Celine's POV _ _ _ _ KATATAPOS ko lamang padedehin ang anak ko saakin, inilapag ko ito sa hospital bassinet na siyang higaan nito. Binuksan ko rin ang light na dinala rin ng nurse at ang bilin ay buksan at bahagyang itapat sa baby. "Masaya ako na maayos na kayo ni Sean, nakikita ko kung gaano siya kasaya kanina nang hawakan niya ang anak ninyo." ani Mommy Martha, napalingon ako dito tsaka ngumiti. "Masaya din po ako dahil nabiyayaan kame ng isang Noah." nakangiting sagot ko dito. "Noong iwanan mo siya, gumuho ang mundo niya. He became lifeless, iyong umikot nalang ang mundo niya sa alak. He almost drank himself to death. Ilang beses siyang napaaway sa iba't ibang bar, noong una inaayos lang lahat ni Simon at Sebastian ang gulong napapasukan niya. Kapag may napuruhan binabayaran la

