Treshia Marie POV
"This is sucks..it's really sucks.."
Hindi na nya alam kung ilang beses naba sya nagmura o nag-buntong hininga.
Badtrip talaga sya as in badtrip ng araw na yun.
"Alam mo kung hindi lang ako chismosa masasabi ko talagang si boss ang dahilan ng bad day mo ngayon. Correction? bad week o bad month na yata?"
Komento ng hindi nya alam kung paano nya naging kaibigan sa loob ng ilang buwan na si Heaven.
Inirapan nya lang ito.
"Alam mo? Alam mo naman pala na chismosa ka bakit hindi mo alam? o sadyang mali-mali lang talaga nasasagap ng mga chismosa at ito ikaw? nawalan na ata ng radar sa mga kapit bahay mong chismosa.."
Pang-aasar nya dito.
Paano ba naman kasi ay napilitan syang lumapit dito.
Yes..in a word na napilitan dahil wala na syang choice.
Ito lang ang nag-iisang kahit papaano ay kilala nya o sabihing kahit chismosa eh kaibigan nya. Wag mo lang talaga pagkatiwalaan sa mga sekreto mo. Better kept it in yourself.
"Pinalayas kalang eh..badtrip na badtrip kana. Pinagsakluban ng langit at lupa girl?"
Pang-aasar nito pabalik sa kanya.
"Correction..hindi ako pinalayas, kundi lumayas. Magkaiba yun. Nag-aral kaba? o sadyang chismis lang natutunan mo sa school?"
Balik pang-asar ko dito na nagpa-irap lang dito.
"Pero friend pasensya na huh? Hindi ito ganun ka-laki at kaganda sa condong pinanggalingan mo. Lam mo na poor lang din ako kaya poor lang din ang place ko.."
Kamo't nito sa ulo.
Nagpahanap kasi sya dito ng pansamantalang titirahan nila ng mga anak nya.
Pansamantala o permanente?
Ang sagot ko..depende.
Pina-rush nya ito na maghanap sa lalong madaling panahon ng malilipatan nila dahil hindi na nya kaya ang bigat na kanyang nararamdaman sa tuwing e-de-deadma sya ng boss nya para bang hindi sya nag e-exist sa mundo nito.
Wala ng hiya-hiya kahit sabihin pa nitong bossy sya..pero kahit chismosa ito hindi naman sya tinitira patalikod..o chini-chismis about sa boss nya pero hindi sinisiraan ng masasakit sa iba kahit papaano thankful sya dito sana hindi ito ahas gaya ni...
Never mind..
Niyakap ko ito habang nagsasalita pa.
"Thank you..kahit ganyan ka..kahit napakalaking chismosa mo eh, malaking tulong karin pala. Kahit papaano eh, may silbi rin bunganga mo..pero joke lang. Okay na kami dito atleast mura lang diba? at kapit bahay lang kita.."
Humarap ito sa kanya na umiiyak kaya binatukan nya.
"Ito mukhang tanga..umiiyak ngumingiti.."
"Touchy lang may friend. May sweet side ka rin pala, kala ko amazona ka eh..kaya deadma ni boss.."
Napatigil ito ng ma-realize ang sinasabi.
"Oppss..sorry my big mouth.."
Hingi paumanhin nito.
Sinabihan nya kasi ito na wag ng banggitin sa harapan nya.
"It's okay.."
Mahinang sabi nya sabay iwas dito.
Nilibang nalang nya ang sarili nya sa pag-aayos ng ibang gamit nila.
Buti at nasa school pa ang mga anak nya.
Nag-halfday sya ng araw na yun dahil sa paglilipat at gaya ng mga nakalipas na buwan.
Wala syang nakuhang sagot o reaksyon manlang sa boss nya ng magpa-alam syang bubukod na dito at babayaran nalang pa-unti-unti ang utang nya dito.
"Curious lang kasi ako, Treshia..alam kung ayaw mo na itong pag-usapan..pero, ano ba talagang nangyari sa inyo at kay boss?"
Lumingon sya dito at humarap.
"Alam mo ba curiosity can kill you? Pero since tinulungan mo ako..sasagutin kita."
Huminto muna ako sa pagsasalita at uminom ng juice na nabili namin sa daan.
Umupo din ito paharap sa kanya sa maliit na sala na yun.
"Honestly..hindi ko rin alam ang sagot sa tanong mo dahil yan din ang tanong ko na hindi ko makuha-kuha ang sagot."
Kumuno't ang noo nito.
"Ang gulo huh? puzzle ba yan?"
"Sana nga puzzle, kahit papaano makukuha mo parin ang sagot, pero ito..he's so mystery. He act so weird since nung bumalik sya sa long vacation nya and maybe one of the answer to that question, pero i'm not 100 percent so sure eh, dahil sa ikakasal na ito kaya umiiwas sa tukso at alam ko malapit na yun..maybe one of this day."
Mahabang paliwanag ko.
"Tukso? Do you think natutukso sya sayo? wow huh? ganda ka gurl--"
Binatukan ko to dahil sa pinagsasabi
"Ouch! lakas nun ah..tinamaan ka gurl?"
"Sige wag kang tumigil kundi sasampalin na talaga kita.."
Irap ko dito.
"Ito naman hindi mabiro.."
"Nakuha mo na ang sagot sa tanong mo kaya tsupi na...mag-aayos pa ako dito at magsusundo sa mga jonakis ko.."
Pagtataboy ko dito.
"Ito naman napaka-harsh..hello? andyan lang kaya bahay ko, ilang hakbang lang dito.."
Maktol nito.
"Eh, kasi marami pa nga po akong gagawin at pag nandito ka for sure wala akong magagawa.."
"Sige na nga..mamaya nalang, bye friend..ingat dito.."
"Sira, wala naman sigurong multo dito..sige na bye.."
Pinagsarhan na nya ito ng pinto bago pa kung ano na namang masabi at hindi makakaalis.
Wala pa mang labing-limang minuto na nakakaalis ito ay may kumatok.
Since wala naman syang ine-expect na bisita eh alam nyang si Heaven yun.
"Ano na naman kaya kailangan ng babaeng 'to?"
Mahinang kausap nya sa sarili.
"Oh..Heaven ano na naman ang nakalimutan mo?"
Napahinto sya ng bumungad ang ibang tao sa pintuan. Hindi si Heaven yun.
"B-Boss? Ano pong ginagawa nyo dito?"
Nauutal nya pang wika.
Yes, it's her boss, Samson Archangel.
"Can i come in? I just wanna to talk with you?"
"Ah..eh, sige po pasok kayo.."
Pagpa-pasok nya dito.
Palinga-linga ito sa lugar nya.
Alam nyang ang mayaman na katulad nito ay hindi komportable sa ganung lugar.
"Safe ba mga bata dito? Look? i didn't mean to offend your feelings or being disrespectful with my actions this past few days or months..pero kasi--"
"I understand very well, boss. Hindi mo kailangan magpaliwanag, since it's my decision na bumukod sayo. Hindi na kasi magandang tingnan na ikakasal kana tapos we're under the same roof. Ano nalang ang sasabihin ng wife-to-be nyo..."
Napayuko lang ito na parang sising-sisi.
Sisi saan?
They're not even relatives para magsisi ito sa naging trato nito sa kanya.
Thankful pa nga sya sa mga naging tulong nito. Cut off..utang yun na dapat bayaran hindi tulong.
"Kung nag-aalala po kayo na baka hindi ko mabayaran ang atraso ko sa inyo wag kayong mag-alala. You can cut 10-15 percent sa sweldo ko monthly. Wag lang 25 percent.."
May halong biro pa sa huling sinabi ko to cut the awkward situation.
"I didn't worry about it gaya ng sabi ko noon kahit wag mo nang bayaran yun dahil ako naman ang nagkusa na tumulong sayo, pero kung yan ang desisyon mo. I understand and I'm sorry. I hope i can tell you everything. I hope i can escape from my own reality just like you. But every actions that i made is depend every one future."
Lumapit ito sa akin at nabigla ako sa sunod nitong ginawa.
Pinatong nito ang ulo nito sa kandungan ko habang nakaluhod.
Gulat man pero ramdam ko ang bigat na nararamdaman nito kaya wala akong nagawa kundi haplusin ang malambot nitong may kahabaan na buhok.
"Magiging maayos din ang lahat. You're a strong person at naniniwala akong walang problema na hindi mo kayang lusutan. You're good in solving other people problem like me, kaya alam kong kaya mo yan. Whatever decision you will take think it twice before it's too late. But put this on your mind. Those decision should be came from your heart and balance in your mind."
Inangat nito ang ulo para makita nya ang gwapo nitong mukha kahit halatang stress dahil sa eyebag nito.
Medyo nailang sya sa sitwasyon nila lalo na sa reaksyon nito.
Nakangiti kasi itong nakaharap sa kanya na wari'y na point out nya ang problema nito.
Pero wala dun ang isip nya kundi dahil sa nakapalda pa sya pang-office at wala pang ligo, baka naamoy nito na mabaho sya kaya naka-ngiti.
"Hmmmmm...."
Putol nya dito at nginuso nyang umupo ito ng maayos.
Sa una ay Napakono't noo ito sa pinapahiwatig nya pero kalaunan ng maintindihan ay napakamot nalang ito sa ulo na umupo kaharap nya.
"I'm sorry and thank you..kapag naayos ko na ang lahat ay open kayong bumalik sa bahay..it's looks like hindi safe sa security ang mga bata dito. Masyadong crowded.."
"Thank you boss sa concern but don't worry i can take care and protect my children very well.."
Halos may inis na sa tinig ko dahil sobra pa ito sa tatay kung maka-asta para sa mga anak ko.
"Sorry kung napangunahan kita..gusto ko lang safe kayo.."
Tama ba narinig nya safe kayo? o safe sila?
Maybe nangangarap na naman sya ng gising...