Chapter 4: Keiner's Obsessions

880 Words
Keiner's POV Nagkamali ako ang akala ko ay si Miyaka ang nagsabi kay Andrea na ex-girlfriend ko siya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit napakabigat ng dugo ko sa ex-girlfriend ko. She is very weak at hindi siya marunong lumaban. Kahit sa school ay tanga pa rin siya. She is beautiful but her brain is very small and empty. Ako na ang nagpapaaral sa kaniya pero may presyo ang lahat ng pagtulong ko sa kaniya. Walang gustong tumanggap sa kaniya at pati na rin ang mga kamag-anak niya ay sinusuka siya. I claimed her body na parang sa akin na siya. Although may nangyayari sa amin ni Andrea pero mas madalas kong ginagalaw si Miyaka. Minsan inaaya ako ni Andrea na makipag-s*x pero nilalayuan ko na lang siya. Mayroong akong naging bagong kaklasi, siya ay si Ryouga. His family is the owner of Menma Motors. Mayaman din sila at alam kong matalino siya kaysa sa'kin. Natalo niya ako sa chess competition at parang hindi ko matanggap iyon. Kinakaibigan niya ako pero hindi ko siya pinapansin. "I think you are very popular in this school," nakangiting wika ni Ryouga sa akin. Hindi ko siya inimikan at nakita niyang kasama ko si Miyaka. "Is this your girlfriend?" Tanong niya muli sa'kin. "No, she is our maid---" seryoso kong sagot sa kaniya. Hindi niya pinansin ang sagot ko at bigla niyang kinausap si Miyaka. "Hi, ako nga pala si Ryouga Agustin Menma. Half Japanese Filipino," pagpapakilala niya kay Miyaka. Tumingin lang si Miyaka sa kaniya at yumuko na lang ito. Habang nasa sasakyan kami ni Miyaka hindi kami nag-iimikan. Pero sinabi ko sa kaniya na susunduin ko si Andrea kung saan siya nagtransper ng school. "Heto ang pamasahe at mag-taxi ka na lang pauwi ng mansion, susunduin ko si Andrea," saad ko. Tumango na lang ito at bumaba siya sa kotse ko. Nang bumaba ito tiningnan ko siyang papalayo. Napansin kong madalas na siyang hindi kumikibo at laging nagugulat. Kinabukasan ay pumasok na kami sa eskuwelahan at hinihintay pala siya ni Ryouga sa gate ng school namin. Lumipas pa ang apat na linggo at lagi silang magkasama. Napapansin kong biglang sumaya si Miyaka. Hindi ko maintindihan sa sarili ko kung nagseselos ba ako o nagagalit. Isang araw ay naisipan kong pumunta sa likod ng eskuwelahan namin para manigarilyo. Naririnig ko sila habang nag-uusap. "You know, I like you so much. Kailan mo ba ako sasagutin?" Tanong ni Ryouga sa kaniya. Pero alam kong wala siyang kinikuwento tungkol sa amin. Hindi makatingin si Miyaka sa mga mata ni Ryouga at yumuko na lang ito. "Hindi naman po ako nararapat sa iyo, Ryouga---" sagot niya. Bigla niyang hinalikan si Miyaka sa kaniyang mga labi habang nakahawak ang kaniyang mga palad sa magkabila niyang pisngi. "Tanggap kita kahit ano ka pa, Miyaka. Ngayon lang ako sumaya ng ganito," naluluhang wika nito sa kaniya. Ngumiti si Miyaka sa kaniyang harapan at niyakap niya ito. "So it means, we are----" masayang saad ni Ryouga. Tumango si Miyaka at naghalikan sila. Halos tumalon siya sa tuwa dahil sinagot na siya ni Miyaka. "I promise, magiging maligaya ka sa'kin!" Saad niya. Pagkatapos ng lunch break bigla akong nag-text kay Miyaka na hihintayin niya ako sa classroom nila. Pinaghintay ko siya roon hanggang umalis na lahat ng kaklasi namin at lahat ng mag-aaral sa paaralan. Nauna na rin umalis si Ryouga dahil hindi na siya mahintay. Pumasok ako sa classroom nila at ikinandado ko ang pinto. "Are you happy?" Sarkastiko kong tanong sa kaniya. Nakita ko siyang nakangiti habang ginagamit nito ang cellphone niya. Nilapitan ko ito at bigla kong kinuha ang cellphone niya at ibinato ko sa pader. Nagulat siya sa aking ginawa. Nagsimula na siyang umiyak at paatras nang paatras siya at ako naman ay palapit nang palapit ang hakbang ko sa kaniya. Hinila ko ang kaniyang braso at hinalikan siya nang napakarahas. "A-ayoko na señorito Kei!" Umiiyak na wika niya sa akin. "Ayaw mo na dahil may nakakalandian ka na! Ganoon ba Miyaka! Alam kong kayo na ni Ryouga!" Sumisigaw na pagalit na wika ko sa kaniya. "B-Bitawan mo ako señorito Kei!" Binitiwan ko ang braso niya at saka napaupo sa upuan. Napaiyak siya at nakiusap siya sa akin na huwag ko siyang pakialaman. Hinawakan ko nang napakahigpit ang braso niya at hinila ko siya patungo sa kotse ko. "Mag-usap tayo sa mansion!" pagalit na saad ko sa kaniya. Patuloy siya sa pag-iyak at nang makarating kami sa mansion, itinulak ko siya sa kama ko. "May iniutos ba akong makipagrelasyon ka sa kaniya? huh? Miyaka?!" pagalit na saad ko sa kaniya. Hindi siya makapagsalita at patuloy siya sa pag-iyak. Nanginginig siya dahil sa sobrang kaba at lumuhod siya sa harapan ko. "Gusto ko pong mag-aral sir Kei, please huwag ni'yo pong ipagkait ang lahat sa akin!" umiiyak na saad niya sa akin. "No! simula ngayon, hindi ka na makakapag-aral and I will make sure, na hindi na kayo magkikita ni Ryouga!" Binitbit ko ang braso niya at ikinulong ko siya sa bakanteng room ko. "Magmula ngayon, hindi ka na makakatuntong sa paaralan. Napakalandi mo, Miyaka!" Iyak siya nang iyak pero wala akong pakialam sa nararamdaman niya. Kinabukasan ay itinanong siya ni Ryouga sa akin subalit nagsinungaling akong umalis na siya sa mansion namin. End of POV
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD