Maghapon kong inalagaan si Collins dahil ayaw ako nitong palabasin ng silid. Pumasok 'din naman si Tita kaya inalagaan ko na lang ito 'gaya nang utos. Mas naging komportable na akong kausapin siya ngayon dahil sa kabila ng inasta niya kahapon unti-unti ko nang nakikita ang ilang katangian nila Khiro sa kanya. Makulit corny at malambing. May ugali din siya'ng katulad ni Khiranz na may pagka-presko at mahilig buhatin ang sariling bangko. Nandito pa rin siya sa silid ko dahil may sinat pa ito at nagpapabebe ang kumag. Kain na Sir ng gumaling na kayo. Inalalayan ko itong umupo at isinandal sa headboard ng kama bago iniabot ang tray ng pagkain. Napasimangot ito at matiim akong tinitigan. Bakit ayaw mo na ba akong alagaan? Nakanguso ito na pinalungkot pa ang boses. Hindi naman po sa

