Treshia Marie POV
"Kung isa akong 'Fairy God Mother' katulad ng fairy ni Cinderella. Anong gusto mong i-wish. Bumalik sa nakaraan para baguhin ang buhay mo o pumunta sa future na kasama ako?"
Natawa man sya ng slight sa mahangin na tanong nito pero kinilig din naman sya ng slight.
"Lakas ng hangin natin dyan ah..kasing lakas ng hangin dito Marlboro Hills"
Natatawa nyang sagot dito.
Nandito sila ngayon sa hills. Gumawa sila ng tent ng napagod sila sa pagha-hiking at syempre hindi mawawala ang pagkukuha nya ng mga litrato sa mga magagandang tanawin sa paligid nya na akala mo eh nasa ibang bansa ka.
"Pano mo naman nasabi yan? Seryoso nga.."
Seryoso nitong baling sa kanya.
Kaya biglang nawala ang ngiti sa kanyang labi.
"Ang seryoso natin ah..hindi ako sanay..anong hugot na naman ba yan?"
Tumayo ito habang binalingan ang iniihaw nitong barbecue.
Oo gabi na ng araw na yun at naghahanda sila ng baon nila para sa hapunan..baon lang pala ng boss nyang may sumpong ata.
"Alam ko hindi ka maniniwala pero i think it's about time para malaman mo yung mga tanong sa isipan mo mula noon hanggang ngayon, Treshia.."
Umupo ito sa tabi nya sabay abot ng barbecue sa kanya.
Kuno't noo man sa sinabi nito ay masaya nyang tinanggap ang binigay nito dahil sadyang gutom na sya at napagod sa pambihirang adventure na naisip ng amo nya.
Balak pa atang iwanan sya sa kagubatan sa bilis nitong maglakad kanina.
"Ano yun?"
Baling nya dito.
"Bago yun mamili ka muna sa pagpipilian ko kanina..."
Binalikan nya sa isip ang sinabi nito kanina.
"Siguro kung bibigyan ako ng pagkakataon para mabigyan ng kasagutan ang tanong mo, siguro ang pipiliin ko ay...wala."
Deritsa kong sagot.
"Bakit naman? chances mo na sasayangin mo pa bang makasama ako katulad ngayon? o maging masaya at hindi puro problema kung aayusin mo ang mga maling desisyon mo sa nakaraan."
Naguguluhang sagot nito.
"Kasi..lahat naman ng nangyayari may dahilan. Yung mga maling desisyon ko sa buhay ko noon lahat nun may dahilan. Kung babaguhin ko yun hindi ako magiging matapang at matatag ngayon. Higit sa lahat hindi ko makakasama ang mga anak ko sa buhay. Dahil sila ang inspirasyon ko sa lahat ng mga pagsubok na kinaharap at kakaharapin ko pa.."
Mahabang paliwanag ko.
Tumango-tango naman ito.
"May point ka..pero bakit hindi mo ako pinili?"
Natatawa man sa pagpapacute nito dahil sa tanong nito ay seryoso nya parin itong sinagot.
"Unang-una kahit gwapo ka, mayaman at nasayo na lahat..hinding-hindi parin kita pipiliin dahil may taong nakatadhana na sayo saka hello? complicated na nga buhay ko..dun pa ako sa complicated din sa buhay na tao. Ano nalang mangyayari sa akin. Galit nga ako sa mga kabit tapos gagawin mo rin akong kabit? Never! kahit crush kita.."
Bigla syang napatakip ng bibig sa huli nyang nabitawang salita.
"Kung sa bagay may point ka..pero kung sakali na hindi complicated ang buhay ko..kaya mo bang tumaya para lang makasama ako sa future mo?"
"Teka boss? Sa'n ba papunta ang usapang 'to?"
Natatawa syang tumayo at binaliktad ang iniihaw nila dahil amoy sunog na ito. Napasarap na ata usapan nila.
"Ayaw mo ba akong makasama?"
Seryoso parin ang mukha nito.
"Hindi naman sa ganun boss..pero parang ang imposible kasi ng sinasabi nyo.."
Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang dalawang kamay nya kaya nabitawan nya ang hawak na barbeque.
Nilagay nito ang kamay nya sa dibdib nito.
"Ano sa tingin mo ang tinitibok ng puso ko?"
Malambing nitong wika..
"Na mali 'to.."
Mabilis nyang sagot at tinanggal ang kamay nya sa dibdib nito.
"Ano ba talaga ang problema Sir Samson..ako yung naguguluhan sa ina-akto nyo eh..kakakasal nyo lang tapos ganyan..hindi ko nga alam kung bakit ako sumama sa inyo. Alam kung mali ito lalo na sa part ng asawa nyo--"
"Walang kasalang naganap.."
Malungkot na putol nito sa kanya..
"Ano po? Hindi nyo po ba sinipot ang kasal nyo?"
"Hindi sa ganun. Ayoko lang matali sa isang relasyon na hindi naman ako masaya na hindi ko naman choices. Kahit kapalit nun pagtataksil ko sa angkan namin. Ewan...naguguluhan narin ako.."
Frustrated nitong sabi habang ginugulo ang buhok nito.
"I'm sorry..alam kung may pinagdadaanan ka tapos dinagdagan ko pa.."
Hinging paumanhin nya.
Kanina pa kasing balisa ito simula ng dumating ito sa bahay nila.
"I'm not just an ordinary person Treshia..siguro sa puntong ito, oo normal na tao na lamang ako na dadaan sa lahat ng pinagdadaanan ng mga tao..pero yun ang pinili ko eh kaya wala dapat akong sisihin, lalo kana.."
Naguguluhan man ay tinabihan nya itong muli.
"Sabihin mo lang handa akong makinig at hindi kita huhusgahan.."
Tumingin ito sa kanyang sinabi.
"Hindi ako tao Treshia...isa akong anghel..fallen angel, hangal, walang utang na loob, duwag.."
"Huh?"
Yun lang nasagot nya..hindi nya kasi alam kung nagbibiro ba ito o seryoso, pero ayaw nya itong ma offend kaya tumahimik nalang sya.
"Galing ako sa itaas, sa langit..isa akong Prinsepe ng mga anghel.. at napagkasunduan na ipakasal sa ibang kaharian para magsanib pwersa na kalabanin ang Kaharian ng Kadiliman..alam kung mahirap paniwalaan but to make story short..nagbago lahat ng desisyon ko mula ng pumunta ako dito sa lupa, mula ng makilala kita..lahat nagbago sa akin, kaya sa araw ng kasal..sinuway ko ang ama ko at ang kaparusahan ay maging mortal habang buhay katulad mo. Pero hindi ako kahit kaylan man mag reincarnate at mapupunta ako sa impyerno dun ang magiging hanggan ko."
Mahaba nitong paliwanag.
Bigla syang nahabag.
Naramdaman nya kasi ang sakit na nararamdaman nito. Pakiramdam nya isa sya sa mga taong may kasalanan kung bakit nangyari 'to sa buhay nito.
"I'm s-sorry.."
Yun nalang nasabi nya..
"Don't say sorry..hindi mo kasalanan ang lahat."
"Pero part parin ako ng paghihirap ng damdamin mo ngayon..kung hindi kita na-impliwensyahan hindi ka isusumpa ng ama mo..hindi magbabago ang buhay mo at mabubuhay ka habang buhay."
"As i told you hindi mo kasalanan..marami din akong narealize bago nagdesisyon.."
Ngumiti na nitong baling sa kanya.
"Meron pa akong isang bala..kung may gusto kang wish kaya ko yung ibigay sayo.."
Umiling sya.
Wala na syang hihilingin pa na makapagpasakit na naman dito.
"Seryoso Treshia..may last power pa ako na kayang sumagot sa ano mang wish ng isang mortal.."
Umiling syang muli.
"Wala na akong ibang wish..kundi maging ganito lang tayo, kahit walang tayo.."
Niyakap sya nito at masayang in-appreciate ang presensya ng bawat isa.