Untitled
(Nay ako napo diyan ng magising si Cherry at nakita ang kaniyang ina na nagluluto ng almusal nila )
alam niyo naman pong bago palang kayo gumagaling pero heto kayo at ke aga aga ay kumikilos na kayo diba sabi ko naman sa inyo na magpahinga at mag pagaling muna kayo gusto niyo bang magkasakit ulit nay
hindi ko naman anak kasi kaya na hihiga nalang ako tapos kayo ay nakikita kung panay ang trabaho ng tatay mo ..
mahal pabayaan muna kame ni che muna ang mag asikaso at mag trabaho mahina kapa kaya makinig kana sa amin ng anak mo baka makasama pa sayo at mabinat ka
oo nga nay tama si tatay ang gawin mo ngayon muna ay magpahinga kame muna ni tatay ang bahala diba tay sabay tingin ko kay tatay
oh anak saan ba ang lakad mo ngayon sabay na tayong umalis at si bryan muna ang bahala sa nanay mo para magbantay
ako po e may lakad po kame ni penny sa bayan titingin po kame baka may pwedeng mapasukan na kahit anong trabaho po para maka tulong po ako sa inyo ni nanay
naku che alam mo naman na hindi kita pinipilit kung ayaw mo basta mag iingat kayo sa pag punta sa bayan alam mo naman na nagkalat na ang mga masasamang tao ngayon siya gisingin muna ang kapatid mo sabay sabay na tayo kumain ako na ang titingin diyan
nay bakit ka umiiyak ng tumingin siya sa nanay nanayan niya
wala naman anak nag papasalamat at masaya lang ako na kahit hindi mo kame tunay na pamilya ay mahal na mahal mo kame
nay naman ako nga po ang dapat magpasalamat sa inyo ni tatay at bryan eh na kahit hindi niyo ako tunay na anak ay pinaramdam niyo sa akin na anak niyo talaga ako wag na kayo umiyak aga aga eh naiyak kayo tatawagin kona po si bryan para maka kain na tayo .
bryan gising na kakain na tayo
gising napo ako ate che
halika na ikaw ang mag babantay kay nanay ngayon pupunta kame ni penny sa bayan para mag hanap ng trabaho kaya ikaw ang maiiwan kay nanay ha
sige ate ako na bahala kay nanay
nga pala ate sa isang araw nay babayadan ako sa school na project nahihiya naman ako kay tatay mag sabi
cge na ako na bahala ha
nay aalis napo kame ni tatay si bryan muna ang mag babantay sa inyo ha wag niyo kalimutan ang gamot niyo alis napo ako
bryan alis naku ha si nanay bantayan mo
ano ka ba anak ginawa mo naman akong lumpo para pabantayan sa kapatid mo panenermon sa kanya ng nanay niya siya sige na at baka tanghaliin kayo sa lakad niyo mag iingat kayo
tay sa kanto nalang po ako duon kasi ang usapan namen ni penny na mag kikita baka nandun nadin un dahil napag planuhan namen na maaga lalakad ingat kayo sa mamaneho tay
sige anak ingat kayo sa lakad niyo ni penny
habang nag aantay si Cherry sa matalik niyang kaibigan ay umupo muna siya sa waiting shed saktong daan naman ng kaibigan niya ding ai Mark
aba ang aga Che ah saan ang lakad mo niyan
ah mag hahanap ng trabaho sa bayan kasama ko si Penny alam muna nagkasakit si nanay kaya bawal na siya mag trabaho gusto kung tulungan si tatay madaming gastusin lalo na at si bryan ay highschool na
ah ganon ba kumusta naman si Aleng Mayeth ngayon
ayon mabuti buti naman na pero kelangan parin niya uminom ng mga nereseta ng doktor sa kanya upang gumaling ng husto si bryan ang kasama ni nanay ngayon
sige papasyal din ako sa inyo mamaya para madalaw ang nanay mo
ayan na pala si Penny eh
Che kanina kapa pasensya na ha medyo natagalan ako
ano kaba okay lang ano tara na
Mark sige na alis na kame ni Penny
Mark ang aga mo naman ata manligaw kay Che pang aasar ni Penny sa kaibigan
panliligaw ka diyan napadaan lang ako at nakita ko siya kaya sinamahan kuna mag antay sayo ang tagal mo kasi dumating
biglang napakamot si Penny sa ulo sorry naman kung natagalan nag rereklamo ka eh d naman ikaw ang dapat mag antay sakin ano
naku tumigil na nga kayong dalawa ke aga aga nag babangayan nanaman kayo tara na Penny baka tanghaliin na tayo sige na mark una na kame ni Penny salamat sa pag sama sa pag aanatay
sige Che ingat kayo sa lakad niyo
Che pansin kulang ha ewan ko kung napansin mo din si Mark ba ay nanliligaw sayo ?
naku hindi naman siguro likas lang kay Mark ang palakaibigan bakit mo naman nasabi yan
wala naman nakita ko kasi iba ang mga galawan at mga tingin niya sayo kinikilig ako sayo friend
naku Penny alam mo naman na wala pa sa akin ang mga ganyang bagay alam mong mas importante sa akin ang makapag trabaho para maka tulong kay tatay sa gastusin ngayon
alam ko naman un Che akin Lang sana naman ay alagaan mo din yang sarili mo hindi yung lagi ka nalang ganyan ang dapat sayo maka tagpo ng mayaman na boylet para umangat ka ( biro ng kaibigan niya )
naku mayayaman pa ang hinangad mo mahirap abutin ang mga mayayaman ano kaba tiyaka malabo mangyari yun na mayaman mahuhulog sa mahirap
bakit ano naman kung mahirap tayo .
kahit naman mahirap tayo ay mabubuti tayong tao at hindi nanlalamang ng kapwa naten e sa mayayaman karamihan ay sila pa ung mga nanlalamang hindi ko naman nilalahat ha just saying lang naman
napatawa nalang ako sa kaibigan ko
si Penny ay kaibigan kona simula ng dumating ako dito sa caloocan sabi ng mga magulang ko ay 3 taon palang siguro ako ng makita nila ako sa tabi ng daan at dahil sa bata ako nuon ay wala akong maalala na kahit ano ang tanging alam kulang ay Cherry
ngunit isang malabong mukha ng babae ang minsan kung napapanaginipan hindi ko alam kung sino siya
tanggap ko kung sino ako at kung ano ako ngayon masaya na ako at kahit hindi nila ako tunay na kadugo ay itinuring nila akong tunay na anak