Kanina pa ako nakatitig sa kawalan habang nakahiga. Nakapatong ang isang braso ko sa noo ko. Hindi ko maiwasan ang mapangiti. Ramdam ko ang kilig na namumuo sa katawan ko. Kung paano ko mahalikan ng maalab ang dalaga. Ang napakalambot nitong labi na kay sarap halikan. Ang mabangong hininga nito na nakakawala sa katinuan ko. Kung paano masakop ng dalawang bisig ko ang buong katawan nito at makita ng malapitan ang makinis nitong pangangatawan na lihim kong ikinalulunok. Ang kagandahan ng alindog nito na talaga namang nagpa-init sa buong katawan ko. Lalo na ang makita ang pisngi ng yayamanin nitong dibdib! Kulang na lang hawakan ko iyon at lamasin ng may pangigigil at sakmalin ng labi ko. Hindi ko mabilang kung ilang beses bang nagtaas baba ang adams apple ko sa alindog ng dalaga.

