Chapter 3

2348 Words
CELINE'S POV ________________________________________ _ _ LUNES maaga akong pumasok at hinanap ko agad sina Felicity at Sophie. Dahil wala sa room ay agad kong tinext si Felicity. Ako: Saan kayo bruh? F: dating pwesto. Itinago ko na agad ang cellphone ko at binaybay ang acacia tree sa likod ng gynasium ng school na pinapasukan ko. Mahaba habang lakarin din iyon dahil madadaanan ko pa ang malawak na field ng Sta.Ines University. Isa ito sa kilalang may culinary school sa bansa. Most of the famous chef sa bansa ay doon galing. Makakasalubong ko ang grupo ni Diane pero kiber ko ba. Nagpatuloy ako sa paglalakad. "Oh the b***h is coming." narinig ko pang sabi nito. I gave her a death stare. Ipukpok ko kaya sa payatot na ito ang librong hawak ko. She rolled her eyes. They're still saying nasty things pero hinayaan ko nalang, dahil kapag pumatol ako ngayon natitiyak kong open arms na akong tatangapin ni Santanas sa impierno sa dami ng kasalanan ko. Mano bang makapuntos naman ako sa langit ngayon. Nagpatuloy ako sa paglalakad at nilampasan lang sila. I am not surprised na parang lumabas na naduwag pa ako. Not new to me anyway. "Ang aga aga nakabusangot ka." wika ni Felicity ng makaupo ako sa bench. Isa ito sa paborito namin tambayan na tatlo. Ang bench sa lilim ng mayabong na puno ng acacia. "Alam mo kung hindi ko lang gustong makapuntos kay San Pedro baka hinampas ko na ng libro yang si Diane." reklamo ko. Inismiran ako ni Felicity. "Sus hindi mo nga hinampas pero malamang sa utak mo lasog lasog na iyon." Inirapan ko ito. "Ang ganda pa naman ng mood ko today." sabi ko at naupo na. Abala naman si Sophie sa pagbabasa, palagi naman since matalino din kasi ito at mahilig mag-aral. Ako kasi mag-aaral lang kapag may exam. "So anong score na nga? Pabitin ka pa kagabi noong tumawag ka." tanong ni Felicity, magkavideocall kasi sila kahapon na tatlo at sinabi ko sa mga ito na may progress na ang sintang pururot ko kay Sean. Tumigil si Sophie sa pagbabasa at tila inaantay rin ang kwento ko. Huminga ako nang malalim. At ngumiti nang matamis ng maalala ang halik na namagitan sa amin ni Sean. "We kissed." ngiting ngiti na sabi ko. Napanganga si Sophie at tumili naman ng ubod lakas si Felicity. Ngalingaling kutusan ko ang babaeng ito. "Grabe Fely ang sakit sa tenga, nilayasan na ako ng eardrums ko." reklamo ko at sinundot ko pa ng daliri ang tenga ko. Masakit talaga. Nasama pa yatang mag-evacuate ang utak ko. "Jusko ka naman kasi girl." sabi ni Felicity. "For real nagkiss kayo?" Tumango ako at muli nanaman tumili ito akala mo inasnan na bulate pa ang itsura. "Para kang mamamatay na." sabi ni Sophie. Natawa naman ako. Kilig na kilig talaga ang itsura nito. "Anong feeling girl? Bilis ikwento mo na?" atat na sabi ni Felicity maging si Sophie. Napangiti ako nang maalala muli ang halik ni Sean. "Heaven girl. Take note nafrench kiss ang lola mo." tumili muli ito si Sophie naman ay tila nahiya sa pagkabulgar ko. Tumawa lang ako. "Ay bongga. Parang masarap ngang mafrench kiss." wika ni Felicity na inarte pa ang frechkiss. Gross talaga minsan ang isip nitong babae nato. "Eiww ka talaga." awat ko na dito at tumawa lang ito lalo. "May progress nga, so anong next move mo?" usisa ni Sophie. Yes dapat may next move ako. "May pacharity even sila kuya Clark kasama ang mga kaibigan niya at si Sean syempre_ "Andoon ang kuya mo?" namimilog ang mga matang putol sakin ni Felicity. Patay na patay nga pala ito sa kuya ko. Tumango ako. "Ay girl isama mo kame diyan. Kahit taga punas ng pawis pwede na." sabi pa nito. "Andoon din ba si Kuya Sebastian?" tanong ni Sophie..Agad naman kameng napalingon ni Felicity dito. Bigla naman pinamulahan ito ng pisngi. Napangiti ako. Diyata't crush ni Sophie ang pinsan ko. Mas bata si kuya Sebastian ko ng dalawang taon kina Sean at kuya Clark. "Sabay sabay na tayong pumorma sa mga prospect natin sa darating na weekend." sabi pa ni Felicity na ikinatawa nila ni Sophie. Pasimuno talaga ng kabaliwan si Felicity. Mas malala ito sa version ko. But I know she's a good person too. Na sakabila rin ng magiging maboka nito, bulgar at hagaran ay mabuti itong babae. She is sweet like Sophie. Not as rich as her and Sophie pero survivor ito, palaban at napakabait. That's way nagclick agad silang dalawa noon. ________________________________________ _ _ _ _ APAT na araw ang inantay ko at hindi ko kinulit si Sean. Gusto ko kasing paghandaan ang pagkikita namin muli. This time nakapagplano na ako ng husto. Gustong gusto ko talaga ito dati pa kaya naman kahit mapatay ako ng kuya sa kabaliwan ko ay handa na ako. Nasabi ko na rin sa kuya Clark ko na sasama kame sa charity event ng mga ito. Ginagawa ng mga ito iyon kapag may kaarawan ang isa sa magkakaibigan at ngayon ang may kaarawan ay si kuya Greg kasama rin nito ang napakagandang girlfriend nito na si Ate Abby at anak nitong si baby Allison. Sobrang ganda nito. Nagpalinga linga ako at hinahanap ng mata ko si Sean. Naningkit ang mata ko sa nasaksihan. Si Sean at ang babaeng haliparot na si Maggie. Kung makahimas kay Sean akala mo prutas ito. At ang hudyo siyang siya pa yata. Batukalin ko kaya ng lata ng sardinas. "Oh ow, " narinig kong wika ni Felicity napansin rin siguro ang tinitingnan ko. Nasa booth kame ng mga food repack para ipamahagi sa isang barangay sa bayan ng Malvar Batangas. "Parang mauungusan ka pa yata." tudyo pa ni Felicity. Pinaningkitan ko ito ng mata. "Hindi kita tutulungan kay kuya." banta ko para manahimik ito. Gusto kong magconcentrate sa plano ko. Malapit na akong kumuha ng isang timbang asin at ibuhos sa lintang babaeng iyon. Hinubad ko ang suot kong sweater at ang spaghetti strap nalang ang natira, fitted ito at talagang humulma ang dibdib ko dito at labas pa ang cleavage ko. Nagsimula akong maglakad sa tent na pwesto ni Sean. Narinig ko pa ang mahinang pagcheer ng dalawa kong kaibigan. Nakatingin lang ako kay Sean. Naagaw ko ang pansin ng ibang kalalakihan na nag aayos ng mga narepack na grocery para isalansan. Halos lumuwa ang mata nila sa akin. Sinusundan ang bawat hakbang ko. Nginitian ko sila. Pagtingin ko sa gawi ni Sean ay ang nagbabagang mata ang sumalubong na saakin. Galit ang itsura nito animo bulkan na sasabog. Jealous darling? hmmmm.. "This is not a fashion show Celine." galit na sabi nito ng makalapit ako. Ngumisi naman si Maggie sa tabi nito tila ba siyang siya na napapahiya ako sa harap niya. "What did I do now?" kunwaring inosenteng tanong ko pa. Pinaningkitan ako nito ng mata at tiningnan mula ulo hangang paa. "Are you trying so show off your body to those men?" nang uuyam na tanong nito at itinuro pa ang mga kalalakihan na pandalas ay nililingon pa rin ako dahil nasa labas pa rin ako ng tent kung saan kita pa rin ako. Ouch! "I am not." tanggi ko..Pumasok ako sa loob at umupo ako, inabala ang sarili sa pagsisilid ng mga bitamina sa plastik. "Come on kiddo, hindi komo may dibdib ka ipangangalandakan mo na sa mata ng lahat." sabat ni Maggie. Marahas ko siyang tinitigan. Ang kapal din naman talagang sumabat ng babaeng ito. "There is nothing wrong for being showy. Atleast ako may ipapakitang dibdib, hindi gaya ng iba diyan kahit yata ilabas na walang makikita." patutsada ko, akala yata nito hindi ko ito papatulan. Lumapit ito sa akin at akmang sasampalin ako. Mabilis naman itong naawat ni Sean. "What? Binabastos ako ng batang iyan." gigil na sabi nito kay Sean. Tiningnan naman ako ng masama ni Sean at umiling iling. Umangat ang dalawang kilay ko. "Abay malay ko bang tatamaan iyan?" maang maangan ko. Namewang si Maggie sa harap ko. I give her a lousy look. "Clark and Cristine are far different from you. They are well mannered. Hindi kagaya mo dinaig mo pa ang squatter girl sa asta mo. Maybe I should ask Clark if ampon ka ba?" Sabi nito, umakyat yata ang lahat ng dugo ko sa ulo ko sa narinig at marahas akong tumayo mula sa pagkakaupo. Tumingin ako kay Sean na wala yatang balak itama man lang ang babae nito. "You know what mas okay pa nga ang mga squatter girl na nilalait mo, atleast sila hindi lintang gaya mo. Atleast sila totoong mga tao. Not like you, assuming maging kalook alike ni Barbie doll ang ganda pero ang naadopt mo ang pagiging made of plastic ni Barbie." mahabang litanya ko. Namula ang mukha nito sa galit at akmang susugurin ako pero agad na inawat ito muli ni Sean. Sean looked at me in dismay. I wasn't sorry. Ang babaeng iyon ang naunang lumait sa akin. "Maldita ka talagang babae ka!" sigaw pa ni Maggie bago tuluyang mailayo ni Sean. Nang makalabas si Maggie ay hinarap ako ni Sean. "Really Celine?" sabi nito sa tonong nadidisappoint. "What?!" galit na tanong ko. "Bakit parang kasalanan ko pa?" "You came here in our tent and made a scene so who's fault do you think it is?" galit na tanong nito, nakapamewang ito sa kanya na animo batang pagagalitan ako. Inismiran ko lamang ito. "I just came here to help." sagot ko kahit alam kong may tama pa rin ito. Naiinis kasi ako kay Maggie pero hindi ko naman inaasahan na gaganunin ako ng babaeng iyon. Below the belt ang birada nito kaya gumanti lamang ako. "Help?" he said in sarcastic tone. "Yes, kaya nga sumama ako kay kuya sa charity event na ito ni kuya Greg para tumulong." sagot ko. "Hindi ko alam na busilak pala ang puso mo." napasibangot ako, bakit parang nanunuya ito. Binalewala ko ang pahaging nito at ngumiti dito. "Hindi lang ako maganda busilak din ang puso ko." proud na sagot ko. Lumapit ito at pinakatitigan ako. "A pretty face doesn't always mean a pretty heart." he said. It was mean. Sarcastic. Hindi ko akalain na dito pa iyon manggagaling. Ganoon ba kababaw ang tingin nito sa akin? Ganda lang pero walang buti sa katawan? She was hurt. Really hurt. "Binabasted na kita." inis na sigaw ko dito. Pasalamat ito gusto ko ito dahil kung hindi sinapak ko ito agad agad. Umangat naman ang kilay nito. "You what?" "Akala mo naman ubod ka ng gwapo. Oo nga't gusto kita pero hindi ko naman hahayaan na idown mo ako ng ganyan. Matandang hukluban nato! FYI mas gwapo pa nga sayo si Simon" galit at mahabang litaniya ko. Ang Simon na tinutukoy ko ay ang nakababatang kapatid nito na hindi nalalayo sa edad ko. Simon is 24. Hinablot nito ang braso ko at sa lakas ng pwersa ay napasubsob ako sa dibdib nito. Nagliliyab ang mga tinging ipinukol nito sa akin. "Take it back?" utos nito. Sa pagkataranta ay hindi ko maunawaan ang ibig nitong sabihin. "Take it back what" tanong ko at sinabayan ang titig nito. Akala yata nito uurungan ko ito.. "You, calling me matandang hukluban?" saad nito. Sa sinabi nito ay humagalpak ako nang tawa. Tawa ako nang tawa dahil sa itsura nito and the way he said matandang hukluban. "You!" nagtitimping sabi nito at hinapit siya sa baywang papalapit dito. Natigil naman ako sa pagtawa dahil magkadikit na magkadikit ang katawan nila. Bago pa ako makareact ay hinalikan na ako nito. Mariin, marubdob at mapangahas. Walang gentle ang halik na ibinibigay nito. Halik na parusa. Madiin ang bawat hagod sa mga labi ko. Kinagat din nito ang ibabang labi ko kaya naman mas naging mapangahas ang dila nito. Maya-maya ay gumaan ang bawat galaw nito, nanghihikayat. Gumanti ako at ginaya ang bawat galaw ng mga labi nito. Hindi ko na alintana ang taong pwedeng makakita saamin. I moaned as he explored his tongue inside my mouth and giving me so much pleasure. Nagsimulang gumalaw ang palad nito sa baywang ko pababa sa pwet ko, humagod ito doon pinisil pisil at panakanakang idinidiin ang katawan ko sa katawan nito. He was already aroused. I can feel his hard length. "Damn you Celine." Anas nito ng bitiwan ang labi ko upang sumagap ng hangin. Muli ay hinalikan ako. Patuloy ang pag-galugad ng dila nito sa loob ko kaya naman ginaya ko rin ito sa ginagawa nito. Madali naman akong matuto basta ito ang guro ko. Ang mga kamay ko ay naglakbay sa dibdib nito. Naramdaman kong binuhat ako nito at iniupo sa mesa sa sulok. Nagawa ko pang luminga sa paligid. Ang kalahati ng tent ay sarado dahil gamot ang nandoon kaya iniiwasang mabilad sa araw. Natitiyak kong wala naman nakakakita sa milagrong nagaganap sa loob ng tent. Nang maiupo ako ay bumaba ang halik ni Sean sa leeg ko patungo sa balikat ko ang isang kamay ko ay nakatukod sa mesa at ang isa ay naihawak ko sa buhok nito sa antipasyon na nararamdamn ko. He was the first man na hinayaan kong makalapit ng ganito kalapit sa akin. Napasinghap ako nang mas bumaba pa ang labi nito patungo sa dibdib ko. Napapikit ako sa ginagawa nito. "Oh goodness Sean!" nahihindik na sigaw ni Maggie. Pareho kameng napahintong dalawa. Agad na humiwalay si Sean sa akin at mabilis na inayos ko naman ang napababang spaghetti strap na suot ko. Tiningnan ni Sean si Maggie. Bakit parang takot ang nababanaag ko sa mata ni Sean. Bakit? Girlfriend ba nito ang babaeng iyon? Akmang susugod sa akin si Maggie ngunit mabilis na nahawakan ni Sean ang braso ni Maggie. "Malandi kang babae ka." galit na sigaw nito sa akin. Hinila ito ni Sean sa braso. Sean gave her a death stare. Napatigil naman si Maggie at masamang tingin ang ibinigay sa akin. "Tama nga sila haliparot ka talagang babae ka, lahat ng lalaki basta ginusto mo aakitin mo. Pakikitaan mo ng dibdib mo." muling sigaw ni Maggie sa akin bago ito umalis kasama ni Sean. Sean left her. Iniwan ako nito. Damn him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD