Fortunate Encounter
Sobrang pagka aligaga ay halos magkanda laglagan ang mga daladala ko, Napkin, Towel , toothbrush, sabon at Shampoo! Paano ba naman halos Sumigaw na si Mama, Alas sais na kasi nang umaga ay Hindi pa ako nakakapag asikaso nang sarili ko, Ngayon ay linggo at sa tuwing weekends ay Nasanay na kami'ng pumupunta sa church para magsimba!
“Opo Mama ito na maliligo na Po!” Saad ko... akmang hahampasin na kasi ako nang sandok nang Nanay ko.
“Cellphone ka kasi nang cellphone ano Ngayon Ang napapala mo? Edi eyebags! Bilisan mo mahuhuli na Tayo sa Misa!” Sigaw nanaman nito...
Kahit nasa banyo na ako ay Todo parin sa pag iingay si Mama! Pero ayos lang saakin, Mahal na mahal ko ang pamilya ko kaya Wala lang saakin kahit pa ilang beses niya ako'ng sigawan...
Ako nga pala si Kim Carrel Marasigan! I'm a 2nd year college student! At sobrang strict nang mga magulang ko Lalo na sa pag bo-boyfriend, Eh sino ba kasing maysabi na mag boyfriend ako? Wala Naman eh masyado lang silang over protective! Nakakaloka.
Nang matapos sa paliligo ay nagbihis na ako long dress na aabot na sa lupa, At ang napaka laki Ko'ng salamin sa mata! Ewan kailangan ko ito Lalo na at medyo Malabo ang paningin ko.
“Ayan ba Ang susuutin mong bata ka?” Tanong Naman sakin ni Papa.
“Yes! Wala Naman pong masama ah! At least maganda parin Po ako!” Tatawa tawa ko'ng turan.
“Oh siya kumain ka na at nang Maka larga na Tayo!” Sabi Naman ni Mama.
Mabilis lang ako'ng kumain, Saka Agad nang kinuha ang bag ko at nagmamadali nang naglakad palabas, Nakasunod saakin sila Mama, Nang makasakay sa sasakyan ay agad nang pinaandar ni Papa... Habang lulan nang sasakyan ay sunod sunod namang tumunog ang cellphone ko...
Agad ko'ng Nakita ang pangalan nang kaibigan ko si Marie, Hindi rin ito lumiliban sa pagsisimba gaya ko at nila Mama at Papa... ..
Maya Maya ay narating na namin ang Simbahan dito sa Bukidnon, Agad na ako'ng lumabas nang sasakyan at sinalubong ang kaibigan ko'ng si Marie habang naghihintay ito sa labas nang simbahan...
“Marie! Kanina ka pa ba?” Nakangiting tanong ko.
“Malamang, Tara na sa loob.” Hinila na ako nang dalaga papasok nang Simbahan.
Nang makapasok ay kinawayan ko lang sila Mama para ioaalam na Mauuna na ako sa loob .. umupo kami sa pang gitnang mga upuan, Nag sisidatingan pa lang rin naman ang mga magsisimba ..
Sa tuwing nagsisimba ay Hindi talaga ako tumatabi Kay Mama dahil palagi itong nasa unahang bahagi, Samantalang mas gusto ko Naman dito sa gitna..
Bago magsimula Ang Misa ay Tumayo na Muna ako upang magtungo sa Banyo, Habang Hindi tumitingin sa dinadaanan ay Hindi sinasadyang nakabangga ako nang kung sino, Halos umugtol Ang puwet ko sa lakas nang pag Banda ko...
“Aray!” Reklamo ko... Nang mag angat ako nang tingin ay halos mapatulala ako, Nakalahad ang kamay nang lalaking nakabangga ko habang matamis ako nitong nginingitian... Sobrang napatulala ako, Napaka Gwapo, Sa isip isip ko.
“I'm Sorry I didn't see you coming!” Nakalahad parin ang kamay nito, Kaya agad ko'ng hinawakan ang palad nang binata, At dahan dahan ako nito'ng itinayo.
“S-Sa sunod tumingin ka sa dinadaanan mo!” Kunyaring pagtataray ko dito.
“Pasensya na kun-!” Hindi ko na ito pinatapos sa pagsasalita at agad na ako'ng naglakad papalayo patungong Comfort Room.
Hanggang sa Marating ko ang nasabi'ng Banyo, Agad ako'ng napatitig sa medyo namumula ko'ng mukha kaya halos manlaki ang mga mata ko.
“Hala! Bakit may pag blush ka dzai?” Bulong ko sa sarili ko agad ako'ng kumuha nang pulbo sa sling bag ko Saka mabilis na nag pulbo ..
Ilang sandali pa ay pabalik na ako sa upuan kung nasaan ang kaibigan ko, Hindi ko namamalayan na nakatitig na pala saakin ang lalaking nakabangga ko kanina, Nang magtama ang tingin namin ay agad na ako'ng nag iwas nang tingin, Napataas Lalo ang kilay ko nang makita kung sino ang mga Kasama nang estrangherong lalaki, Walang iba kung hindi Sina Faye, Mildred, Lawrence at Jared! Ang mga kaibigan ko....
Napataas ako nang kilay nang mapansin ang pagbubulungan nang mga ito! Ano ba ang tingin nila? saakin? Reklamo ko sa utak ko, Pakiramdam ko kasi ay pinag chichismissan ako nang mga ito...
Maya Maya ay narinig ko na ang malakas na pagtawag saakin ni Marie.
“Kim!” Malakas na sigaw nito... . “Parang naglalakad sa buwan, Halika na mag sisimula na ang Mass!” Nagmadali na ako'ng lumapit sa kaibigan ko saka Padabog na naupo.
“Tingnan mo sila Faye! Are they talking bad things about me again?” pagsusumbong ko Kay Marie.
“O.A ka ha! Uy Sheeeesh! Ang gwapo nung Isa oh! Yung naka Black!” Ngunguso ngusong turan nito.
“Gwapo? Saan Banda? Manyak Yan eh!” Napataas ang kilay ni Marie sa sinabi ko.
“Hoy Kim Carrel! Nasa simbahan tayo mag ingat ka nga sa mga sinasabi mo! Siraulo ka!” Sabay Inirapan ako nang kaibigan ko.
“Binangga niya ako kanina, Halos umugtol ang pwet ko sa sahig!” Reklamo ko parin..
“Kunyari Ka pa, Didn't you find him attractive? Hala kanina pa siya nakatitig saakin!” Malanding Saad ni Marie may pa kindat pa ito sa binata.
Nang tingnan ko Ang binata ay Hindi Naman ito naka titig Kay Marie! Kung Hindi saakin! Oo Tama saakin siya Nakatingin! Bulong ko sa sarili ko.
“Hayaan mo na nga, Mag sisimula na Ang Misa hoy!” Reklamo ko... Halata kasi ang pagpapapansin ni Marie sa Hindi namin kilalang lalaki...
•••••••
Matapos ang misa, kami ni Marie ay nagpasya nang kumain muna sa isang karinderya malapit sa simbahan. Habang hinihintay Sina Mama at Papa, hindi ko maiwasan na isipin ang lalaking nakabangga ko kanina sa simbahan. Mga kaibigan ko, sina Faye, Mildred, Lawrence, at Jared, ngunit Minsan parang Hindi ko sila kilala, Dahil kung makapag salita sila saakin parang sobrang Ang taas nila eh, Palaging may kasamang panlalait... I sighed!
"Kim, parang napansin ko yung lalaking nakabangga mo kanina, Kilala mo ba siya?" tanong ni Marie sa akin.
"Naku, hindi ko nga kilala eh first time ko siyang nakita," sagot ko na may kaba sa boses.
Tumingin si Marie sa akin na may malisya.
“Oh, come on, Kim. Parang may spark yung tingin niya sa iyo kanina. Baka destiny ito!" sabay ngiti.
Napahawak ako sa ulo ko. "Marie, sobra ka ha, Ang aga-aga, destiny agad? Parang sobrang cheesy mo Naman!” Reklamo ko.
“Eh Malay mo naman, Destiny na ito, At first time mo'ng mag kaka boyfriend Diba? Sayang napaka gwapo pa naman ni Mr. Bumped into you!” Malanding wika ni Marie.
“Gusto mo siya? Edi sa iyo na!” Asik ko.
“Gaga, Ikaw Ang type nun at Hindi ako!”
“Kumain ka nalang kaya ang daldal mo!” Asik ko dito.
Nagpatuloy kami sa pagkain, Kahit si Marie ay walang tigil sa pang aasar tungkol sa gwapo'ng Lalaki na Hindi Naman namin Kilala.
tsk tsk tsk