Helena POV Nagulat ako nang biglang magmulat ng mata si Shean. Napabalikwas siya nang mapansing nakatitig ako sa kanya, at mas lalo siyang natigilan nang makita ang luha sa mga mata ko. Kumunot ang noo niya. Agad siyang umupo at lumapit sa akin, halatang nag-aalala. “Anong problema?” tanong niya. Umiling lang ako. Hindi ko magawang magsalita. “Please,” sabi niya habang marahang hinawakan ang baba ko, pilit akong pinaharap sa kanya. “Tingnan mo ako.” Doon na bumigay ang dibdib ko. “Shean… mahal kita,” sa wakas nasabi ko rin. Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko, ang panginginig ng boses ko, halo ng hiya, takot, at matagal nang kinikimkim na damdamin. Saglit siyang natahimik. Tapos… ngumiti siya. Isang ngiting hindi ko inaasahan, pero matagal ko palang hinihintay. “Mahal na mahal d

