CHAPTER 77 ANNIE's POV: "BODYGUARD? Para sa akin ang bodyguard na hinired mo kahapon?" Hindi makapaniwalang sambit ni Hazel habang nasa hapag-kainan kami at kumakain ng almusal. Tulog na tulog pa rin si Symon kaya nasa kwarto pa rin ito. Samantalang si Aeron naman ay nasa tabi ko. Kami lang na tatlo ngayon ang magkasalo na kumakain ng breakfast. Kaya hindi ko napigilan na sabihin kay Hazel ang pagdedesisyon ko na bigyan siya ng makakasama lagi sa bawat lakad na pupuntahan niya. Hindi lang kasi makampante ang dibdib ko. I smell something fishy about her. May masama akong kutob na dapat kong malaman sa babaeng ito. Alam kong may tinatago siya na dapat kong matuklasan. "Oo. Sa'yo nga Hazel. Para sa'yo ang bodyguard na hinired ko kahapon... Don't worry, I did that for your safety. Conce

