Isang Gabi habang nakahiga ako sa sarili ko'ng kwarto ay may sunod sunod na nag message sa Social Media Account ko, Nang tingnan ko kung sino ay sobrang pagtataka ang naramdaman ko
Nathan Dorino
Pagbasa ko sa pangalan nito, Nang tingnan ko Ang profile nito ay halos mapasinghap ako, Ang gwapo'ng binata na naka bangga ko noong nagdaang linggo at ang nag Chat saakin ngayon ay iisa!
“Hello Kim, It's me the guy who bumped into you last Sunday. . .” may nga Emoji pa itong Isinama...
Nagdadalawang isip ako na replayab ito, Kaya binasa ko lang lahat nang mga message niya sakin.
“I Saw your photo taking in an event, Wow your so gorgeous! I hope we'll meet again at church?”
“By The way Kim, I'm Nathan Dorino!”
Nathan Dorino? Pag ulit ko sa pangalan nito, Ano naman Kaya ang nais nito sakin? Napabalikwas ako nang bangon, Nang marinig ko ang boses Matinis na boses ni Marie, Labas masok na ito sa bahay dahil maging ito ay ka close na nila Mama at Papa, Hanggang sa mag derederetso ito sa kwarto ko, tinaasan ko ito nang kilay nang Makita ang hawak hawak nito, Pandesal na may palaman na pansit kanton
“Pupunta ka lang dito kapag nagugutom ka eh no?” Pabiro ko'ng Reklamo.
“Hoy! Inutusan ako ni Mommy pinadala nito kay tita Yung Cake!” Nakangusong turan nito habang walang tigil sa pag ngasab sa pagkain na hawak.
“Marie, You need to see this!” Eksaherada ako'ng tumalon sa sahig.
“Oh My!” Tili nito. “Nathan Dorino? Ang gwapo nang pangalan niya Girl!”
“Kaya nga pero di ko siya type!”
“Tanga! Replyan mo!” Bulyaw nito, Pilit ni Marie na inaagaw ang phone ko pero nagmamatigas ako.
“Ano ako? Easy to get? Tingnan mo Naman Ang itsura ko, Sa tingin mo magustuhan ako nang ganiyang ka gwapo na lalaki? Saka hello baka Nan ti-trip lang Yan!” Agad ko nang pinatay ang cellphone ko.
“Ang Arte mo! Hindi ka talaga mag kaka boyfriend kung ganiyan ka, kaarte Akala mo ang Ganda!” Asik ni Marie.
“Nasan Ang cake! Huwag na nga Muna nating pag usapan yung lalaki na yun! Nagugutom na ako pengeng cake!” Reklamo ko.
“Bumaba ka dun siyempre, Hindi yun aakyat mag Isa!”
“Pupunta ka lang dito kapag gusto mo'ng makikain eh!” Reklamo ko.
“Kim! Nasaan yung notes mo sa Stat? Pahiramin mo ako please, Exam na natin next week!” May nalalaman pa itong beautiful eyes.
“Wala ako'ng notes, Di ko na kailangan nang notes no!” Pinandilatan ako nang mata nito.
“Sobrang damot mo, Hindi kita bibilhan nang concert tickets nang paborito mo'ng oopa! Bwiset ka!” Bulyaw nito Saakin.
Nang narinig ko ang concert tickets ay agad ko'ng kinuha Ang bag ko at hinagis sa kaibigan ko...
“Fine nariyan, Hanapin mo para Naman kahit papaano nag effort Kang hanapin sa bag ko, Tandaan mo ang concert ticket ko ah, Dapat Vip gusto ko'ng makausap ang oppa ko!”
Biglang Humalakhak si Marie sa sinabi ko
“Ewan ko sa iyo Adik ka!” Reklamo saakin ni Marie, agad ko itong nilapitan Saka malakas na kiniliti Ang tagiliran nito. ..
Since grade school ay best friend ko na ito until now na college na kami at mag ka klase, Kaya lang Minsan sobrang tamad nito at saakin na inaasa ang lahat. ..
“Aray, Tama na!” malakas itong humahalakhak habang wala ako'ng tigil sa pangingiliti sakaniya, Maya Maya nang makawala ito sa pag kakahawak ko ay agad itong tumakbo pababa nang hagdanan, Na sinundan ko Naman ito pababa.
. Naabutan namin si Mama na masayang Nakikipag kwentuhan Kay Papa habang nag memeryenda Ang mga ito.
Nabaling Ang atensyon nang mga ito saamin ni Marie.
“Tita, Si Kim oh! Ang sakit na nang tagiliran ko nangingiliti!” Sigaw nito habang tumatakbo paikot kami sa dining table.
“Sinong adik ha! Adik ako?” Natatawa ko'ng turan habang hinahabol si Marie.
“Parang mga bata, Tumigil na nga kayo!” Saway saamin ni Mama, .
“Pustahan tayo tita Hindi na mag kaka jowa tong anak mo masyadong amazona eh!” Tumatawa pa ito habang walang tigil sa pang aasar.
“Marie Upo na sumabay na kayo saamin mag meryenda tayo, Anak Pakikuha nang soft drinks sa ref.” Utos saakin ni Mama... Tatawa tawa pa si Marie habang prenteng naka upo katabi ni Mama.
Napa iling iling nalang ako, At dumeretso na sa kusina para kunin ang soft drinks na nasa Ref.
Ilang minuto lang ako'ng nawala sa sala ay kung ano ano na ang kinekwento ni Marie sa Mama ko, Narinig ko pang binanggit nito ang pangalan na Nathan Dorino, Nakasimangot ako habang nilalapag ang soft drinks sa lamesa, Napansin ko'ng nakatitig na saakin si Papa nang masama pati narin si Mama, Hindi ko talaga maintindihan ang mga ito noong nakaraan ay Natutuwa Tapos ngayon ay animoy parang mga tigre na lalamunin ako sa Galit.
“Kim Carrel! Walang mag bo boyfriend hanggat Hindi pa nakaka Tapos nang kolehiyo naiintindihan mo? Focus on your study!” Ma otoridad na turan ni Papa.
“Nako naniwala Naman kayo Kay Marie, Pa!” Asik ko.
“Huwag mo'ng sisisihin si Marie, Mabuti nga at nalaman namin agad kung hindi baka kung ano ano na ang nangyayari sa iyo di mo manlang ipinapaalam saakin, Saamin nang Papa mo!” Reklamo Naman ni Mama.
Nang bumaling ako Kay Marie ay nakangisi lang ito habang sarap na sarap sa meryenda niya.
“Mamaya ka saakin walang hiya ka! Kakalbuhin kita! Mabulunan ka sana siraulo ka!” bulong ko sa sarili ko habang gigil na nakatitig sa kaibigan ko...
Sino ba kasi Ang nagsabi na mag boyfriend ako? Masyado pa akong bata.
“Mag jojowa ako kapag 35 na ako papa , Mama huwag nga kayong Makinig Kay Marie baliw yan eh!” Reklamo ko sa mga magulang ko.
“Oh siya siya sige kumain ka na!” Turan ni Mama...
Wala ako sa mood habang dinadampot ang tinapay at soft drinks sa lamesa, Habang titig na titig sa chismosa ko'ng kaibigan.
Lagot ka sakin mamaya!
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••