CHAPTER 76 TRISTAN's POV: SA PANGALANG, MIKO DELA CUESTA. Dyan ko itinago ang aking pagkatao nang mag-apply ako bilang bodyguard kila Annie. Pero bukod doon ay hindi lang pala pagiging bodyguard ang magiging trabaho ko. Gusto niyang manmanan ko nang palihim ang kilos ng pinsan niyang si Hazel. Hindi naman ako makatanggi dahil baka makahalata ang babae. Kaya maluwag kong tinanggap ang trabaho nang sa gano'n ay makatulong na rin ako kay Annie upang masolusyunan ang problema niya pagdating sa kanyang pinsan na hindi niya pinagkakatiwalaan ng lubos. I accepted the job to protect her also. Kapag nasa mansion na nila ako, makikita ko ang kilos ni Aeron. At magkakaroon ako ng pagkakataon na malinis ang pangalan ko sa mata ni Annie. "Ibang klase ka bossing! Parang santo ang dating mo ngayon

