Chapter 1
KATATAPOS lang ng klase ni Celine at kasalukuyan silang nakatambay sa isang café malapit sa school nila.
Culinary ang course nilang magkakaibigan.
"Nakuuu Celine makukurot talaga kita." gigil na wika sa akin ni Felicity. Tumaas naman ang kilay ko.
"What?" tanong ko.
"Yung ex mong si Ian halos harasin na ako." sagot nito at sumibangot.
Ian was her latest ex. Type niya ito dahil campus heartrob sa school nila at iba ang course nito. Hindi niya ito literal na gusto as in gusto. Gusto kasi ito ni Diane kaya naman inunahan niya bilang pang inis dito.
Ang siraulo iisang araw palang na sila gusto na agad umiskor saakin. Upakan nga niya bigla. Ayaw na ayaw pa naman niya sa lahat ay ang bigla biglang nanghahalik ng walang permiso. Higit sa lahat tinangka pang hawakan ang dibdib niya.
"Ang laki ng blackeyed girl." sabi ni Sophie. Natawa siya.
"Napapala niya." naiiling na sagot ko bago humigop ng paborito kong kape.
"Natitiyak kong lalapitan ka pa noon." sabi pa ni Sophie.
Nagkibit balikat lamang siya. Hindi naman siya ang una, in fact pang ilan na nga ba ito na naging bf ko na bigla ko nalamang hinihiwalayan pag nag aadvance saakin. Daig pa may patago kung mag advance.
"Andyan naman si kuya Clark. Isang sabi ko lang don, tatahimik din yon." may paniniguro kong sagot.
"Gaga ka rin kasi ginawa mong bf ikaw pa lumapit tapos ikaw din nakipagbreak." litanya ni Felicity saakin.
"Para kay Diane iyon." balewalang sagot ko. Tumingin lamang si Sophie at umiling iling.
Diane hated me but I didn't care at all and I loated her not for the countless times that she bullied me. I actually don't give a damn even how she bullied me. I thought that maybe she was just insecure about me. I am a Del Prado. My parents are rich and owned branches of restaurant and condominiums.
I don't care, even if most of the students called me names, slut or gossip me. I don't care if people judge me. You do bad, people will talk. You do good people will still talk. I just do what I want and I don't worry about what anyone else says.
Nang ipagkalat ni Diane na I wasn't a virgin anymore doon naputol ang natitirang pisi ng pasensiya ko ofcourse it wasn't true. Pero ang bruhildang patpat nakahanap ng kakampi sa mga exes ko. Hiniya ako dito rin mismo sa Amore Café. Palalampasin ko lang sana iyon tutal sanay naman na ako sa kabikabilang gossip at tingin nila sa akin. I am a spoiled brat yes, I wasn't good in academic maybe?, I am maldita and I am okay with that.
Tiningnan ako ng mga students na naroroon sa café na iyon, na dinaig ko pa yata ang w***e sa paningin nila. Diane telling them that I slept in every boyfriend that I had. Sinegundahan pa iyon ni Mark na isa sa naging ex ko how good and wild I was in bed, sabi pa nito.
Okay lang sakin pero ang masaksihan at marinig iyon ni Sean Cristobal kasama si Ate Cristine dahil nagpasundo ako at coding ako ng araw na iyon ang di ko inaasahan.
Sean gave me a disbelief and disappointed look. Like, you believe that b***h? For real? Sabagay sa record ko sa dami ng away na kinasangkutan ko at kadalasan puro ex pa at mga babae nila ay talagang paniniwalaan niya.
They know me. I always get what I want. By hook or by crook basta ginusto ko nakukuha ko.
Nang mga oras na iyon gusto kong kalbuhin si Diane ubusin ang lahat ng buhok na mayroon siya. Pasugod na ako ngunit agad na hinila ako ni ate Cristine at Kuya Sean. Pulang pula ang mukha ko sa galit. Itinatak ko sa isip kong babawian ko si Diane. From then I declared war between the two of us.
Kinabukasan agad akong nakipagflirt sa latest bf niyang si Paul, hiniwalayan nito si Diane para saakin ng ganoong kabilis.
Nagwala ang gaga, sigurado naman ito dahil noon lang naman nagkaroon ng gwapong boyfriend at naagaw ko pa.
Pumitik si Felicity sa harap ko. "Grabe ang layo na nang nilakbay ng isip mo." sabi nito.
Tumaas ang kilay ko. "Naalala ko lang si Diane." biglang kumulo nag dugo ko.
"Knowing Diane for sure di niya palalampasin tong nangyari din." sabi ni Sophie. Kiber ko ba as if naman uurungan ko siya this time.
Siraan na niya ako sa lahat pero wag lang sa taong gusto ko. Sean Cristobal is the man of my dream. Simula pagkabata crush ko na siya. Hangang sa mag college ako ay lalong lumalim ang pagkakagusto ko sakanya.
Napabuntong hininga ako ng maalala ito.
Pinatong ko ang mga siko ko sa mesa at pinagsalikop ang mga palad ko saka ko ipinatong ang baba roon. Tumingin ako sa ginagawa ni Sophie na inabala na ang sarili sa librong binabasa.
"May nabibili ba sa Baclaran ng love potion?" pag iiba ko sa usapan, muntik pa akong matawa sa pagkasamid ni Felicity.
"Langya naman Celine pati love potion papatusin mo na?" sabi ni Felicity ng makabawi mula sa pagkasamit.
"Don't tell me si kuya Sean pa rin yan?" nang aarok na tanong sa akin ni Sophie na napatigil sa pagbabasa.
Napalabi ako. Wala naman iba. Nawawalan na ako ng pag-asa sa kumag na yun. Sa lahat ng lalaki siya ang pinakatrying hard makuha. Damn that man. She's beautiful. Marami ang nagsasabi noon, marami ang humahanga sa ganda ko pero bukod tanging si Sean lang ang di naapektuhan noon. Napaismid ako nang muling maalala ang kumag na iyon.
"Seryoso nga ako." sagot ko na nakatingin sa dalawa kong kaibigan.
"You're crazy." sabi ni Sophie. Tumingin ako lay Sophie. She's beautiful too, sa dalawa kong kaibigan si Sophie ang pinakamahinhin. While Felicity di naman wild pero parang papunta na rin minsan.
"Dinaig pa kasi ni kuya Sean ang dalagang filipina ayaw sa wild na gaya mo." walang prenong wika saakin ni Felicity. Ouch talagang babaeng to kung hindi ko lang to kaibigan natuktukan ko na rin to.
"Isa pa Celine ang gusto ni kuya Sean prim and proper like ate Cristine." patuloy pang pagdurog nito sa nasusugatan na niyang ego. Isa pa talaga ay bibingo na sakanya si Felicity. Prangka ito alam niya pero minsan wala talagang preno.
"Gusto mong masili ngayon?" banta ko at tangkang hahawakan ang hotsauce sa mesa, ngalingali kong ihilamos sa labi niya ito.
Tumawa lang ito. Alam nitong di ko naman iyon kayang gawin dito. Mabait naman ako talaga kahit tingin saakin ng iba ay walang ginawang mabuti at spoiled.
Lumabi ako. "Kung akitin ko kaya?" tanong ko pa. Nagkandasamid ang dalawa kong kaibigan. Luminga linga pa si Sophie sa paligid di naman ganoon karami ang tao sa Amore Café pero may ilang napapalingon sa gawi namin.
Alam ko namang lingunin ako kasi maganda ako. Mainam ng mataas ang confident.
"Prim and proper nga ang mga tipo ni kuya Sean tapos aakitin mo pa. Ano huhubaran mo na talaga?" ekseheradang sagot ni Felicity. Ngalingali kong busalan ang bibig nito. Kahit paano ay nahihiya naman ako na may makarinig noon.
"Bibingo ka na talaga hinaan mo yan." banto ko. Si Sophie naman ay naiiling nalang sa tinatakbo ng usapan namin. Kung sanay nagkapalit nalang kame ng ugali nitong si Sophie ay baka nagkapag-asa pa ako kay Kuya Sean. Dahil natitiyak kong papasang prim and proper itong si Sophie.
Bumuntong hininga ako. "Basta by hook or by-
"Crook mapapasakin si Sean" dugtong ni Felicity sa sasabihin ko, nakangisi ito alam na alam nito ang linyahan ko kapag may gustong gusto akong makuha at nahihirapan.
"Markd my word Feli, markd my word." sagot ko.
Tinapos na namin ang kinakain namin bago naisipang umuwi na dahil pasado ala sais na rin ng hapon.
NAPANGITI pa ako ng malawak habang pinaparada ang sasakyan ko sa parking ng bahay namin dahil natanaw ko ang kotse ni Sean sa labas ng gate.
Nagmamadali akong bumaba ng sasakyan para agad na makita siya.
"Hello people!" nakangiting bati ko pa nang makapasok sa loob. Para lamang mapasimangot sa eksenang naabutan ko.
Sean was here yes and he was with ate Cristine. Napasimagot akong lalo nang makita ang isang boquet ng bulaklak sa center table.
"Kumain ka na ba?" nakangiting tanong ni ate Cristine sa akin.
I gave them a fake my smile.
"Yes ate." sagot ko.
"This is for you." biglang sabi ni Sean sa akin sabay abot ng isang paper bag. Sinilip ko ang laman at may mga chocolates sa loob. Bumawi agad kaya di na ako galit.
Sa tuwa ay nayakap ko siya. Puntos na rin iyon kaya nilubos ko na. Nagulat pa ito sa ginawa ko.
"Thank you kuya Sean." ngiting ngiting sabi ko kulang nalang ay yapusin ko siya. Kung marunong lang talaga akong mang akit ay kesehodang idiin ko pa ang dibdib ko sakanya. "Why not?" bulong ng isang isip ko.
"Prim and proper Celine. Prim and proper!" paalala ng kabilang isip ko. Lintek talagang prim and proper yan parang bolang nag uumikot sa isip ko. Bago pa ako makagawa ng kahalayan ay humiwalay na ako.
Alanganin naman ang ibinigay na ngiti sa akin ni Kuya Sean. Tumingin ako kay ate Cristine at nakangiti lamang siya sa akin.
"Akyat na ako, thanks uli dito." sabi ko na iniangat pa ang paper bag bago umakyat na sa akin silid. I am happy.
MATAPOS akong makapaligo ay nagbabalak sana akong bumaba upang silipin kung nasa sala pa si Kuya Sean.
Napagdisisyunan ko rin bumaba nasa hagdan na ako ng mabungaran ko si Kuya Sean na kalalabas lang mula sa office ni Kuya Clark. Malamang ay may pinag-usapan ang dalawa.
"Think now Celine. You need another moves." wika ng bahagi ng isip ko.
"Hi Kuya Sean pauwi ka na?" tanong ko, bigla itong napahinto sa paglalakad at alanganing lingunin ako.
Kunot ang noo nitong tiningnan ako. "Yes kiddo." may ngisi nang sabi nito.
Napangiwi ako sa sinabi nito "Kiddo" ulit ko pa sa isip ko.
Naningkit ang mga mata ko. Kumapit ako sa isang braso niya at dumikit dito. Magpakahalay na ako. Idinikit ko pa ng bahagya ang dibdib ko alam kong masasagi noon ang braso niya. "Kiddo pala ah" nakangising bulong ko.
Muntik pa akong matawa na tila naestatwa ito at ilang segundong napatigil sa pagbaba sa hagdan. Hihilahin sana nito ang braso na halos yakap ko na nang mas lalo ko pang hinigpitan ang hawak.
"Kuya talaga di na ako kiddo." Sabi ko pa na pinapungay pa ang mga mata kong nakatingin dito.
Umigting ang panga nito di ko alam kung sa inis ba. Nakita ko pang lumunok ito bago nagpatuloy sa paglalakad, dahil nakaabistre ako ay sinabayan ko ito ng baba. "Puntos ka nanaman Celine." nagdidiwang ang pusong sabi ko.
Nakababa na kame ng hagdan. Ihihilig ko pa sana ang ulo ko dito ng kunin na nito ang braso nitong hawak ko.
"Tell Cristine na mauna na ako." sabi nito na halos di tumitingin.
Umingos ako. Nililigawan siguro nito ang ate ko madalas kasi nasa bahay ito di ko lang maconfirm sa kapatid ko kung anong meron talaga sila ni Kuya Sean.
Umabistre uli ako sakanya napapitlag pa siya sa ginawa ko at di sinasadyang nadagil ang dibdib ko. Maraming nagsasabing biniyayaan ako ng dibdib, marahil daw ng nagpaulan ang Maykapal ay gising ako ay may dalawang bade.
Napangisi ako. "Nag coffee ka na ba gusto magcoffee muna bago umuwi?" tanong ko.
Tumingin ito sa paligid. "No thank, aalis na ako." sagot nito at inalis ang pagkakakapit ko. Di man lang ako inantay makapag salita muli at walang lingon likod akong tinalikuran at sumakay na sa sasakyan nito.
Hay! Sean, para kang babae ang pakipot mo. Nakasimangot na bulong ko.
"Bye kuya Sean." nakangiting sabi ko nalang bago nito pasibadin ang sasakyan.
SABADO nang araw na iyon at naisipan kong dumaan sa office ni kuya Sean. Magdadahilan na lamang ako kung sakaling tanungin niya ako.
Bitbit ko ang lunch box na niluto ko, gumawa pa ako ng biryani chicken para dalhan ito ng tanghalian. Kung meron nga daw ako magandang nagagawa sa buhay iyon ay ang galing ko sa pagluluto. Kaya nga culinary ang kinuha ko dahil love ko ang kitchen at food.
Pero sabi nga nila isa daw ako sa namumukod tangi na mahilig magluto pero di tabain. Sexy sabi nga nila.
Nang makarating sa Cristobal Hotel And Resort ay agad na binati ko ang guard sa entrance.
Mataas ang hotel nasa 30 plus floor yata ito. Gold and white and kulay nito. Parang may ginto sa Manila. Nagsusumigaw ang karangyaan ng hotel. Ang pool nito ay nasa bandang gilid at likod ng hotel na talaga naman napakaganda. Kumpleto ang Cristobal Hotel Resort sa lahat ng facility na inooffer. May sariling restaurant, mall, gym at kung ano ano pang luxury sa loob. Ang alam niya ay mayroon na itong branch maging sa Singapore at Australia.
"Magandang umaga po Ma'am" bati saakin ng receptionist.
This is not the first time na magpunta dito madalas noon ay nakadikit ako kay Kuya Clark.
Ngumit ako ng matamis. "Is kuya Sean here?" nilangkapan ko pa ng kuya para naman alam niyang related ako dito.
"For awhile Ma'am." nakangiti nitong tugon saakin at nagdial ng telepono.
"Tell him its Celine Del Prado." sabi ko pa at tumango tango ito.
Matapos ang ilang segundo ay hinarap ako muli nito. "You can come in his office now." Nakangiting imporma nito.
"Easypeasy" abot tengang wika ko pa sa sarili.
Sumakay ako ng elevator at tinahak ang 34th floor kung nasaan ang penthouse at office nito. Ngiting ngiti pa ako ng biglang tumunog ang elevator tanda na nasa floor na ako ng office ni Kuya Sean.
Nginitian ako ng secretaria niya na si Ms.Lyn Perez. Agad na iniabot ko dito ang isang sealed container na pinaglalagyan ng lunch na ginawa ko. Dahil gusto kong makuha ang panig niya ay susuyuin ko rin siya.
"This is for you." wika ko pa nang iabot dito.
"Ay thank you po Ma'am Celine." matamis na ngiting wika sa akin nito. Inilapag nito ang container sa mesa. Tumayo ito at iginaya ako pasunod sakanya. Kumatok ito ng dalawang beses bago binuksan ang pinto.
"Come in." tinig ng nasa loob.
"Sir Sean nandito po si Ma'am Celine." imporma ng secretarya nito. Wala akong narinig na tugod mula sa loob kaya nagkusa na akong pumasok.
"Thanks Lyn." wika ko pa dito at iniwan na ako.
Ngumiti ako. "Hi." bati ko, matiim itong nakatitig saakin na tila ba binabasa ang kilos ko.
"What brought you here?" malamig na tugon nito. Nagtaka pa ako dahil kagabi ay mukhang maayos naman kameng naghiwalay.
But his stares today is different. Cold and emotionless as I can see. But why?
"I-i just brought you l-lunch." I stammered, damn myself bakit inabandona yata ako ng kakapalan ng mukha ko ngayon. I need you myself.
Ngumiti ako at lumapit sa mesa niya saka inilabas ang Chicken Biryani na ginawa ko.
Tahimik pa rin ito tila ba nananantya ng sitwasyon o pilit pa rin binabasa ang bawat galaw ko.
Tumayo ito at lumapit sa akin. Kinabahan ako. I swear dumadagundong ang dibdib ko. Di pa man ako nagsisimulang manligaw pakiramdam ko basted na agad ako.