Napangiti ako ng buong tamis habang nakatitig sa malaking salamin na nasa harapan ko. Tinuwid ko ang mahabang buhok ko na halos umabot na ng puwetan. Nagmukha talaga akong Amerikana dahil sa kulay ng buhok ko. Light golden yellow na lalong nagpalabas ng kaputian ko. Lalong umaliwalas ang mukha ko. Sinuot ko rin ang contact lens ko. Nakagat ko ang ibabang labi ko. Sa isiping ma-iinlove ang bodyguard ko sa bagong look ko, kinikilig na ako. Ito rin ang kauna-unang nagsuot ako ng fitted long dress na umabot sa paa. Tinernuhan ko ng 6inch na high heels. Bakat na bakat ang coca cola body ko. Namula ang mukha ko ng makita ang maumbok kong puwetan. Bilog na bilog ito lalo sa suot ko. Baka mabadtrip na naman ang matandang iyon sa suot ko.. Lihim akong napanguso. Bumilis ang t***k ng puso

