KABANATA XV: Huli Na

1280 Words
Tulad ng mga lobo, ang buhay ay hindi nagtatagal. Sa pag-ihip pa lang nito, nauubusan ka na ng paghinga. Sa pag-ihip pa lang, kialangan na ng pag-iingat dahil kapag nasobrahan ay puputok ito. Pagkatpos ay kailangan mo pa itong talian ng mahigpit upang ‘di makawala ang hangin na pinaghirapan mong ipunin. Bawal rin itong matusok sa matulis na bagay at magkabutas, dahil liliit ito ng liliit hanggang sa mawala. Kapag may tali ito, kailangan mong hawakan ng mahigpit upang hindi lumipad. At kahit anong tago at pag-iingat natin rito, darating at darating ang time na puputok ‘yan sa isang iglap. Hindi lahat ng bagay na mayroon tayo ay mananatili sa atin, mayroon talagang kailangan umalis kahit hindi natin gustuhin. Halimbawa naman ay kung tayo mismo ang lobo, kahit anong hirap at pagsisikap natin sa ating buhay, hindi natin kailanman matatakasan ang kamatayan. Kasi ‘di ba wala namang lobo na hindi pumuputok? Pero may dalawang klase ‘yan eh, it’s either lumipad iyong lobo at pumutok sa kalangitan o kaya nama’y sa lupa ito pumutok dahil natamaan ng isang bagay. Ngunit kahit ano pa iyan, isa lang ang dahilan hindi ba? Kapabayaan. Tama? Life is short. Cliché man pero iyon ang totoo. Lahat ng tao namamatay. Ang hirap lang na iyong matagal mo nang nakasama sa buhay ay bigla bigla na lamang mawawala sa isang iglap. Ang hirap tanggapin. Sobra. Pero hindi puwedeng magluksa ka na lang d’yan. Life must go on, ika nga. Kaya naman sina Maria at Ben ay patuloy na lalaban. Silang magkakaibigan ay may sari-sariling kuwento. Lahat sila ay may masakit na pinagdaanan at may mga problema hinaharap sa kaniya kaniyang pamilya. At ang mga munting bahagi ng pagkatao nilang iyon ang siyang nagbuklod sa kanila. Parepareho nilang ginagamit ang pagsulat bilang takbuhan, sandalan, at eskapo mula sa magulong mundo. Naunang nakilala ni Maria si Jessa kung kaya’t mas malapit siya rito. Maraming alam si Jessa tungkol sa kaniya. Kahit ganoon iyon, magaling itong tagapakinig. Marunong itong umintindi sa mga pinagdadaanan ng kaibigan. Kaya ganon na lamang ang kagustuhan ni Maria na makita at mailigtas siya. Sigurado siyang ganoon rin naman ang gagawin ni Jessa kung siya ang nawawala. Sa kasalukuyan, inisa-isa nina Maria at Ben ang lahat ng mga kuwarto. Ilan sa mga ito ay walang laman o bakante. Kaya rin malaki ang bahay na ito ay dahil maraming kwart, bukod pa ang sa ikalawang palapag. May napuntahan pa sila na servant’s room, kaya naiaip niyang mayaman siguro ang dating nakatira rito. Sa ilang segundong paghahanap, tumigil sila sa isang parte na may nakabukas na pinto. Nakabungad ang dalawang upuan. Mga tali sa sahig at punong puno ng dugo. Doon niya nakita ang katawan ni Joyce na wlang ulo. Hindi na nila napigilang lumuha nang makita ang totoong sinapit nito. Napakuyom ng kamao Si Ben sa galit. Sana ay hindi na nila ito nakita. Hinila na ni Ben si Maria papalayo roon upang hindi na sila maging emosyonal at baka makita pa sila ni Ina. Saka sila naghanap muli. Pumasok sila sa isang kuwarto. May isahang kama roon. Madilim kahit maraming kandila. May isang lumang tokador, katabi rin ng isang makaluma at malaking salamin na ilang bahagi ay basag na. “K-kwarto ito ni Ina,” sambit ni Maria. Nagpalinga linga sila sa loob at naghanap, baka sakaling may importante silang makita. Pero mga nakakalat lang na libro sa sahig ang mayroon doon, at saka may dugo rin sa paligid at sa kobre kama. May nakapatong na first aid kit rito. Mas lalong lumalaki ang hinala nila na galing dito si Jessa. Mayamaya ay may naririnig silang ingay mula sa loob ng tokador. Nagkatinginan sila ni Ben. Nakaramdam sila ng takot. “Anong meron sa loob n’yan?” takang tanong ni Maria. Mas lalong lumakas ang kalampog nang magsalita siya. Pinag-isipan nila kung bubuksan ba nila ito. “Paano kung may multo sa loob n’yan? O isang galit na poltergeist? O ‘yong clown na may hawak na chainsaw?” kabadong tanong ni Maria. Nais matawa ni Ben nang marinig ito. Napakamot na lang siya sa ulo at hindi alam ang isasagot. Naulit muli ang kalampog. Nakatulala lamang sila sa tapat ng tokador na iyon. Hanggang sa magkasundo silang buksan na ito. Panatag naman ang loob ni Maria dahil makisig ang kasama, kaya naman siguro siya nitong ipagtanggol at hindi pabayaan. At sa loob loob niya ay may inaasahan siyang makita roon. Ang isang ebidensiyang inaakalang makikita nila ay naging isang tao na kanina pa nila gustong mahanap. Duguan at butas ang dalawang mata. Magulo ang buhok at nanginginig sa takot. Sa ganoong kalagayan nila nakita si Jessa. Malaki naman iyon kaya hindi malabong magkasya siya, ngunit naaawa sila sa sinapit niya. Siguro ay no’ng nawawala siya ay ito ang nangyari sa kaniya. “Oh my God,” naibulalas ni Maria at hindi mapigilang mapatakip ang bibig sa gulat. Hindi niya mapigilang hindi mapaluha sa sinapit ng mga kaibigan niya. Hindi niya ‘to deserve. Tinulungan siya ni Ben na alisin si Jessa roon at buhatin siya. Tahimik lang siyang umiiyak. Dumudugo pa rin ang sugat niya hanggang ngayon. “Y-Yong m-mata ko,” sambit nito. Garalgal ang boses niya at halos napapaos na. “Jessa…” iyon lang ang nasambit ni Maria. Hindi niya alam kung paano pagagaanin ang loob nito. “Hey, be strong. Kailangan nating makalabas dito. Hinihintay na tayo nila Jericho sa labas. Makakatakas na tayo,” turan ni Ben upang mapakalma siya. Inalalayan nila si Jessa ngunit parati silang natutumba sa bigat nito. Mukhang wala na talaga siyang lakas, sa lala nang nangyari sa kaniya’y siguro natrauma siya. Mabuti na lamang at nagawa pa rin nilang makaabot kina Jericho. Ngunit hindi na nila maaabot pa ang huling hininga na binitawan ng mga ito. Huli na. Huli na sila. Parehong namatay sa kalunos lunos na pangyayari sang dalawa. Napakabrutal ng eksenang iyon sa harapan nila. Lalo na ang katawan ni Lyca na hati na sa dalawa. Nagkalat ang nga laman-loob sa sahig kasama ng malapot na dugo. Nakakadiri at nais nilang masuka. Mula sa malayo ay kita rin si Jericho, tanaw ang maraming saksak niya sa katawan. Tumalikod si Maria upang maiwasang matulala sa eksenang iyon. Siguradong tatanim ito sa isipan niya at babangungutin habang siya’y nabubuhay. Naroon rin si Ina, nakatalikod sa kanila at may hawak na palakol. Kinalabit ni Ben si Maria, nagtaka naman ito sapagkat tila kinakabahan siya at nanginginig ang kamay. Iyon pala ay nakatingin na ng masama si Ina sa kanila. Tingin na mistulang ikatutuwa nito ng labis kung dadampi sa aming mga balat ang hawak niyang duguang palakol. Lubos nila iyong ikinatakot, higit pa sa kilabot. Tinulungan siya ni Ben na hawakan ng mabuti si Jessa upang hindi sila matumba at makatakbo ng maayos. Hinanda nila ang mga sarili sa paparating na delubyo. Kailangan nilang tumakas at magtago. Kung hindi man makakatakas, kailangan nilang makalayo. Ngunit hindi pa man ito nangyayari ay bigla na lamang nakaramdam ng p*******t ng tiyan si Maria. Napahinto siya at napahawak sa parte na kumikirot. Malakas ang pagtambol ng puso niya nang mga sandaling iyon dahil baka abutan sila ni Ina. “Okay ka lang?” nag-aalang tanong ni Ben sa kaniya. Umiling-iling siya at sa tingin niya’y hindi na niya magagawang tumakbo dahil sa nararamdaman. Umiikot ang paligid. Lumalabo ang kaniyang mga nakikita. Nawalan na rin ng balanse si Jessa at bumagsak sa sahig. Wala na siyang ibang naririnig kun’di ang boses ni Ben na paulit-ulit tinatanong kung okay lang sila. Naiiyak na si Maria at gustong gusto niyang humingi ng tawad kay Ben. Ngunit para na siyang babagsak. Hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD