Chapter 12

2019 Words
Celine's POV _ _ _ _ _ NAGISING AKO nang may maramdaman akong mumunting halik sa balikat ko. Ang mainit na hininga nito na dumadampi sa leeg at tainga ko. "I'm sorry baby...." mahinang sabi ni Sean at isiniksik ang mukha sa likod ng leeg ko tsaka ako niyakap ng mahigpit. "Hindi ka ba nakatulog o nagising ka?" mahinang tanong ko. Mas humigpit ang yakap nito saakin. "I can't sleep...alam kong masama ang loob mo." sagot nito, naghatid ng kakaibang pakiramdam ang mainit na hininga nito sa batok ko. Inabot ko ang alarm clock na nasa side table ng kama. Pasado alas tres pa lamang ng madaling araw. Humarap ako ng higa dito ang labi nito ay tumatama ngayon sa noo ko. He gave me few kisses there. "Are you still mad?" tanong nito. Umiling ako ako naman ang sumiksik sa dibdib at leeg nito. Niyakap naman ako nito at hinaplos pa ang ulo ko. "Basta promise me na kahit gaano ka kabusy tatawagan o itetext mo pa rin ako para ipaalam mo na hindi ka kaagad makakauwi." nagtatampo pa na tono na sabi ko. "Promise...." masuyong sabi nito. "I am sorry babe." anitong biglang nalungkot tsaka ako mahigpit na mahigpit na niyakap. "Kamusta ang problema sa CH&R?" tanong ko. Tumahimik ito. "Handa akong makinig sayo at unawain ka. Kung pwedeng kita matulungan ay bakit hindi." malumanay na sabi ko rito. Tahimik pa rin ito. "Kung may problema ka you can tell me at sabay nating solusyunan." sabi ko. Inaantay ko itong mag open pero nanatili itong tahimik na nakayakap lang saakin. "Sean...." sabi ko. "It's okay baby... Just don't leave me whatever happens ay okay na." makahulugang sagot nito. Hindi ko mahulaan kung ano ba talaga ang bumabagabag pa dito, pakiramdam ko ay meron pa. Gusto kong malaman kung humaharap ba sa financial crisis ang company nito at palaging gabi ito. Ilang beses ko rin itong narinig na kausap ni kuya Sean, balisa at may pinapaasikaso. Tuwing lalapit ako ay tumatahimik na ito. Marahil ay ayaw lang ako nitong iinvolve sa problema sa company nito. Na pasasaan ba ay maaayos din nito iyon. "Sean....kung ano man ang problema mo pangako nandito lang ako palagi." sabi ko, mahigpit ako nitong niyakap at hinalikan sa noo. "I love you" bulong ko sa isip ko, gusto ko sanang idagdag iyon ngunit natakot ako sa maaaring ireact nito. Gumanti na lamang ako ng yakap dito at natulog na kameng pareho. _ _ _ _ _ _ _ PASADO ALAS DIYES na ng umaga ng magising ako. Nagulat pa ako ng naroroon pa rin si Sean at mahimbing pa rin ang tulog. Sabado at alam kong may pasok pa rin ito kung minsan sa opisina nito. Dahan dahan akong bumaba ng kama at tinungo ang silid namin ni Sean upang maligo. Matapos makapaligo ay agad na bumaba ako patungong kusina. Naabutan ko sina Manang Delia at Ate Josie na naghihiwa ng gulay. "Gising ka na pala Celine, halika at mag almusal ka na." Bati ni Manang Delia. Nagtimpla ako ng gatas at hindi na kape. Kinuha ako ng plato ni Ate Josie. Ako na ang nagbukas ng pagkain na tinakpan nila. Agad na napangiti ako ng makita ang almusal na niluto ni Manang Josie. Pritong daing na bangus iyon, sweet longganisa at itlog na maalat. "Mabuti iyang magana kang kumain." puri ni Manang Delia, ngumiti lang ako at ganadong sumubo pa ng bangus. "Morning." nakangiting bati ni Sean, lumingon ako dito mula sa pintuan. Maging si Manang Delia ay nilingon ito. "Josie ikuha mo ng pinggan ang sir mo at gawan mo na rin ng kape." uto ni Manang Delia kay ate Josie. Lumakad si Sean papasok ng kusina. Yumakap ito saglit saakin mula sa likuran tsaka ako mabilis na hinalikan sa pisingi. "Morning babe... " masuyong bulong nito. Hinawakan ko ang kamay nito. "Morning...kumain ka na." Yaya ko pa. Umupo ito sa upuan sa tabi ko sa kitchen island. Ako na ang naglagay ng pagkain nito sa plato nito. "Let's go out later." sabi nito sa pagitan ng pagsubo. Lumingon ako dito at ngumiti. "Hindi ba may trabaho ka?" tanong na sagot ko. "I'll take a day off from work to date my wife.." nakangiting sabi nito, narinig ko pa ang paghagikgik ni ate Josie at pinamulahan ako agad ng pisngi. Tiningnan ko si Sean nakangiti ito sa akin at titig na titig. "At saan mo naman ako i-date?" nakangiti rin na tanong ko dito. Huminto ito sandali at tila nag iisip. "Hmmmm...anywhere my wife's want" anito na kumindat pa. This is the Sean I want. Him being like this, sweet and caring. Nag-isip ako. "We can check the place that I am trying to buy." sabi ko naisip ko na gusto kong ibahagi dito ang mga plano ko at hingin din ang opinion nito. "Okay then." sagot nito at hinawakan pa ang kamay ko tsaka ako hinalikan sa noo. Kung mag-usap kame ay parang kame lang ang naroroon. Kung maglambing rin ito ay tila ba wala itong paki sa mga tao sa paligid nito. Matapos namin kumain ay magkahawak kamay pa namin tinungo ang silid namin. Pinilit pa ni Sean na sabay kameng maligo kahit na pareho naman na kameng nakaligo bago bumaba para kumain ng almusal. And we made love there, under the shower rain. Ang bawat haplos at halik nito ay parang ecstacy sa katawan ko. Sean knows how to pleasure a woman. We made love over and over again. _ _ _ _ _ NASA MANSION kame ng pamilya ko sabi ko kasi kay Sean ay bisitahin na rin namin sina Ate Cristine at Kuya Clark. Pagkatapos namin bisitahin ang bibilhin ko na lupa sa Quezon City para sa Café Restaurant na balak namin itayo ni Felicity ay dumeretso na kame sa mansion. Natuwa ako ng iapprove ni Sean ang lugar, magaling ito sa negosyo kaya naman malaking tulong din ang pag approve nito at pagbibigay pa ng payo saakin tungkol sa ipatatayo ko. "You are so blooming bunso." puna ni ate Cristine, pareho kameng nasa kusina tumutulong sa paghahanda ng hapunan. Sina Sean at Kuya Clark ay magkausap sa lanai habang umiinom ng alak. Kinapa ko ang pisngi ko at hinaplos iyon bakit lahat ng tao ay may napapansin sa akin? Ngumiti ako. "Kaya mag-asawa ka na rin." tudyo ko hindi ko alam kung pihikan si Ate Cristine o sadyang busy pa ito talaga sa buhay. Inismiran ako nito kaya natawa ako. "Bata pa naman ako." nakalabing sagot nito. 26 na ito at isang beses pa lang nagkanobyo nang maghiwalay ang mga ito ay hindi na muling nasundan pa iyon. Pakiramdam ko nga until now hindi pa rin nakakamove on ang ate ko kay Frank. "Masarap mainlove, pakiramdam mo kumpleto at ang saya saya na ng buhay mo." nakangiting sabi ko pa. "Soon darating din tayo dyan. For now pamangkin ang gusto ko." mabilis na pag iiba nito ng topic na muntik ko pa ikasamid. "We were making it na nga at araw araw na." natatawang sagot ko, ngumiwi naman ito. Tawa tawa naman ako dahil sa reaksyon nito. "Geesh kinikilabutan ako!" she said rolling her eyes. Tinawanan ko lang ito. "I am glad that you are happy Celine. I can see it in your eyes how happy you are." madramang sabi nito. I am happy. I am contented. Hindi ko pinagsisisihan ang kinahinatnan ng biglaang pagpapakasal namin. Lalo na ngayon na mahal na mahal ko na si Sean ay pagbubutihin ko pa ang pagiging mabuting asawa dito. Wala na ang childish spoiled brat na Celine na unang nakilala nito. I am grown up now. Mayamaya ay pumasok na sina Kuya Clark at Sean sa kusina. Agad na hinapit ako ni Sean at hinalikan sa ulo. Ang gesture niyang iyon na palaging nagpapakilig saakin. He was a showy man na natuklasan ko sa mahigit dalawang buwan na pagsasama namin bilang mag asawa. "Maghahain na kame nila Ate para makapagdinner na tayo." nakangiting sabi ko dito. Bumitaw ito saakin at ito na ang kumuha ng bandehado ng ulam at binitbit palabas ng kusina papunta sa dinning area. "Si Simon kaya ganyan rin?" tanong ni ate Cristine ng makalabas si Sean. Ang nakababatang kapatid ni Sean ang tinutukoy nito. "Simon is kind." nakangiting sabi ko. "And a happy go lucky guy!" dagdag ni Ate Cristine. Tumawa kameng pareho. "Well he is atleast 2 years older than you so pwede pa rin idate." natatawang sabi ko pa. Sumibangot si ate Cristine. "Nah, I prepared older man." sabi nito ako naman ang napangiwi. Well hindi naman ganoon katanda si Sean sakin 12 years age gap lang naman kame. "Pag matanda na mahina na ang performance." biro ko pa. "Sinong matanda?" kunot noong tanong ni Sean saakin. Nakabalik na pala ito. "Sabi ni Celine pagmatanda na daw mahina na ang performance." tawa tawang paliwanag ni Ate Cristine kay Sean. Agad naman akong tiningnan ni Sean ng hindi makapaniwala. "Really? As far as I know I am good, right babe?" nakangising tanong nito. Pinanlakihan ko ito ng mata, bakit parang sa iba pa mauuwi ang usapan namin. Nagbibiruan lang naman kame ni Ate Cristine. Hinapit ako nito. "Am I not_" Agad na tinakpan ko ang bibig nito sa kung ano pa mang pwedeng sabihin nito nakakahiya kay Ate Cristine. May pagka bold and prank pa naman ang bibig nito madalas. Narinig ko pa ang tawa ni Ate Cristine. "Maiwan ko na kayo lovebirds at baka bigla akong mainggit." sabi pa ni Ate bago ito tatawa tawang lumabas. "Am I really not good??" seryosong tanong ni Sean muli matapos makalabas si ate. Napangiti ako bigla ay naisip kong asarin ito. "Well....pwede ba rin considering your age." napatili ako agad ng buhatin ako nito bigla at isampa sa mesa. "Really? How about making love to you here right now huh?" bulong nito. "Don't tempt me baby.....swear I'll make you moan my name." muling bulong nito at pinaglandas ang kamay sa hita ko paloob sa dress na suot ko. Agad na hinawakan ko ang kamay nito upang pigilan ito. Pinaningkitan ko ito ng mata. "Don't you dare!" banta ko. "Let's go home then!" biglang yaya nito, did I aroused him? Bakit parang kakainin ako nito ng buo sa mga tingin nito. Oh God. Bago pa ako makasalita ay siniil na ako ng halik nito, mapusok at mapaghanap. "You are driving me really crazy babe..." anas nito matapos akong halikan. Pinamulahan naman ako ng mukha sa sinabi nito. "Loverbirds come out and let's eat. Mamaya na iyan!" ani ate Cristine nasa bungad ito ng pinto ng kusina. Hinampas ko si Sean sa braso at inirapan. Wala talaga itong pinipiling lugar. Tumawa lang ito kaya inirapan ko muli ito. Sabay na kameng lumabas ng kusina bitbit ang iba pang ulam. Matapos ang masagang hapunan ay isang oras pa ang inilagi namin sa mansion bago kame umuwi sa bahay. Bandang Alas Nuebe na rin ng gabi ng makarating kame sa bahay. Nagbibihis na ako sa silid namin ni Sean ng may tumawag dito agad naman itong lumayo bahagya. Sinundan ko ito ng tingin nasa balcony ito ng kwarto namin. Papunta na ako ng banyo upang maligo ng pumasok itong muli sa loob. "May problema ba?" usisa ko. Umiling ito. "Si Sebastian lang." sagot nito. Tumango tango naman ako tsaka pumasok na sa banyo upang maligo na. Naiisip ko pa rin kung ano ba ang pinag usapan nito at ng pinsan ko. Hindi pa rin ba nasosolusyunan ang pinapaasikaso ni Sean dito? Bumuntong hininga nalang ako. Ayaw rin naman ipaalam ni Sean ang problema nito kahit anong pilit ko. Kahit ilang beses ko pang ioffer ang tulong at humihindi lang ito. I wanted to help him para wala na itong alalahanin palagi. Pero sinosolo nito ang problema, maging si Kuya Clark o Kuya Sebastian ay tikom ang bibig tungkol dito. Mariing ipinikit ko ang mga mata at dinama ang tubig na nagmumula sa shower. . . . . . . . . . . . . . (Hi kung may mga spelling o sulat na mali man po ay pagpasensyahan nyo na po typo lang po iyon. Hindi ko na po kasi binabasa uli para masure if may mali ba. Para mapabilis po ang pag update ko. thank you..........Artémis ?)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD