Samson Archangel POV
"Binabalaan kita, Prinsepe Archangel. Ilang buwan nalang ang nakatadhana nyong kasal ni, Prinsesa Angela. Ano 'tong nakarating saking balita na bumababa ka sa lupa?"
Sermon sa kanya ng kanyang amang Hari.
Napa-buntong hininga nalang sya.
Kahit kaylan talaga ay hindi mapagkatiwalaan ng sekreto ang kapatid nya.
Alam nyang ito ang nagpahatid ng mensahe sa kanilang ama.
"Alam ko po mahal na amang Hari. Hindi ko po nakakalimutan ang obligasyon ko, pero sana hayaan nyo muna akong gawin ang gusto ko bago ang araw na yun. Wag po kayong mag-alala, makakaasa kayong magaganap ang ang araw ng kasal namin ni Prinsesa Angela..hindi ko po yun nakakalimutan."
Nakaluhod ang isang paang, pagbibigay galang ko dito.
Natahimik ito at seryosong nag-iisip.
Alam nyang labag sa batas ng langit ang pagpunta sa lupa ng walang pahintulot sa kaharian.
"Pagbibigyan kita sa iyong kahilingan sa ngayon, Prinsepe..pero, marami akong ipagbabawal sa iyo at kailangan mo ring dumaan sa parusa, bilang pagsuway sa mahalagang batas ng kaharian."
Tumango sya habang tumingin dito.
"Nauunawaan ko po mahal na Hari at handa akong dumaan sa parusang kakaharapin ko."
Magalang na sagot ko, pero sa loob loob ko gusto ko ng umalis.
Kakabalik ko palang sa lupa at ito ay mabilis akong pinatawag ng amang Hari sa kaharian.
"Alam mo kung gaano kapusok ang mga tao, diba? Alam mo rin kung ano ang dala nilang temptasyon sa iba at sa atin.."
Tumango ulit sya.
"Hahayaan kita gawing ang gusto mo sa lupa sa loob ng dalawang buwan, pero hindi ka pwedi magkaroon ng anumang koneksyon sa kanila. Pisikal man o emosyonal na koneksyon..kapag nangyari yun, saka mo mararanasan ang parusa mong hindi na makaka-akyat sa langit, higit sa lahat, mawawala ang lahat sayo. Ang trono, ang posisyon mo at ang kapangyarihan mo. Ayaw mo namang isakripisyo ang lahat ng nun para sa isang tao, diba? Isipin mo ang napagkasunduang kasal. Kapag hindi mangyayari yun, mawawasak ang ating kaharian at iba pang kaharian dito sa langit at alam mo naman siguro ang mamamayani dito kapag nangyari yun? Kasamaan..tandaan mo yan, mahal kong Prinsepe.."
Bilin sa kanya ng ama at ito'y umalis na.
Wala sa loob na bumato sya sa kalawakan para mawala ang sama ng loob nya.
"Kapag dumating yan sa lupa at may tinamaang bata..lagot ka?"
Birong banta sa kanya ng matalik nyang kaibigan na si Prinsipe San Gabriel.
Umupo ito sa tabi nya at tinapik sya sa balikat.
"Kainis lang kasi.."
Hinaing ko.
"San ka naiinis kaibigan? Sa pagiging Prinsepe mo? o sa pagiging anghel mo?"
"Pwedi both?"
Napakono't ang noo nito sa kanyang sinabi.
"Ang dami mo na talagang natutunan sa lupa kaibigan. Gaano ba kasaya duon?"
"Hindi mo na kailangang malaman kaibigan, baka mainggit ka at pumunta din sa lupa. Maging katulad mo pa ako...bakit kasi hindi nalang ikaw ang magpakasal.."
Maktol ko dito.
Ngumiti ito na parang tuwang-tuwa sa kanyang sinabi.
"Kung pwedi lang kaibigan, pero hindi ko pa oras para lumagay sa tahimik.."
"Lumagay sa tahimik nga ba o lumagay sa stress?"
Kumot naman ang noo nito.
"Never mind.."
Sagot nya kalaunan.
"Kayo nalang kaya ng mahal kong kapatid ang magpakasal..eh, patay na patay naman yun sayo.."
Napangiwi naman ito sa kanyang sinabi.
Alam nyang masyado itong nakukulitan sa kapatid, plus ang babaeng papakasalan nya ang mahal nito.
"Mamatay na muna ako mahal na kaibigan bago mangyari yun. Alam mong nakakabatang kapatid lang ang turing ko sa Prinsesa.."
Napa-buntong hininga na naman sya.
"Wala na nga akong choice nito, paano mahal na kaibigan..alis na muna ako."
Paalam ko dito at mabilis na bumalik sa lupa.
Wala akong ginawa ng araw na yun kundi ang mag-isip at mag-isip sa kwarto ko. Ni hindi ako lumabas para kumain.
Ang hirap mag-isip ng paraan para iwasan ang babae lalo na at magkasama sila sa bahay at trabaho.
Ayaw nya naman itong paalisin sa condo nya dahil wala naman itong ibang mapuntahan, plus nangako sya dito na dadalhin nya mga anak nya dito.
Yun pa pala ang kailangan nyang gawin. Ang isakatuparan ang pinangako nya dito.
Bilang isang anghel ay labag sa kanilang loob ang hindi isakatuparan ang isang pangako.
Kaya kahit nahihirapan man sya sa pakikitungo sa babae ay tinupad nya ang lahat ng pinangako nya.
Naging cold sya dito at mas ginusto nalang nyang mag-stay sa kwarto nya, bumababa lang sya hating-gabi para kumain at kapag sa opisina naman ay marami syang inuutos dito para ma-divert nya ang kanyang sarili na hindi ma-tempt na kausapin ito.
Minsan naaawa narin sya dahil anong oras na ito nakakakain sa dami ng utos nya gaya ngayon.
Alam nyang pagod ito at gutom.
Kakasimula palang itong kumain ng mag ihabilin sya.
Aalis na sana sya pagkatapos nun ng maisipang magtago sa isang tabi at pagmasdan itong nagmamaktol.
Natawa sya pero pinipigilan nya lang.
Napapa-iling syang aalis na sana na may ibang tao pa palang nandun.
"Oy? boss nakita ko yun.."
May mapaglarong ngiti na wika ng kanyang receptionist na si Heaven.
"Ssshhhh.."
Pag-papatahimik ko dito baka marinig ito nit Treshia..sabay hila nito sa braso papuntang lift.
"Kahit kaylan talaga napaka-chismosa mo Heaven..gusto mo nabang mawalan ng trabaho huh?"
Pagbabanta nya dito.
"Naku..po sir, hehhehe..wag naman po."
Naiilang nitong hingi ng paumanhin.
"Kung ganun...itikom mo yang bibig mo. Siguraduhin mong walang lalabas na ano na salita dyan, tungkol sa nakita mo kanina.."
"Yes po..boss promise.."
Sabay peace sign nito.
"Pero boss, bakit po ba kayo nagtatago kanina? Nag e-stalk po ba kayo kay Treshia? saka bakit ang cold ng pakikitungo mo sa kany---"
Tiningnan ko ito ng masama.
"Isang pa salita na lalabas sa bunganga mo...mawawalan kana talaga ng trabaho.."
Banta ko at nauna ng lumabas ng elevator.
Inayos ko ang sarili at nauna ng bumalik ng condo..
Dumaan muna ako sa department store ng may maalala.
"Hey, kids? want some snaks?"
Bungad nya sa dalawang bata na nanonood ng TV.
"Yes, tito..si nanay po, wala pa?"
Wika ni Trexy.
Napangiti sya ng tipid at lumapit dito..
"Maya-maya, nandito na sya..meryenda muna tayo? Nag-lunch naba kayo?"
"Opo, tito.."
Sagot naman ni Kiven..
"Very good, snacks tayo habang nanonood. Ano game?"
Masaya nyang wika sa dalawa..
"Yes po.."
Mabilis na sagot ng dalawa.
Hindi nya alam pero malapit ang loob nya sa dalawa.
Siguro dahil malalapit lang talaga ang loob ng mga anghel sa mga bata.