Helena POV Birthday ngayon ni Shean. Bitbit ko ang regalo ko para sa kanya, simple lang, pero pinag-isipan ko. Hindi ko nakasabay si Jassie dahil sabi ni Shean, hindi raw ito pupunta. Kaya ako na lang ang pumunta, mag-isa. Pagdating ko sa venue, hinarangan ako ng security guard. “Invitation po?” maayos niyang tanong. Ngumiti ako at agad na inabot ang sobre. Sinipat niya, tapos tumingin sa tablet niya. Kumunot ang noo niya. “Ma’am, wala po kayo sa guest list.” Parang may malamig na dumaan sa batok ko. “Ah—baka may mistake lang?” pilit kong kalma, pero ramdam ko na ang kaba. Tinawagan ko si Shean. Isang ring. Dalawa. Hanggang sa out of reach ang lumabas sa screen. Huminga ako nang malalim. Tinry ko ulit. Wala pa rin. Sa likod ko, may mga dumadating na bisita—may halakhakan, may nagma

