Celine's POV
_
_
_
_
_
_
NAG CHECK-IN ako sa isang hotel sa Makati dito na muna ako pansamantala habang iniisip kung saan ako pupunta. Nagtake out lang ako ng food sa isang kilalang fast food. Wala akong ganang kumain pero alam kong kailangan kong kumain para sa anak ko.
Bumili ako ng bagong sim card sa nadaanan kong convenience store. Sa ngayon ayoko munang kausapin ang sino man sa pamilya ko lalo na si Sean. Kaya inalis ko ang sim ko at pinalitan iyon.
Dinial ko ang numero ni Felicity, nadalangin ko pang sana ay gising pa ito.
"Hello, sino to?" tanong ni Felicity mula sa kabilang linya.
"Si Celine to."
"Oh my god Celine nagpunta dito si Sean hinahanap ka. Asan ka ba?" natataranta ang boses nito. "Nakakaawa si Sean iniyakan ako!" sabi pa nito at bigla ay nakaramdam ako ng sakit sa dibdib. Pinigilan ko ang sarili na maiyak. "Actually kakaalis lang niya few minutes ago."
"May kasama ba siya?" usisa ko.
"Wala siya lang, ano bang nangyari? Nag-away ba kayo ulit?" tanong nito.
"Kailangan ko ng tulong mo, may kilala ka ba na pwede kong tirhan pansamantala? Iyong hindi madaling matunton?" bumuntong hininga ito sa kabilang linya.
"Beshy ano nga nag-away ba kayo? Hindi nyo ba pwedeng pag-usapan yan?" tanong nito. Mariin akong pumikit.
"Maggie is pregnant at si Sean ang ama, masakit yon sakin Felicity. Hindi ko pa siya kayang makita." napasinghap ito sa kabilang linya.
"Oh my God!" tanging nasabi lang nito.
"I need your help please..." pakiusap ko, hindi ako pwedeng mangibang bansa dahil mas madali ako noon matutunton oras na magbook ako ng flight. Marami itong connection baka hingan rin nito ng tulong ang pinsan kong si Sebastian.
"Tutulungan kita, itetext ko sayo ang address ang second cousin ni Tatay. Matandang dalaga iyon tubong Bulacan pero ang alam ko sa Cagayan na ito nakatira." sabi nito, nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nito.
"Thank you so much Felicity. Basta ipangako mo kahit pilitin ka ni Kuya Clark huwag mo akong ituturo promise me?" sabi ko dito.
"Oo naman kahit Kuya mo pa iyon, hindi kita ilalaglag."
"Yung number ko na ito huwag mong ibibigay kahit sino man sakanila." bilin ko pa bago ko pinutol ang tawag.
_
_
_
_
_
_
KINABUKASAN tumawag muli si Felicity matapos nitong isend ang address ng Tiyahin nito. Naabisuhan na raw nito ang Tiyahin nito ang pagdating ko, natuwa pa raw ang Tiyahin nito na may ibang tao na itong makakasama sa bahay. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon.
Gustuhin ko man na makipagkita kay Felicity ay natatakot ako na baka binabantayan ito ni Sean or ng mga inutusan nitong maghanap saakin.
Nagpunta ako sa banko at nagwithdraw ng perang kakailanganin ko para sa pananatili ko sa ibang lugar. Nilakihan ko iyon dahil alam kong hindi na uli ako makakapagwithdraw dahil natitiyak kong madali akong matetrace doon.
Nagsulat rin ako ng pera sa checke para ibigay kay Felicity para sa pagpapatayo ng café namin. Mawawala man ako ay pangarap ko pa rin na maipatayo iyon.
Nagbilin ako na ang Nanay Yolly na lamang ang kikitain ko at hindi na siya. Sa palengke sa Divisoria ko ito kinita kung saan pwede itong mamili. Matapos kong maiabot dito ang sobre ay mabilis ko rin na nilisan ang lugar na iyon.
Tanghali na nang makaalis ako ng Manila pa Cagayan. Alam kong gagabihin ako sa byahe. Nang nasa Santiago Isabela na ako ay huminto ako sa isang Inn upang doon na magpahinga pasado Alas Diyes na nang marating ko iyon. Nakailang stop over din kasi ako, bukas na ako muli babyahe pa puntang Santa Ana Cagayan.
Nang makapasok ako sa loob ng Inn ay inihiga ko ang pagod na katawan ko sa kama. Muling tumulo ang luha ko nararamdaman ko nanaman ang kirot sa dibdib ko. Hindi ko alam kung kailan ba mauubos ang luha ko.
_
_
_
_
_
_
_
_
PINARADA ko ang sasakyan ko sa b****a ng munisipyo. Hapon na rin ako nakarating ng Santa Ana. Tumawag muli si Nanay Belen na malapit na raw ang susundo saakin mula doon, inabisuhan kasi ako nito na doon ko na lamang hintayin ang pinakiusapan nito na susundo saakin upang ihatid ako sa Casagan. Sinabi ko din kay Nanay Belen ang kulay ng kotse at plate number nito upang madali akong matunton.
Makalipas ang kalahating oras ay may kumatok sa bintana ng kotse ko. Isang gwapong lalaki na nakaputing damit na tila pang isang doktor.
Binuksan ko ang bintana ko ngumiti ito saakin. "Celine?" paninigurong tanong nito. Tumango ako dito. "Ako yung pinadala ni Nanay Belen." tiningnan ko ito mukha naman itong mapagkakatiwalaan. Lumabas ako ng sasakayan.
"I'm Leon." pakilala nito at inilahad ang kamay.
Ngumiti ako at tinangap iyon. "Celine......Thank you nga pala sa pagsundo" sabi ko at tumango naman ito.
"Okay lang ba sayo na magconvoy nalang tayo?"
Tumango tango ako. "Okay lang." sagot ko. Tinuro nito ang sasakyan nito at sinilip ko naman iyon.
"Galing kasi ako sa duty kaya pinadaanan ka na rin ni Nanay Belen." Tumango tango naman ako. "Let's go." yaya na nito.
Naglakad na ito patungo sa sasakyan nito sumakay doon kaya sumakay na rin ako sa kotse ko at sumunod roon. Inabot ng halos kalahating oras ang byahe namin patungong Casagan.
Huminto ang sasakyan nito sa isang up and down na bahay na gawa sa kalahating bato at halahating tabla. Capis ang mga bintana noon, may kahoy na bakod din ito at napapalibutan ng boungainvillea na puti ang mga bulaklak.
Bumaba ako at naglakad patungo sa kinapaparadahan ng sasakyan ng lalaking sumundo saakin.
Napalingon ako sa pintuan ng bumukas iyon at may edad na rin na babae ang lumabas. "Ikaw na ba si Celine?"
"Ako nga po, Nanay Belen." nakangiting sagot ko. May kasunod itong may edad na rin na babae at isang batang babae na sa tingin ko ay nasa tatlo o apat na taong gulang na.
"Daddy!" sigaw ng bata at nagtatakbo patungo sa kasama ko, si Leon.
"Hello, princess!" bati nito dito at binuhat ito. Nakatingin lang ako sa mga ito. Ngumiti ito sa akin. "Say hi to tita Celine, Lilly." utos nito sa anak.
Tumingin ito saakin at ngumiti. "Hello po, tita Celine."
"Hi Lilly, ang ganda ganda mo naman." nakangiting sagot ko dito.
"Thank you po, you are pretty too." sabi nito tsaka humagikgik.
Tumingin ako kay Leon. "Ilang taon na siya?"
"She's 3 and half." sagot nito at pinugpog ng halik ang bata. Kung wala sana kameng problema ni Sean natitiyak kong ganito rin ito kalambing sa magiging anak nito. Bigla ay gusto nanaman tumulo ng mga luha ko. Tumingala ako bahagya at pumikitpikit upang pigilan ang nagbabadyang luha ko.
"Halina na kayo sa loob at naghain ako ng hapunan, kayong mag-ama ay dito na rin kumain." yaya ni Nanay Belen dito agad naman na bumaba ang batang si Lilly mula sa pagkakabuhat ng ama nito at sumunod agad kay Nanay Belen.
"May dala ka bang gamit?" tanong ni Leon saakin.
Tumango ako at tinungo ang sasakyan ko. Binuksan ko ang likod ng sasakyan, kukunin ko na sana ang maletang dala ko ay inunahan na ako ni Leon.
"Salamat."
Sabay na kameng pumasok sa loob ng bahay ibinaba nito ang maleta ko sa sala ng bahay ni Nanay Belen.
"Halika na kayo at naghain na ako." tawag ni Nanay Belen. Mabait si Nanay Belen at mukhang magilaw sa bata at bisita marahil ay dahil nga mag isa lang daw ito sabi ni Felicity.
Ang batang si Lily naman ay mukhang magiliw din lalo kay Nanay Belen. Magandang bata ito medyo brown pa ang buhok nito na namana nito sa ama nito.
"Salamat po Nanay Belen." sabi ko dito
Nilingon nito ang kasamang halos kaedad nitong babae. "Ito nga pala si Minda kaibigan ko, tiyahin ito ni Leon at siyang kasakasama nila sa bahay nila." pagpapakilala nito.
"Magandang hapon po." magalang na bati ko.
"Kuh ay napakaganda mo palang bata. Mabuti at dito mo napiling manirahan pansamantala, maganda dito sa lugar namin tahimik at mababait ang mga tao." natutuwang sabi ni Nanay Minda sa akin.
"Salamat po sa mainit niyo pong pagtanggap sa akin." yumuko ako ng bahagya bilang pag galang at pasasalamat sakanila.
"Ako ay natuwa ng itawag sa akin ni Felicity na kung maaari daw ay dito ka muna saakin. Masaya ako na may kasama na ako dito." nakangiting sabi naman ni Nanay Belen.
"Ay siya maupo na kayo Celine, Leon Nang tayo ay makapaghapunan na, itong si Belen nagluto ng masasarap na putahe." yaya ni Nanay Minda.
Tumingin ako sa mesa at marami ngang nakahain na pagkain roon. May gulay, inihaw na isda, pusit at meron din pancit na native.
"Sibukan mo itong pancit batil, masarap iyan native pancit iyan ng Cagayan." sabi ni Nanay Belen at nilagyan pa ang plato ko. Panay ang asikaso nito sakin maging sa mag-amang Leon.
Masasarap ang lahat ng niluto ng mga ito. Natutuwa ako dahil napakabubuti ng mga ito, kinupkop ako kahit hindi naman ako kaano ano.
Matapos kumain ay nagpaalam na ang mag-amang Leon at Nanay Minda, ang bahay nito ay iyong katapat lang pala ng bahay ni Nanay Belen. Purong bato ang tinitirhan nito na bongalow style.
Nalaman niya kay Nanay Belen na hiwalay ito sa asawa, iniwan raw ito ng asawa nito para tuparin ang pangarap nitong maging modelo sa Paris. Maging ang bata ay hinayaan lang sa poder nito at hindi na binalikan pa.
Magaan ang loob ko kay Leon siguro dahil pareho kame ng sitwasyon na nasaktan pero sa kaso ko ako ang lumayo.
Nakasilip ako sa bintana at tinatanaw ang labas ng bahay, tahimik nga sa lugar na ito. Hindi tabi tabi ang mga bahay pero kakikitaan mo naman ng maayos na pamumuhay ang mga tao kahit malayo ito sa bayan mismo ng Santa Ana.
"Maayos na nga pala ang magiging silid mo katulong ko si Minda kanina sa pag-aayos niyon, pinaakyat ko na rin kay Leon ang mga gamit mo." sabi nito
Nilingon ko ito at ngumiti ako. "Salamat po Nanay Belen, hindi na po kayo sana nag-abala." nahihiyang sagot ko.
"Kuh wala iyon, nang sabihin ng pamangkin kong si Felicity na didito ka muna ay nagalak talaga ako. Kaya ituri mo akong parang iyong ina na rin." Bigla ay namiss ko ang mommy ko sakanya na nasa Australia na muli. "Halika at ihahatid kita sa magiging silid mo." yaya nito.
Umakyat na ito sa ikalawang palapag ng bahay kung saan gawa sa makakapal na tabla. Sumunod ako dito, binuksan nito ang isang kwarto. Maganda ang loob niyon may kalakihan rin at queen size ang kama. May cabinet rin na lagayan marahil ng damit.
Binuhay ni Nanay Belen ang electricfan sa gawing paanan ng higaan. "Magpahinga ka na anak at tiyak na napagod ka sa mahabang byahe patungo rito. Kung may kailangan ka nariyan lamang ako sa kabilang silid huwag kang mahihiyang katukin ako." bilin pa nito.
"Opo, salamat po uli." nakangiting sabi ko bago ako nito iwan mag-isa.
Umupo ako sa kama at huminga ng malalim. Hindi ko alam kung makakaya ko bang mabuhay ng malayo sa pamilya ko. Agad na tumulo ang luha ko, nagsisimula nanaman manikip ang dibdib ko. Alam ko magagawa kong mabuhay ng mag isa, kame ng anak ko. Gagawin ko ang lahat para sakanya, kahit wala ang daddy niya. Hindi ko alam kung kailan ko ba kayang ipaalam kay Sean na may anak kame. Hindi ngayon, masyado pang malalim ang sugat na nilikha nito. Galit pa ako sakanya, nasasaktan pa ako.