Episode 45 (Marnix POV)

1689 Words

"Alam mo na ang gagawin mo," wika ko kay Elias. "Yes, boss." Umiigting ang panga ko habang isinusuot ang itim na jacket. Isinuot ko rin ang relo. Isinukbit ko ang dalawang baril sa magkabilaan at huling isinuot ang mask na itim at sumbrerong itim. Hindi mawala-wala ang matinding galit ko habang naaalala ang matinding paghihirap ng nobya ko. Ang namamaga nitong mga mata na para bang pagod na pagod na. Ang pinakamasakit, ang makita ang hinanakit sa mga mata nito habang nakatingin sa akin. Ang mga tanong at kalituhan. Ang pagkagulat nito at ang sakit na dumaloy sa mga mata nito. Alam kong nagulat ito ng makita akong kasama ng mga sindikato. Pero hindi iyon ang tamang oras upang magpakita ako ng kakaibang emosyon dito. Kailangan ko itong tiisin kahit pa gusto ko nang pagbabarilin ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD