Kabanata XXII: Paru-Paro

1050 Words

1995 | Nakaraan | Ang buhay ay parang isang tula. Malalim at matalinhaga. Subalit tayo mismo ang dito'y lumilikha. Kung kaya't nasa sa atin ang tamang pagpili ng bawat salita at paghanap sa payak nitong tugma. Sinusundan ko ng tingin ang munting paru-paro na lumilipad sa aming bakuran, mula dito sa teresita. Kasing kulay ito ng sinag ng araw, kay gandang pagmasdan, lalo na sa tuwing dumadapo ito sa mga mapupulang rosas. Ito ang tanging nagbibigay kulay sa mansyon na ito, kaya inaalagaan at dinidiligan ko ang mga ito parati. Minsan na ring sumagi sa aking isipan kung ano nga ba ang mas malaya, kung ang mga ibon ba o ang mga paru-paro. Sa una, ang sagot ko ay paru-paro sapagkat maaari silang dumapo sa kahit anong bulaklak, anumang kulay, at kahit ang pinakamabango at pinakamagandang uri a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD