Helena POV Humawak si Shean sa kamay ko. Mahigpit, parang ayaw akong bitawan, parang may kinatatakutan siyang mawala. “Tara,” sabi niya. “Pasok na tayo.” Ramdam ko ang mga mata sa paligid habang inaakay niya ako papasok ng venue. Ramdam ko rin ang biglang pagbabago ng hangin, kanina ako yung hindi kilala, yung hindi kasama sa listahan. Ngayon, ako na yung kasama niya. Habang naglalakad kami, naramdaman kong bumagal ang hakbang niya. Yumuko siya nang bahagya, para ako lang ang makarinig. “Sorry,” bulong niya. “Nagka-aberya sa guest list. Hindi ko alam na hindi ka nakapasok agad.” Gusto kong magsalita. Maraming tanong ang nag-uunahan sa isip ko, tungkol kay Hannie, sa Mommy niya, sa mga salitang narinig ko. Pero pinili kong tumango na lang. “Okay lang,” sabi ko. Hindi ko alam kung tot

