yo na lang. Ita-Tag ko na lang sa inyo." Sagot nito. "Good," usal ni Allie. "Wala na bang bago dito?" singit ni Adelle sa usapan. "Bago ba ika mo?" tanong ni Panyang. "Kayo ni Jared. Tiyak na 'yun." "Naka! Kung iyan din lang, hindi na uy! Magma-madre na lang ako." sagot ni Adelle na para bang diring-diri. "Mamumundok na lang din ako kung ikaw lang din." Ganti naman ni Jared. "Uy!!! Diyan nagsisimula 'yan!" tukso pa niya sa dalawa. "Nasaan na ang kasoy ko!?!" biglang sigaw ni Chacha. Sabay hablot sa mangas ng suot na longsleeve ni Dingdong. "Babe, gusto ko ng kasoy!" "Wala pa 'yung kasoy, nakaupo pa yung prinsesa sa tuktok." Sagot ni Panyang. Napuno ng malakas na tawanan ang buong Tanangco. "Kaloka ka talaga, bakla!" wika ni Olay habang naluluha sa kakatawa. Habang abala ang mga ito sa pagtatawanan at pagkukulitan. Muli nilang hinarap ang isa't isa. They smiled at each other. Hinaplos niya ang guwapong mukha ng lalaking iniibig. "Akala ko'y habang-buhay ko nang pagsisisihan ang ginawa ko. Mabuti na lang pala at nahabol pa kita." Wika niya. "Actually, sinadya ko rin talagang hindi ka pansinin. Gusto ko kasing ma-realize mo na mahal mo rin ako. Dahil naramdaman ko 'yun. At masaya ako dahil tama pala ako." "Ah ganoon," usal niya saka niya kinurot ito sa tagiliran. "Pinahirapan mo pa talaga ako ha." Napasinghap ito. "Aray! Joke lang!" "Siguro planado 'yung hindi mo pagpansin sa akin, no?" hula niya. "Narinig ko kanina sabi mo sa kanila, nilaglag ka nila." "Aha! May nililihim na pala kayo sa amin ha?" singhal ni Chacha sa asawa. "My Love, don't tell me pati ikaw?" nakapameywang na sita ni Panyang kay Roy. Hindi ito nakakibo, nagkibit-balikat na lang ito. "Hala, uwi! Magtutos tayo sa bahay!" ani Chacha kay Dingdong. "Oo nga. Siya ang pasimuno ng plano." Panggagatong pa ni Ken. "Ikaw naman Inday, uwi na. Magpa-plantsa ka pa." utos ni Jared kay Adelle. "Ewan! Plantsahin ko mukha mo eh!" Napangiti si Myca. Wala munang pansinan. Galit-galit kumbaga. Doon na muna siya sa piling ng lalaking minamahal. "Mahal na mahal kita," wika ni Myca. "Mahal na mahal na mahal din kita," sagot ni Ken. Then, they kissed again. Bukas na tayo mag-usap, mga friends. Ayos lang ako dito sa piling ng mahal ko. **THE END/WAKAS**
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD