Galit na galit ang mukha ni Zekiel pagkarating sa lumang building. Sinadya ng mga assassin's na may buhayin sa mga tauhan nito. Kasama na roon ang ilang agent. Ngunit lahat sila may tama. Kailangan upang huwag maghinala ang lalake. Namumula ang mukha nitong binunot ang baril. Itinutok sa isang tauhan nito na pinagkakatiwalaan. "B-boss.." nanginginig na bigkas nito. May tama na ito sa tagiliran. "Paanong napasok kayo ng mga kalaban? Sandamakmak kayo rito!" bulyaw nito. Pansin ko ang paglunok ng tauhan nito. Pawisan ang itsura nito habang hinahawakan ang tagiliran. "M-mga assassin's sila boss. Ang dami nil--" Hindi nito natapos ang sasabihin ng paputukan ito bigla sa ulo. Bigla nitong ibinato ang baril habang nakasabunot sa ulo. Pabalik-balik nitong naglalakad. "Malalagot

