Shea POV Habang naglalakad kami ni Helena papunta sa kanto, doon kasi naka-park ang sasakyan ko, ilang beses kong naisip na hawakan ang kamay niya. Gusto ko. Natural lang sana. Pero napansin ko ang pagkailang niya sa mga taong nakapaligid sa amin. Kaya pinigilan ko ang sarili ko. Siguro, sa edad niya, ngayon lang ulit siya nagkaroon ng kasintahan. Halos sampung taon din siyang walang minahal matapos ang iskandalong nangyari sa nakaraan niyang relasyon. Alam kong hindi naging madali para sa kanya ang bumalik, hindi sa pagmamahal, kundi sa pagtitiwala sa sarili niya. At marahil, may alinlangan din siya dahil mas matanda siya sa akin. Pero sa totoo lang, kung tutuusin… mukha naman siyang bata. Mas bata pa nga ang ningning ng mga mata niya kaysa sa karamihan ng nakilala ko. At wala na r

