Hindi akalain ni Miyaka na aabot siya sa ganoong kahirap na trahedya, ang mawala ang kaniyang mga magulang. Tatlong araw nang nakaburol ang kaniyang mga magulang. Nalaman nito ang katotohanang bago sila namatay ay naibenta ng mga ito ang kanilang ari-arian sa pamilyang Lohmeyer. Baun na baon sila sa utang at walang natira ni piso kay Miyaka. Ayaw siyang tanggapin ng kaniyang mga kamag-anak dahil pabigat lang daw ito sa kanila. Lumipas ang dalawang araw ay nalibing na ang kaniyang mga magulang. Ang tanging inaasahan niyang maging sandalan ay bigla na lang itong hindi nagpakita. Pilit na kino-contact ni Miyaka ang numero ni Keiner subalit hindi na niya ito matawagan. Ilang araw pa ang lumipas pumasok ito sa kanilang paaralan at nakita nito ang kaniyang boyfriend.
"B-babe..." Tawag ni Miyaka kay Kei.
Lumingon si Kei sa kaniya subalit tila hindi niya ito kakilala. May bagong kasamang babae si Kei at inakbayan niya ito. Inisip ng dalaga na baka kaibigan niya lang ni Kei iyon. Dumating din si Julie at kinausap niya si Miyaka. Niyakap nito ang kaniyang kaibigan at nagpaalam na ito dahil pupunta na siya sa Amerika.
"P-Paano na ako?" Umiiyak na saad ni Miyaka kay Julie.
"Babalik din ako agad, kaya lang medyo matagal pa iyon. Lagi kitang susulatan o magme-message na lang ako social media," umiiyak na tugon naman nito kay Miyaka.
Kinabukasan ay tuluyan na ngang umalis si Julie sa bansang Pilipinas. Kinausap na ni Keiner si Miyaka.
"Let's break up---" wika ni Kei sa kaniya.
"W-Why?" Pagtatakang tanong ni Miyaka kay Keiner.
"Tapos na ang plano ko, sorry---" nakayukong tugon ni Kei sa kaniya.
Naintindihan na lahat ni Miyaka at hindi niya maiwasang sampalin si Keiner.
"Ginamit mo lang pala ako para makuha mo ang lahat. Ang sakit, Kei! Sobrang saakkiittt! Bakit mo nagawa sa akin ito!!!" Sumisigaw at umiiyak na saad ni Miyaka sa kaniya.
"Hindi kita mahal, Miyaka! Oo, ginamit lang kita for money at sa kumpanya ni'yo! Hindi na kita kailangan dahil wala ka ng pera. Wala na ang lahat sa iyo, wala ka na rin pakinabang sa akin. Please, lumayo ka na at tumigil ka na!" Pagalit na saad ni Keiner sa kaniya.
Hindi makahinga si Miyaka dahil sa kaniyang narinig mula sa bibig ni Keiner. Natulala ito at umalis na ito sa harapan niya. Napaupo si Miyaka sa lupa at nagsimula nang umiyak nang umiyak. Hindi siya natiis ni Keiner at naaawa siya sa kaniya dahil wala siyang bahay na matutuluyan. Nakikita niya kasi ito na pumupuslit lang siya upang matulog sa classroom at naliligo sa c.r ng paaralan.
"I know you just sleep at school. I know everything, Miyaka. I feel sorry for what I and my daddy did to you. Even without us, you are still a part of my life. I will take you to our mansion but you will serve me and my family," seryosong saad ni Keiner sa kaniya.
Pumayag na si Miyaka na manilbihan sa mga pamilyang Lohmeyer. Pinag-aral din naman siya ni Keiner upang maging maganda ang buhay niya balang-araw. Nagsumikap ito kahit wala na silang relasyon ni Kei. Nagkaroon naman ng bagong kasintahan si Kei. Isang napakayamang dalaga na kaklasi ng binata, siya ay si Andrea. Nagseselos man si Miyaka subalit alam naman nitong wala siyang magagawa. Nakikita niya mismo sa kaniyang dalawang mata kung paano sila maglambingan at maghalikan.
"Your maid is crying---" pagtatakang saad ni Andrea kay Kei.
Nakita ni Keiner na umiiyak si Miyaka at lumayo na lang ito sa kanila. Pinag-serve niya ng juice ang dalawa at pagkaalis ni Andrea kaagaran niyang pinuntahan si Miyaka.
"Hey!" Pagalit na tawag ni Kei sa kaniya.
Humarap si Miyaka sa kaniya at dinuru-duruan.
"Do you know what you did earlier? huh, Miyaka! When Andrea breaks up with me it's all your fault! You are just a maid here in my mansion and you have no right to fall in love with me!" Pagbabanta ni Kei sa kaniya.
Tumalikod sa kaniya si Miyaka at biglang hinila siya ni Keiner. Kinaladkad niya ito sa kaniyang kuwarto at itinulak niya ito sa kama niya.
"You are only my s*x slave! Nahihiya akong ipangalandakan na naging ex-girlfriend kita. You are loser, Miyaka!" Pagalit na saad ni Keiner sa kaniya.
Hinalikan niya si Miyaka nang napakapusok sa kaniyang labi. Pilit niyang itinutulak ng dalaga ang binata.
"T-tama na.. Kei.. nakikiusap po ako!" Umiiyak na wika ni Miyaka sa kaniya.
"Your body is mine, Miyaka!" Pagalit na saad nito.
Pilit na lumaban ni Miyaka at nagawa niyang itulak ito nang napakalakas. Aminado siyang kahit wala na sila ay naaabuso pa rin ang katawan nito. Nakatakbo si Miyaka at pumunta siya sa silid ng mga maids. Nagtataka ang kaniyang mga kasamahang maid kung bakit walang tigil ang kaniyang pag-iyak. Narinig nila si Keiner na sumisigaw.
"DAMN YOU, MIYAKA! F*CK!" pagmumura nito.
Hindi nito maintindihan kung bakit nagagawa siyang saktan ni Keiner. Tinanggap na nito na wala na silang relasyon kahit sobrang sakit ng kaniyang narararamdaman. Naligo ang dalaga at biglang pumasok si Keiner na kung saan naliligo siya.
"S-Señorito... K-Kei..." Nanginginig na saad ni Miyaka.
Bigla siyang hinalikan sa labi at nang manlaban si Miyaka, bigla siyang tinutukan ng kutsilyo ni Kei.
"Marunong ka na pa lang lumaban ngayon, hindi kita paaalisin dito kung tutupad ka sa gusto ko!" Pagbabanta ni Keiner sa kaniya.
"Bakit mo ginagawa ito sa akin, Kei? Wala naman akong ginawa sa iyo, tinanggap ko na ang break- up natin. Tinanggap ko ang lahat kahit masakit at kahit alam mong mahal pa kita---" umiiyak na wika ni Miyaka sa kaniya.
Nabigla si Kei sa isinaad ni Miyaka. Alam nitong ni minsan ay hindi siya nagalit kahit sinaktan na niya ang damdamin niya. Itinulak niya si Miyaka at napasandal sa pader ang dalaga at saka na umalis si Keiner. Magmula noong itinanong ni Miyaka sa kaniya iyon, hindi na muli silang nag-usap dalawa. Subalit nanatili pa rin ang dalaga sa kanilang mansion. Upang may makain at matirhan ang dalaga, nagsisilbi pa rin siya sa pamilyang Lohmeyer. Isang araw ay nagka-party sa mansion ng mga Lohmeyer at kaarawan ni Keiner. Maraming bisita ang dumalo, kabilang na ang kaniyang girlfriend na si Andrea. Biglang lumapit si Andrea kay Keiner.
"Is it true, love?" Pagalit na tanong ni Andrea kay Keiner.
"What?" Pagtatakang tanong naman nito.
"Your maid is your ex-girlfriend? Totoo ba iyon?"
"Kanino mo naman nalaman iyan, Drea?"
Ang inaakala ni Keiner ay sinabi ni Miyaka ang tungkol sa kanila. Tumalim ang tingin nito kay Miyaka at labis naman ang pagtataka ng dalaga.
"Forget it, sana hindi na lang totoo love!" At saka na umalis si Andrea sa party.
Nilapitan niya si Miyaka at kinaladkad niya ito papunta sa likod ng mansion.
"Ikaw ba ang nagsabing may relasyon tayo noon kay Andrea?!!" Pagalit na tanong nito kay Miyaka.
"H-hindi man po ako ang n-nagsabi. W-wala po akong sinabi kay señorita, Andrea," nanginginig na tugon nito kay Kei.
"Alam mo bang ikinahihiya kong naging tayo! Ikinahihiya kita at puwede ba, huwag mong ipagkalat na naging tayo. Kung nalaman ko man na ikaw ang nagsabi sa kaniya, paaalisin kita sa mansion!"
Hindi na sumagot pa si Miyaka at bumalik siya sa pagtatrabaho. Habang naghuhugas siya ng plato, tumutulo na lamang ang kaniyang luha. Kinabukasan ay pumasok na sila ng paaralan at kasama niya si Keiner. Pinagmamasdan naman siya ni Keiner at laging nakatingin sa katawan niya pero hindi na sila muling nag-s*x pa. Habang nakasakay sila sa kotse, hinihimas ni Kei ang hita ni Miyaka. Hininto naman ng binata ang kaniyang sasakyan sa gilid ng kalsada. Ibinigay muli ni Miyaka ang sarili nito sa kaniya upang hindi siya mapalayas sa mansion. Nang makarating sila sa paaralan, may bagong estudyante ang dumating. Kaklasi ito ni Keiner at may galing siya sa bansang Japan. Siya ay si Ryouga Menma at galing siya sa mayamang pamilya. Hindi niya masyadong kasundo si Kei dahil parehas silang matalino sa paaralan.