Treshia Marie POV
"Wow nay! ang ganda naman dito parang mansyon..."
Namamanghang sigaw ng panganay nyang anak na si Trexy. Sampung taong gulang na ito.
"Oo nga nay..sigurado po ba kayong dito kami tutuloy?"
Sang-ayon ng bunso nyang anak na si Kevin. Pitong taong gulang.
Yan din ang tanong ko mga anak. Hanggang kaylan tayo mag-stay dito..
Kausap nya sa sarili.
Sa mga nagdaan kasi na buwan ay para syang hangin na dinadaanan lang ng boss nya sa bahay.
Kung cold ang hangin..ito parang yelo na mas malamig pa sa freezer ng refrigerator nila.
Simula ng makabalik ito mula sa mahigit tatlong linggo nitong bakasyon ay marami ang nag-iba dito.
Pananalita nito. Pakikitungo sa kanya at higit sa lahat ang weird nito sobra pa sa babae na may regla magka-tantrums.
Sa loob ng isang buwan ay tinupad nito ang pinangako sa kanya na tutulungan sya sa annulment nya.
At wala pang isang linggo ay mabilis na lumabas ang resulta. Hindi na sya magtaka dahil mayaman ito, ibig sabihin maraming pera..mapapadali lahat ng bagay basta pera na ang katapat.
Yes, malaya na sya ngayon. Single na ulit ang status nya. Single mom to be exact at tinupad din nito ang sinabi nitong dalhin sa Manila ang dalawa nyang anak kahit ilang beses nyang tinanggihan ito.
Sa totoo lang sa dami ng utang nya dito ay alam nyang hindi na nya mabilang kahit anong formula pa ang gawin nya, mahirap ma-solve yun.
Ganun kasakit ang ulo nya isipin, basta utang na pinag-usapan.
Pero kahit tinupad nito ang pagtulong sa kanya ni anong emosyon ay walang mababakas dito. Isang araw nga gusto na nya maglakas ng loob na tanungin ito kaso umiiwas naman ito.
"Hanggang sa mabayaran siguro natin ang utang natin mga anak..pero kapag pinaalis na tayo ng may-ari kailangan na nating umalis. Sa ngayon masaya ako dahil magkakasama na tayo."
Sagot ko sa tanong ng dalawa.
"Oo nga po nay..sobrang saya din namin. Dito narin po ba kami mag-aaral sa sunod na pasukan?"
Halos nagsabay pa ang dalawa na sabihin yun.
Biglang nawala ang ngiti nya.
Oo nga pala, kailangan nya pag-ipunan at paghandaan ang pag-aaral ng mga anak nya sa sunod na pasukan. May 2 months pa naman.
"Hay?"
Tanging buntong hininga nalang ang nasagot nya.
"Pakainin mo muna ang mga bata Treshia..i cook spaghetti cause i know they're hungry.."
Biglang dating ng boss nya.
Nagulat pa sya ng slight dun.
Yun na ata ang pinaka-mahabang nasabi nito sa nakalipas na buwan.
Bahagyang nakangiti pa ito pero ng sundan nya ng tingin ang mga mata nito ay nakatingin ito sa mga bata.
Kahiya ka Treshia..feeling mo sayo nakangiti noh?
Napakamot nalang sya sa ulo habang niyaya ang mga bata sa loob.
Sinabihan nya muna ang mga ito na magbihis, pagkatapos ay sabay na silang pumunta ng kusina.
Napa-wow sya sa nakikitang pagkain.
Para kasi yung welcome party..pero sorry nalang sya dahil hindi para sa kanya yun kundi para sa mga bata.
"Wow nay! ang daming pagkain.."
Masiglang wika ni Trexy ng nilingon sya.
"Oo nga nay..may spaghetti..pizza, salad at juice pa.."
Sigunda naman ni Kevin.
Napangiwi naman syang sasagot na sana sa mga bata ng maunahan na naman ng amo nyang may mood swing na..weird pa.
"Upo na kayo kids and let's eat.."
Anyaya nito sa mga anak nya.
Feeling nya eh...feeling din nito maging ama.
"Wow! tito ang sarap po ng mga foods..kayo po ba ang nagluto lahat ng ito?"
Biglang wika ng anak nyang babae habang may nakasapak pa sa bunganga nito ng pizza.
Susuwayin na sana nya ito sa sinabi nito ng palagi nalang sya nauunahan ng lalaki.
Ngumiti ito pagkatapos ay tumango.
Nabigla sya sa sunod nitong ginawa.
Kumuha ito ng tissue at pinunasan ang bibig ng anak ng may nagkalat pa na sauce.
"Did you enjoy it? Masarap ba?"
Nakangiti parin nitong wika.
"Opo sir..ang galing nyo palang magluto.."
Sagot naman ng anak nyang lalaki.
Ngumiti din ito dito sabay himas ng ulo.
"Mga anak..wag nyo tawagin na tito o sir..si boss..ahm--"
"Anything you like na itawag nyo sa akin no problem..kahit Samson, there's no issue with me..I'm glad that you like the food kids. Paano una na ako may gagawin pa kasi ako. Nice meeting you Trexy and Kevin.."
Putol nito sa kanya habang hindi manlang sya nito tinitingnan.
Ano kaya ang problema ng lalaking to? Napaka-distant naman yata sa kanya...ah, baka ayaw lang siguro nyang magselos ang fiance nito..yun nga siguro, eh? bakit hindi parin sila pinapaalis kung ganun? Ah..basta ang gulo. Yun na yun..
Kausap nya sa sarili.
"Nay? Hello? nasa earth ka po ba?"
Gising sa kanya ng anak nyang babae habang winawagayway sa harapan nya ang kamay nito.
Napatulala na pala sya.
"Ah..eh, ano yun Trexy?"
Utal-utal kong sagot.
"Sabi ko po..tapos na kaming kumain. Tulog po muna kami kasi pagod po kami sa byahe ni Kevin.."
"Okay.."
Yun lang nasagot nya at niligpit na ang lamesa. Ang ibang pagkain ay nilagay nya sa ref ang iba ay tinakpan nalang nya sa mesa at naghugas ng pinagkainan nila.
After that day, ni anino ng lalaki ay hindi nya nakita sa lumipas na linggo sa bahay.
Oo pumapasok ito pero tanging trabaho lang.
Utos dito..utos dyan. Punta dito..punta dyan. Ang ending laging late ang lunch nya.
"Oh..hanggang kaylan yang MU nyo ni boss, huh? Treshia..magkaka-ulcer ka nyan..batiin muna kasi.."
Sigunda pa sa stress nyang utak ni Heaven.
"Alam mo ikaw? tapos kana rin naman kumain..eh, kung bumalik kana kaya sa reception kung ayaw mong ma MU..Mawalan ng Utak, kung ayaw mo akong tantanan. Dumadagdag kapa sa problema ko eh..ang dami ko na ngang utang naiisipin, dinadagdagan mo pa sa walang kwenta mong chismis.."
"Ito naman highblood agad. Gutom lang yan..kumain ka muna huh? i will be back.."
Napairap nalang sya dito.
Sarap kasi nitong ulamin..pero joke lang, never in her wildest dream.
"Treshia..after mong kumain you send the folder on your table sa, Hr team, okay? Aalis na ako, send it immediately and don't forget it. It's important files."
Dating naman ng boss nya at mabilis ding umalis.
"Bwesit naman na buhay 'to oh? Kaka-umpisa ko pa ngalang kumain na walan na ako ng gana...ito ba ang kapalit ng pagtulong nya? If i know may payakap-yakap kapa ng gabing yun, tapos...tapos, ito..hay? ang labo mo na ang weird mo pa.."
Kausap nya sa sarili na naisatinig nya pala.
Ang ending napalingon-lingon sya sa paligid baka kasi hindi pa nakaalis ang amo nya.
Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan nya ng wala syang makita sa paligid.
Pero yun ang akala nya.
Napa-iling iling nalang ang taong to at umalis na.