Chapter Nine

2629 Words
"GIRL, SURE ka bang ayos ka na?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Abby. Tumango siya. Kahit na ang totoo ay medyo mahapdi pa rin ang kalmot niya sa leeg. Mabuti na lamang at hindi na masakit ang sampal sa kanya ng Mommy niya. Hanggang ngayon ay naiiyak pa rin siya kapag naaalala ang nangyari kanina. Hindi lang siya basta sinaktan nito, sadya siya nitong ipinahiya sa mga taong nakakita sa kanila. Puro pang-iinsulto at panglalait ang inabot niya dito. Paminsan ay gusto niyang magtanong sa Diyos. Bakit ganoon ang Mommy niya sa kanya? Sa pagkakaalam niya, naging mabuting anak naman siya. Nag-aral siyang mabuti at hindi binigyan ng sakit ng ulo ang mga taong nagpalaki sa kanya. Of course, tao lang siyang nagkakamali. Hindi niya ginustong mawalan ng Ama sa pangalawang pagkakataon. Alam din ng Diyos na hindi niya ginusto ang aksidenteng iyon. Kung iyon ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya niya. Handa siyang humingi ng tawad. Handa siyang magpakumbaba. Pero mukhang hindi pa ito ang tamang panahon para magka-ayos sila ng Ina. At alam niya, darating ang panahon na iyon. Hindi namalayan na tumulo na ang luha niya. Bigla ay naisip niya si Ken. Ayaw niyang madamay pa ito sa gulo ng buhay niya. Sa problema niya. Kaya't nagdesisyon siyang layuan na lang ito. Mas makakabuti na ang ganoon. Kahit masakit sa kanya. Agad niyang pinahid ang luha. "Huwag ka nang umiyak," pag-alo sa kanya ni Abby. "I'm okay." Usal niya. "No, you're not." Kontra nito sa sagot niya. Magsasalita pa lamang siya ulit nang biglang dumating si Ken. Naroon siya sa bahay ni Chacha. Nagtama ang mga paningin nila. Bakas sa mukha nito ang awa para sa kanya. Sigurado siyang napansin agad nito ang mga kalmot niya sa leeg dahil hanggang sa mga oras na iyon ay namumula pa rin ito. "Anong ginagawa mo dito?" pormal ang tinig na tanong niya dito. Hindi agad ito nagsalita. Sa halip ay diretso itong pumasok sa loob ng bahay at nilapitan siya. Ginagap nito ang mukha niya at pinakatitigan ang leeg niya. "God, ginawa niyang lahat ito sa'yo?" tanong nito. Hindi siya kumibo. Hinawakan niya ang kamay nitong nasa mukha niya saka ibinaba ito. Bahagya siyang humakbang paatras para magkaroon sila ng distansya. Kumunot ang noo nito, marahil ay nagtaka dahil sa ginawa niya. "Bakit ka lumayo? Tsaka, ano palang ginagawa mo dito? 'Di ba dapat nasa bahay ka lang?" sunod-sunod na tanong nito. "Hindi na ako babalik sa bahay mo." Aniya. "Ha? Bakit?" "Mas mabuti na 'yung ganito. Malayo ako. Huwag ka na ulit lalapit sa akin." Pormal niyang sagot. "Myca," gulat na usal nila Allie. "What do you mean?" "Layuan mo na ako, Ken. Ayokong madamay ka pa sa kamalasan ng buhay ko. Ayokong masali ka pa sa magulong buhay ko." "What the hell are you talking about?" galit nang wika ni Ken. "Bakit ka nagpapadala sa sinasabi ng Mommy mo? She came to me this morning. Kung anu-anong kasiraan ang pinagsasabi niya sa'yo." Tumawa siya ng pagak. "Kita mo na? Hindi siya titigil hangga't hindi niya ako nasisira." "I didn't believe in anything that she said." "Kahit na. Mas makakabuti para sa atin ang ganito. Mas mabuting lumayo ka na lang." "Myca, please don't do this..." "No. Tigilan mo nang panliligaw mo sa akin. Ayoko nang lalapit ka pa sa akin. Ayoko nang magpapadala ka ng kung anu-ano sa akin. Tigilan mo na rin ang pagsunod-sunod mo sa akin." Bumakas ang hinanakit sa mukha nito. Iniwas niya ang tingin dito. Kailangan niyang tikisin ito. Kailangan niyang layuan ito. Ayaw niyang magulo ang tahimik at maayos na buhay nito. Hindi lang ang isang kagaya niya ang sisira sa mga iyon. "Myca, huwag mo akong itaboy palayo. Let me stay beside you." "Umalis ka na, Ken. Layuan mo na ako. Huwag mo na akong kakausapin pa." Aniya. Sinikap niyang maging maayos ang tinig niya. Para hindi nito mahalata na nasasaktan din siya. I'm sorry, Ken. Pero ito lang alam kong paraan... "Ang akala ko, mahal mo ako." sabi pa ni Ken. Hindi siya kumibo. Mas pinili na lang niyang tumalikod. Hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito. Baka hindi niya mapigilan ang sarili at bawiin ang lahat ng mga nauna nang sinabi nito. "Umalis ka na, Ken." Sabi niya. "Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo sinasabing mahal mo rin ako." tugon nito. "Hindi kita mahal!" sigaw niya dito. Katahimikan ang naghari sa pagitan nilang dalawa. Pumikit muna siya at huminga ng malalim bago niya ito muling hinarap. "Narinig mo ang sinabi ko? Hindi kita mahal!" Bumalot ang sakit sa mga mata nito. Parang nais nitong maiyak pero pinipigilan lang nito. "Hindi ako naniniwala sa'yo." Tanggi nito. "Bahala ka, problema mo na 'yan." "Paano ang lahat ng ipinakita mo sa akin? Ang akala ko'y mahal mo na rin ako." sabi pa nito. "Mali ang naging interpritasyon mo sa mga ipinakita ko. Tanging pasasalamat lang ang nais kong ipakahulugan niyon sa'yo." Hindi ito nagsalita. Bigla ay tumawa ito. Tawang tila nangungutya. "I am so stupid, right?" anito, sabay baling kina Panyang na noon ay nakikinig lamang sa usapan nila. "Naniwala akong mahal mo na rin ako. Hindi ko naisip na baka nga pinagbibigyan mo lang ako. Sabagay, hindi ka nga naniniwala na mahal kita. O mas tamang sabihin ko na pinaniwala ko ang sarili ko na mahal mo rin ako." Tumalikod na siya. Hindi niya kayang makitang nasasaktan ito, lalo't na alam niyang siya ang dahilan. "Pero sana, sa sandaling panahon na nakasama mo ako. Naiparamdam ko sa'yo na puwede kang mahalin at puwede kang magmahal." Bumagsak ang mga luha niya. Kung pagmamahal din lang ang pag-uusapan. Sobra-sobra pa nitong naiparamdam iyon sa kanya. Kung sana'y karapat-dapat siya para sa pagmamahal nito. "Paglabas ko ng bahay na ito. Asahan mo, hinding-hindi na kita guguluhin pa. Kung iyon ang makakapagpasaya sa'yo. Gagawin ko." sabi pa ni Ken. Hindi na ito nagsalita pa at tanging pagsarado na lang ng pinto ang kanyang narinig. Napapikit siya. Sa kabila ng kanyang mga sinabi, bigla ay gusto niyang batukan ang sarili. Hinayaan niyang makawala ang taong nagparamdam sa kanya ng tunay na pagmamahal. Sunod-sunod ang pagbagsak ng mga luha niya. "I'm sorry, Girl. I'm your friend. Kaya nga sasabihin ko sa'yo 'to. That's the dumbest thing you ever did." Prangkang sabi ni Madi. "Yeah. At sana humarap ka sa kanya, para naman nakita mo kung gaano mo siya nasaktan." Sang-ayon naman ni Allie. "Hay naku Myca, bahala ka. Sa ginawa mo, lalayuan ka n'yan talaga. At sureness, pagsisisihan mong sinabi mong lahat 'yun sa kanya." dagdag pa ni Abby. "Pero iyon lang ang alam kong paraan para huwag siyang madamay sa gulo ng buhay ko." Sagot niya. "Hindi mo rin ba naisip na baka siya ang magiging dahilan para maayos ang lahat sa buhay mo." Ani Chacha. "Ewan ko, ang gulo ng isip ko." Naiiyak lalong wika niya. "Parang gusto ko rin maiyak sa katangahan mong babae ka. Kahit alam mong mahal mo naman siya talaga, nakuha mo pa talagang magsinungaling. Ewan! Ambot! Huuu-tang na loob Myca! gumising ka nga sa katotohanan! Huwag kang magpadala sa sinasabi ng Nanay mo. Alam kong alam mo na hindi totoo lahat 'yun." Dire-diretsong sermon sa kanya ni Panyang. "Tama!!!" sang-ayon ng apat. "Kaya sana, huwag mong pagsisihan ang pagtaboy mo sa kanya. Ako na ang nagsasabi sa'yo. Masakit ipagtabuyan ang taong mahal mo." Seryosong wika ni Panyang. "Ayun oh? Seryoso?" pang-aasar ni Madi dito. "At hindi ko rin pagsisisihan kung may mababato ko ng flower vase ang isang kapre dito." Ganti naman nito sa una. "Hoy! Kayong dalawa nga, mamaya na kayo magpatayan. Si Myca ang topic dito hindi kayo." saway ni Allie sa mga ito. Nag-belatan lang dalawa na parang mga batang nag-aaway. Napasalampak siya ng upo sa carpeted floor. Tama nga ba ang ginawa niya? She just pushed away the only man who love her. At aaminin niya, parang gusto niyang habulin ito at bawiin ang lahat ng nasabi niya. Pero para saan pa ang lahat ng iyon. Everything has been said and done. Magmu-mukha lang siyang tanga kapag hinabol niya ito. Paninindigan na lang niya ang naging desisyon niya. Sana nga lang ay makaya niya. Dahil ngayon pa nga lang, tila ba hirap na hirap na ang puso niya. WALA SA MOOD maglaro ng basketball si Ken. Wala siyang ibang nasa isip kung hindi ang huli nilang pag-uusap ni Myca. Ang alam niya, they have something. Ang akala niya, pareho sila ng nararamdaman. Na mahal din siya nito. Pero nagkamali siya. Everything was just a dream. Isang panaginip lamang ang mga kinang sa mga mata nitong nakita niya, noong mga panahon na madalas silang magkasama. Tinupad niya ang pangako dito. Paglabas niya ng bahay ni Chacha. Hindi na niya muli pa itong kinausap. Tinawagan. Tinext. O kahit na lapitan o tignan. Gusto niyang lagi itong masaya. At kung ang paglayo niya ang makakapagpanatag sa kalooban at makakapagpasaya dito. Gagawin niya. Kahit na ang totoo ay parang pinapatay ang puso niya sa sakit. "Dude, are you okay?" tanong ni Roy sa kanya. Nagkibit-balikat siya. "Maybe." Usal niya. "I heard what happened." Sabi naman ni Darrel. "Ganoon talaga. Tayong mga lalaki, paminsan-minsan. Nababasted din." Sagot niya na pilit na kinukumbinsi ang sarili. Ilang sandali pa ang lumipas nang makiupo na rin ang iba pa nilang mga kaibigan. "And you believe everything that she said," singit ni Leo sa usapan. As usual, tahimik lang ito sa isang tabi habang tila malalim ang iniisip. Pero hindi nila alam na nakikinig pala ito sa usapan. "Hindi pa ba malinaw na tinataboy na siya ni Myca?" ani Humphrey. Tumaas ang isang sulok ng labi nito sabay iling. "It's just her defense mechanism. Magulo lang ang isip niya. I suggest na hayaan mo muna siyang mag-isa. Hindi madali ang pinagdaanan ni Myca. Intindihin mo na lang 'yun." Dagdag nito. "Pero bakit kailangan pa niyang sabihin na hindi niya ako minahal?" "Hayaan mo na nga lang muna siya. Give her time. Give her space." Sagot naman ni Victor. "Mahal ka rin no'n," sabi pa ni Justin. "Alam namin na mahirap siyang layuan, sa ngayon. Pero that's the only way for her to realize na nagkamali siya ng desisyon niya." Payo ni Dingdong. "Kung ako sa'yo, Pare. Huwag mo na lang munang isipin ang problema mo. Maglaro na lang muna tayo ng basketball. Ibuhos mo ang frustrations mo sa paglalaro." Sabi pa ni Jared. "Right," sang-ayon ni Vanni. "Ken, that's not you. Ikaw ang tipo ng tao na hindi mamomroblema. I believe in your power. Lalo na sa usapang pag-ibig." "Yuck! Pago-ibig ka diyan!" pambabara dito ni Jared. "Kunwari ka pa diyan, if I know. Matagal ka nang patay na patay kay Adelle." Tukso dito ni Vanni. Hindi ito sumagot, basta na lamang ito tumawa. Napailing siya. Kung ganito din lang kakulit ang mga makakasama tuwing may problema siya. Malamang, madali nga siyang makakalimot. "Alam ko na, may plano ako!" biglang sabi ni Dingdong. Napatingin silang lahat dito. "Anong plano?" tanong niya dito. Ngumiti ito. Tapos ay sumenyas ito na lumapit sila. Nagkumpulan sila sa isang tabi. Doon hinayag nito ang sinasabi nitong plano. Habang nakikinig ay hindi niya maiwasan na mapangiti. May punto si Dingdong. Sa tingin niya ay uubra ang suhestiyon nito. Matapos nitong ilahad ang lahat. Nag-high five sila isa-isa saka sabay-sabay na nagsigawan. "Ayos!" masayang wika niya. Bigla ay nabuhayan siya ng loob. "See? Eh di gumanda bigla ang araw mo." Sabi ni Dingdong. "Yeah, and I owe it all to you." sagot niya saka niya ito tinapik sa balikat. "Thanks!" "Teka mga Pare, dapat walang magsasabi nito sa mga asawa't girlfriend natin. Usapang lalaki lang 'to." Paalala ni Vanni. "Oo ba!" mabilis na sang-ayon ni Victor. "Call," sagot ni Roy. "So, paano? Game!" sigaw ni Humphrey. Nagpatuloy ang paglalaro nila ng basketball. Naging masaya ang buong durasyon ng paglalaro nila. At natapos din iyon ng matiwasay. Salamat sa mga kaibigan niya. At nasolusyunan na ang problema niya.  PALAISIPAN sa kanya kung bakit siya pinatawag ng Kuya Martin niya. Kung kailan hindi maganda ang pakiramdam niya at nababalot ng lungkot. Tinotoo kasi ni Ken ang sinabi nito. Hindi na nga ito nagpakita sa kanya. Mahigit isang linggo na rin ang nakakalipas simula nang huli silang mag-usap nito. Sinunod nito ang lahat ng sinabi niya. Hindi na ito nagte-text o tumatawag sa kanya. Hindi na rin ito nagpapadala ng mga bulaklak gaya ng nakagawian nito. At kapag hindi sinasadya na magkakasalubong sila, daig pa niya ang hangin sa paningin nito. Para itong walang nakita. Parang hindi siya nag-eexist sa mundo. At nasasaktan siya. Parang dinudurog ang puso niya. Pero kailangan niyang magtiis. After all, wala naman siyang karapatang mag-reklamo. Siya ang may gusto nang lahat ng iyon. Huminga muna siya ng malalim. Bago kumatok sa apartment na tinutuluyan ng kapatid. Agad siyang napangiti nang makita si Misty. "Ate," anito sabay yakap sa kanya. "Kumusta ka na? Si Kuya?" "Okay naman ako. Nasa loob ng kuwarto nila ni Ate Lian." Sagot nito na ang tinutukoy ay ang asawa ni Martin. Tumuloy sila sa loob ng bahay nito. Wala pang asawa ang Kuya Martin niya dahil bagong kasal lang ito, ilang buwan na ang nakakalipas bago namayapa ang kanilang Ama. Mayamaya ay lumabas mula sa silid nito ang kapatid niya saka ang asawa nito. Agad siyang binati ni Lian. Saglit silang nag-usap at nagkumustahan. "Myca, may gustong kumausap sa'yo." Anang Kuya niya. "Ha? Sino?" Sa puntong iyon lumabas mula sa kuwarto ang Mommy nila. Agad na umahon ang matinding hinanakit niya dito. "Bakit? Kulang pa ba ang pangbubugbog mo sa akin? Ang pang-iinsulto at pamamahiyang ginawa mo sa akin?" sumbat niya dito. Umagos ang luha niya. Ang lahat ng sama ng loob na matagal na niyang kinimkim. "Ano? Isisisi mo sa akin ang pagkamatay ni Daddy? Ha? Ano pang nakalimutan mong sabihin?" Umiiyak na lumapit sa kanya ang Mommy niya. "Patawarin mo ako, Myca." Anito. "Nabulag ako ng matinding lungkot. Mahal na mahal ko masyado ang Daddy n'yo kaya hindi ko alam kung paano mabuhay ng wala siya. Naghanap ako ng mapagbabalingan ng lungkot ko. At nagkataon na ikaw ang naroon." Paliwanag nito. "Alam n'yo ba ang epekto sa akin ng mga ginawa n'yo?" patuloy pa rin sa pag-iyak na wika niya. "Pinamukha n'yo sa akin na malas ako. Sinampal n'yo sa mukha ko ng paulit-ulit na ampon lang ako. Alam ko naman 'yun eh. Tanggap ko na 'yun noon pa." "Patawarin mo ako, hija. Nagsisisi na ako sa mga ginawa ko." "Hindi lang kayo ang nawalan, Ma. Kami rin. Nawalan ng Ama. Mas lalo na ako dahil pangalawang beses na akong nawawalan ng Ama. At wla ng mas sasakit pa doon. Hindi pa ba sapat ang lahat ng paghihirap ko?" Hindi siya nakapalag pa ng kinulong siya ng yakap ng Mommy niya. "I'm sorry, hija. I'm so sorry." Anito. Bigla ay naglaho ang lahat ng galit niya. Bigla ay gumaan ang bigat sa dibdib niya. Kusang naghilom ang lahat ng sugat na dinulot nito. Kusang umangat ang kamay niya saka gumanti ng yakap sa Mommy niya. "I'm sorry too, Mommy." Agad niyang naramdaman ang kapatawaran sa puso niya. At sino nga ba siya para hindi magpatawad? Tao lang din siya. Nagkakamali. Nadadapa. Kung ang Diyos nga ay nagpapatawad sa mga anak Niyang paulit-ulit na nagkakamali. Siya pa kaya. "Ang lalaking iyon. Siya ang gumising sa akin sa katotohanan," anang Mommy niya. Bahagya siyang lumayo dito at kunot-noong tiningnan ang Ina. "Lalaki? Sino?" "Si Doctor Pederico. Siya ang nagpamukha sa akin ng lahat ng pagkakamali ko." Ito na lang kulang. Si Ken at ang pag-ibig nila sa isa't-isa. Ngayon, ang pagkakamali naman niya ang aayusin niya. Itatama niya ang lahat ng kasinungalingan na sinabi niya kay Ken. Hindi niya hahayaan na mawala ang lalaking tanging sinigaw at minamahal ng puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD