Loire Valley France. Okay baby fix your things i'll be there in an hours. Sige. Kabado ang dalaga habang hinihintay ang binatang susundo sa kanya. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa amo na kailangan na niya'ng umuwi ng Pinas dahil kailangan siya ng ex husband nito. Pabalik-balik ito ng lakad sa silid habang iniisip kung anong nangyari sa dating asawa. Habang lumilipas ang oras ay lalong nilulukob ito ng kaba at takot sa mga nangyayari. Hindi pa siya sigurado kung papayagan siya ng amo, pero isa lang ang sigurado ito. Uuwi siya ng Pinas para sa dating asawa, at walang makakapigil sa kanya kahit pa ang sumpunging amo niya. Ilang oras ang lumipas at naka idlip ito nang hindi namalayan. Napangiti ang amo nito ng silipin ang dalaga at mahimbing na itong natutulog sa silid. Mainga

