Treshia Marie POV
"Gusto mo ba sumama sa akin?"
"Saan naman?"
Ano naman kaya trip ng lalaking ito? Bigla nalang magyaya sa kawalan.
Tanong nya sa sarili nya.
Bagama't naguguluhan sa inakto nito at sa biglang pagpunta sa bahay nya ay una nyang napansin ang malamlam nitong mata habang umiinom ng juice.
Tumingin ito sa kanya at ngumiti ng tipid.
"Kahit saan..kahit sa'n mo gusto, basta malayo dito."
Tumayo ito at lumapit sa maliit nilang bintana bago binalik ang tingin sa kanya.
"Kung gusto mo lang naman..."
Huminga sya ng malalim at nag-isip isip.
Alam nyang may pinagdadaan ito sa buhay o may tinatakasan na problema sa buhay. Alin man dun, bigla syang nakaramdam ng awa para dito. Kahit papaano ay naging mabait at mabuti ito sa kanya. Ano nalang na suklian nya ito kahit sa ganitong pamamaraan.
"Look..kung ayaw mo di kita pipilitin. Sina-suggest ko lang baka gusto mo---"
"Sasama ako..i mean sasamahan kita don't worry.."
Putol ko dito.
Ngumiti ito ng tipid na parang hindi ganun kasaya sa narinig nya kaya hindi na sya nag-atubiling tanungin ito.
"May problema ba Sir Samson?"
Umiling ito.
"Kanina ko pa kasi napapansin na ang lalim ng iniisip nyo..."
"Wala 'to..don't mind it..so sa'n mo gusto..sa beach? hiking and camping o travel around the world?"
Pag iiba nito sa usapan.
Napangiwi nalang sya sa mungkahi nito dahil mukhang magtatagal talaga sila ng may na realize ay lumapit ako dito.
"Ah..sir, pala may nakalimutan ako..hindi pala ako p---"
"About ba sa mga anak mo? don't worry nakausap ko na si Heaven sya muna bahalang magbantay at mag alaga sa mga bata habang wala ka.."
Putol nito sa kanya na mukhang alam na agad ang nasa isip nya at alam na agad ang magiging desisyon nya at napaghandaan na nito.
Well, magtataka paba sya eh..sa mala-misteryong nangyayari sa buhay habang nasa paligid nya ang misteryosong taong 'to.
"Ready na ready tayo ah..alam na alam.."
Natatawa nya nalang sagot dito habang pinapalo ng mahina ang braso nito.
Ouch ang tigas..ang yummy..pero echoes lang..hehehe
Pigil nya sa sariling kiligin.
"So, tayo na? bago mo pa ako chansingan dyan.."
Natatawa nitong hirit bago umalis sa harapan nya.
Namumula ang mukha sa hiya na sinampal nya ng mahina ang mukha.
"Wake up sa day dream mo Treshia..nahuhuli ka tuloy.."
Namilog ang matang hinabol nya ito ng marealize na papunta na ito sa sasakyan sa labas.
"Wait..sir! now na? as in agad-agad? Hindi pa nga ako nakapag-impake at paalam sa mga bata---"
Pinigil nito ang kanyang sasabihin pa gamit ang hintuturo nito. Habang ngumuso sa back seat ng sasakyan nito.
Agad nitong tinanggal ang mabangong daliri..i mean makinis nitong daliri..hay naku! stop it...imahinasyon please..
Pigil na naman nyang kiligin.
Binuksan nito ang kabilang pinto sa passenger seat sa harapan at agad ng pinatakbo ang sasakyan.
"So may naisip ka nabang pupuntahan natin? o gusto mo all of the above.."
"Huh? ah..eh.."
Utal-utal nyang wika ng hindi pa sya maka-get over sa nangyari kanina kahit kalahating oras na mula ng umalis sila..
"Sabi ko san mo gusto una tayong pumunta?"
Tumingin ito sa kanya at ngumiti ng mapang-asar.
"Hindi kapa ata nagigising..buti tawagan mo muna mga bata..bibili lang ako ng makakain natin medyo mahaba-haba din byahe natin."
Hindi pa man sya nakakasagot ay nakalabas na ito.
Dun lang sya nagising at mabilis na kinuha ang kanyang cellphone.
Buti talaga at kahit wala sya sa sarili ay hindi nya ito nakalimutan dalhin.
"Mga anak..may business trip si mama, si tita Heaven nyo muna makakasama nyo..pakabait kayo huh, wag pasaway.."
Bungad nya sa mga ito.
"Okay mama..enjoy po sa bakasyon. Wag kalimutan ang pasalubong namin."
Masayang wika ng dalawa sa kabilang linya.
Nagtaka man sa reaksyon ng mga anak nya na mukhang na briefing na ng mas maaga ay hindi na sya magtataka sa amo nyang ubod ng...ubod ng...gwapo!
"Hmmm kalma self..at padating na ang ubod ng gwapo..este amo mong ewan.."
Kausap nya ng mahina sa sarili pagkababa ng tawag at palapit na nga sa kinaroroonan nya ang amo nya na mabilis pa sa hangin na naka-order ng pagkain. Hindi na sya magtaka sa karisma nito sa kababaehan..sya nga nataga nito eh..este ang marupok nyang puso pala.
"Ang bilis huh..."
Biro nya nalang dito ng makasakay ito.
Ngumiti lang ito ng laglag panty..buti nalang talaga at hindi t-back suot..ehoes hehhe..hindi sya nagsusuot nuh.
"Mag-hiking muna tayo at camping..diba mas exciting yun? gusto ko makalanghap ng sariwang hangin eh.."
Suggestion nito.
Tumango lang sya habang kumakain ng fries na binili nito.
"Suffucate ka naba sa usok ng syudad boss?"
Pabiro nyang wika dito.
"Yeah..suffucate na ako sa buhay ko ngayon..sarap tumalon sa bundok.."
Seryoso pero alam nyang pabiro lang nitong wika.
"Hugot yan ah..wag naman boss..syang kagwapohan nyo kung uod lang makikinabang.."
Sakay nya sa biro nito..
Natawa na ito pero mahina lang na para pabebe..
Kung hindi lang malaki ang katawan nito at gwapo mapagkakamalan na nyang paminta.
"Aanhin mo ang kagwapohan kung lahat naman tayo mamamatay?"
Hugot nitong muli.
"Aba..mukhang may mga patama yang mga hugot mo boss ah.."
Sagot ko dito.
Hinawakan ko ang kabilang kamay nito para manchansing este para pagaanin kung ano man ang nagpapagulo sa isip nito.
"Kung may problema ka, wag kang mahiya na mag open sa akin..okay? safe ang mga sekreto mo sa akin..hindi ako katulad ni Heaven.."
"Okay.."
Maikli nitong sagot at maya-maya ay nakarating na kami sa Airport. Oo nasa Airport sila at hindi nya alam kung saang sulok sila ng Pilipinas pupunta o baka outside world na pala..heheh
"Ah..sir san po ba tayo pupunta?"
Hindi na nya napigilang itanong dito ng makasakay sila sa private plane nito at tanging sila lang ang pasahero.
Ang weird ng feeling, pero excited sya.
"Seat down and relax..malalaman mo rin pagdating natin..Pahinga ka muna, gigisingin nalang kita pag andun na tayo.."
Ngiti nito na labas na ang mapuputing ngipin nito..mukhang excited din ito sa gagawin nila.
Gagawin talaga? in your dreams, Treshia..
Kutya nya sa sarili nya.
Naka-idlip nga sya at unang bumungad sa paningin nya ang magandang tanawin ng lugar.
"Wow! nasa Pilipinas paba tayo?"
Nanlalaki ang matang baling ko dito.
Nakabihis na ito ng short at t-shirt at rubber shoes. Mukhang ready na ready na ito samantalang sya eh naka-pamabahay parin.
Ngayon lang nya na-realize ang itsura nya para syang chimay nito.
"Yes..nasa Pilipinas pa tayo..magbihis kana at magsisimula na ang adventure natin habang maaga pa.."
Wika nito habang inabot sa kanya ang isang pares ng damit at leggings na pang-hiking na ka-kulay ng suot nito.
Ito na naman ang kilig nya na hindi mapipigilin, dahil para lang silang couple.